Nakaakbay si Grant kay Apollo habang ang kamay naman ni Apollo ay nakalagay sa baywang ni Grant. Nilampasan nila ang banda habang naglalakad palayo sa parke. Saglit na tumigil si Grant at humarap kay Apollo.
"This may not be the ideal scenario for you when you thought of visiting this place. But I wanna make it special." ang sabi ni Grant kay Apollo.
Iniangat niya ang mukha ni Apollo at ginawaran niya ito ng halik sa labi. May ilang turista na binuhusan sila ng tubig at humiyaw nang mapansin ang saglit na pagdidikit ng kanilang mga mukha. Hindi napansin ni Apollo na dumaan sa likod ni Grant si Jan na naglalakad naman papunta sa banda.
"Let's go get that beer." ang yaya ni Grant kay Apollo.
Napunta sila sa isang street party sa harap ng isang hotel. Malakas ang musika mula sa speakers na nakapalibot sa daan. Wala ni isang tao ang may tuyong damit. Bumili sila ng tig-isang can ng beer at nakisali sa sayawan ng mga tao.
"Thank you for making Chiang Mai special." ang bulong ni Apollo kay Grant bago ipulupot ang kamay sa likod ng leeg nito at gawaran siya ng halik sa labi.
Niyakap niya si Grant at nanatili siyang nakasandal sa malaking dibdib nito habang ninanamnam ang kasiyahang nadarama. Maya't maya ang pagbaril sa kanya ng tubig ng mga tao at mayroon pang nagbuhos sa kanila ng tubig na may yelo.
Hindi naman nagpatalo si Apollo. Kumalas ito kay Grant at nakipaglaro sa ibang turista. Walang pagsidlan ng tuwa si Apollo ng mga oras na iyon kasama ang mga estranghero.
--
Muling iginala ni Jan ang mga mata matapos isigaw ang pangalan ni Apollo dahil nawala ito sa kanyang paningin. Masyadong maraming tao. Magulo. Naglakad siya sa harapan ng mga banda pero saglit siyang napatigil nang biglang maghiyawan ang ibang turista. Nakita niya ang likod ng isang Western tourist na yumuko at may kahalikan. Hindi niya nakita ang mukha ng taong nasa harap ng taong nakatalikod sa kanya. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad sa pag-asang makakasalubong niya si Apollo.
Nakaabot na siya sa maliit na lagusan kung saan niya nakita si Apollo. Tumigil siya sa gilid nito at muling iginala ang mga mata. Alam niyang isa sa mga taong nakapaligid sa kanya ay si Apollo. Pero hindi niya alam kung saan ito unang hahanapin. Umupo siya sa isang tabi at matiyagang tiningnan ang mukha ng mga taong makakasalubong. Ilang beses siyang nabasa ng mga tao at nakakaramdam na siya ng inis.
Nagpatuloy siya sa paglalakad sa palibot ng parke. Hindi siya umalis doon hanggang sa abutan na siya ng takipsilim. Tanaw niya mula sa kinatatayuan ang hotel kung saan siya naka-check-in. May isang street party sa harap nito. Gusto niya munang bumalik sa kanyang hotel room at magpahupa ng mga tao ngunit natatakot siyang baka dumating si Apollo at makitang wala siya roon.
Nang tuluyan nang dumilim ay natuyo na rin ang kanyang suot na damit. Kaunti na lang ang mga taong dumaraan at nag-iikot sa lansangan. Bukas na ulit ang mga restaurants at ilang tindahan. Mangilan-ngilan na lang ang mga namamasa.
BINABASA MO ANG
Wait for Me in Chiang Mai
RomanceHe gave up his seat in exchange for an upgrade in the next flight. What comes next is a chance he never saw coming.