Natatawa si Apollo habang umuupo si Grant sa kanyang tabi. Ilang segundo pa bago ito maging komportable sa masikip na upuan. Matangkad si Grant, balbon at matipuno ang pangangatawan. Halos hindi matanggal ni Apollo ang tingin sa mala-abong kulay ng kanyang mga mata. Napansin niyang mukhang bagong ahit ito kumpara sa nakalipas na gabi dahil mas malinis at mas maikli ang mga buhok na nakapalibot sa kanyang bibig.
"So much for not planning ahead." ang sarkastikong sabi ni Apollo.
"What's that?" ang biro ni Grant na kunyari ay hindi niya narinig ang sinabi ng katabi.
"So you're planning to go to Chiang Mai all along?" ang tanong ni Apollo.
Nagsimula nang umandar ang bus.
"Yeah. Just like you, I wanna explore the city during Songkran. I heard it's the Thai New Year?" ang sabi nito.
"It is, according to what I read. At first, I thought it was all parties but I'm glad to learn about the cultural meaning of it." ang sabi ni Apollo.
"And I can't wait to actually witness it, yeah?" ang dugtong ni Grant. "Have you chosen a place to stay yet?"
"Yeah, though I haven't booked anything yet. I'm torn between two places. But both are within the walls of the Old City."
"Apollo..." ang sabi ni Grant na may tono ng pagkadismaya. "How many times do I have to tell you to book things in advance? It's peak season! Show me your options."
Nadi-distract si Apollo sa ganda ng accent ni Grant lalo na kapag binabanggit nito ang kanyang pangalan. In-unlock niya ang cellphone at ipinakita rito ang pinagpipiliang hostel gamit ang isang booking app.
"Here you go." ang sabi ni Apollo bago iabot ang phone kay Grant.
"May I?" ang paalam ni Grant bago kunin ang phone.
Saglit niyang tiningnan ang mga litrato ng pinagpipilian nitong hostel. Maya-maya ay nagsimula itong mag-type. Kaunting scroll pababa at isang click sa touch screen bago ito ibalik kay Apollo.
"Check this out and see if it's within your budget." ang sabi ni Grant.
"Isang modern Thai house ang kanyang unang nakita. Apat na palapag ito at may isang dark blue-tiled swimming pool na napapalibutan ng mga halaman. May limang kwarto na sampuan ang laman. Hiwalay ang toilet sa shower at may magandang breakfast area at kitchen.
Mukhang mamahalin ang lugar pero nagulat si Apollo nang makita na wala pang isang libong piso kada gabi ang bayad sa isang bed sa 10-bed na kwarto.
"Are you staying here?"
"Yep! It's around two blocks away from the river by the Old City. Quite near the weekend night market. Though a little far from Tha Pae Gate." ang sabi ni Grant.
BINABASA MO ANG
Wait for Me in Chiang Mai
RomanceHe gave up his seat in exchange for an upgrade in the next flight. What comes next is a chance he never saw coming.