CHAPTER FOUR - Khao Yai [01/02]

13 1 0
                                    

Halos tatlumpung minuto nang naghihintay si Apollo sa labas ng isang coffee shop

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Halos tatlumpung minuto nang naghihintay si Apollo sa labas ng isang coffee shop. Nakasimangot na siya dahil pakiramdam niya ay naisahan siya ni Jan. Ang dami nang tumatakbo sa kanyang isipan. Naiinis siya sa sarili kung bakit siya agad nagtiwala rito gayong kakakilala pa lang nila. Wala pang 24 oras silang magkakilala pero agad siyang pumayag nang yayain siya nito sa Khao Yai. Ni hindi niya alam kung saan iyon at kung anong meron doon.

"Five minutes pa." ang sabi sa sarili bago ubusin ang natitirang kape sa baso.

Pumunta siya sa book corner ng coffee shop at inaliw ang sarili sa pagtingin ng mga librong masinop na nakahilera roon. Maya't maya ang tingin niya sa relo. Nang matapos ang limang minuto ay lumabas siya ng coffee shop. Nagpalinga-linga para bigyan pa ng huling pagkakataon si Jan na sumipot.

"Ang tanga mo talaga kahit kailan, Apollo." ang bulong niya sa sarili nang mapagdesisyunan nang umalis.

Wala naman siyang inaasahan mula kay Jan pero nakaramdam siya ng inis dito dahil sa pakiwari niya'y isang panloloko nito sa kanya. Nahulog na naman siya sa isang pamilyar na patibong kaya ganoon na lang ang pagkadismaya niya sa sarili.

"Hey!"

Isang sigaw ang kanyang narinig pero hindi niya ito pinansin.

"Apollo!" Iniangat niya ang mukha nang marinig ang pangalan. Si Jan. Nakadungaw ang mukha sa umaandar na sasakyan. Kumakaway ito sa kanya. Nagsalubong ang kanyang kilay dahil mas nakaramdam siya ng inis nang makita ang masayang mukha nito.

Bumaba si Jan nang tumigil ang sasakyan at humahangos na hinabol si Apollo. Hinawakan niya ito sa braso para pigilang maglakad.

"Uy,  saan ka pupunta?" ang tanong ni Jan sa kanya.

"Sa train station. Pupunta na lang ako ng Chiang Mai." ang sabi nito sa kanya.

"What? Why? I thought we're going to Khao Yai." ang nag-aalalang sabi ni Jan.

"Oo nga. Anong oras ba ang usapan natin?" ang galit na tanong ni Apollo.

"7:30. Sorry, natagalan kasi na-traffic 'yung driver. Hindi mo naman binigay 'yung number mo kagabi so hindi kita matawagan." ang paliwanag nito.

Tiningnan lang ni Apollo si Jan. Hindi niya binigay ang number dahil naka-flight mode lang siya. Hindi siya mahilig mag-connect sa wifi kung saan-saan sa takot na baka manakaw ang kanyang personal data.

Pero nandito na ako. So, tara na." ang paglalambing ni Jan.

"Ayoko nang pinaghihintay ako." ang sabi ni Apollo.

"Duly noted, boss." ang sabi ni Jan bago sumaludo.

Hinatak ni Jan si Apollo papunta sa sasakyan. Pinagbuksan niya ito ng pinto at pinauna siyang sumakay. Nang maisara niya ang pinto ay sinabihan niya ang driver na diretso na sila ng Khao Yai dahil nasundo na nila ang kasama niya.

Wait for Me in Chiang MaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon