CHAPTER TWO - Ayutthaya [01/02]

36 2 0
                                    

Nililinis ni Apollo ang salamin gamit ang dulo ng tela ng suot na sando habang hinihintay ang kanyang kausap na bumalik sa mesa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nililinis ni Apollo ang salamin gamit ang dulo ng tela ng suot na sando habang hinihintay ang kanyang kausap na bumalik sa mesa. Maikli ang kanyang buhok - high fade cut - dahil mainit sa mga lugar na kanyang pinuntahan. Unang araw niya sa Thailand matapos ang halos isang linggong paglilibot sa Vietnam at Cambodia.

Matapos makuha ang diploma sa kursong Broadcast Communication ay lumipad siya papuntang Vietnam para magbakasyon. Ito ang regalo sa kanya ng mga magulang na matagal na niyang inaawitan dahil gusto niyang maranasan ang solo backpacking travel. Kaya't laking tuwa niya nang abutan siya ng kanyang ama ng isang credit card na kanyang gagamitin sa pagbu-book ng flights at hotel. May naipon na rin naman siyang pera kahit papano dahil matipid siya noong nag-aaral kaya't hindi na niya pinroblema ang pocket money.

"Sorry for waiting." ang bati ng kanyang kausap na Thai habang hinihila ang upuan na sa harap ng mesa.

"It's okay." ang sabi ni Apollo habang pinapanood ito na binubuklat ang log book.

"We have available slot tomorrow to Ayutthaya, 9AM. But there's only one seat left." ang sabi nito sa kanya.

"Perfect! I'll get it." ang sabi ni Apollo.

Iniabot niya rito ang passport at binantayan niya ito habang kinokopya ang kanyang pangalan sa log book. Nang maibalik sa kanya ang passport ay iniabot niya ang bayad dito. Binigyan siya ng resibo at masayang lumabas.

--

Maingay, magulo at masaya ang kalyeng kanyang dinaanan. Maraming mga tindahan ng damit, pagkain at kung anu-ano pa. Mas marami siyang napansing Western tourists kaysa mga Asian. Iba-ibang lahi, iba-ibang accent pero pare-parehas sila ng hangad sa lugar na iyon - ang mahanap ang kanilang mga sarili.

Kilala ang Khao San Road bilang backpacker's district. Dito tabi-tabi ang mga murang hostels, bars at kainan. Hindi ito ang nakasanayan ni Apollo. Mas gusto niya ang tahimik at hindi mataong lugar. Pero, gusto niyang makaranas ng kakaiba. Gusto niyang kumawala sa kanyang comfort zone. Dito niya naranasang makipag-usap sa mga estranghero. Walang panghuhusga. Lahat masaya.

Naglibot siya sa kalye at bumili ng ilang mga t-shirts na balak isuot sa mga susunod na araw. Nakipagtawaran pa siya sa mga tindera para makamura. Matapos makapamili ay pumunta siya sa isang resto bar para kumain at uminom. Ilang saglit lang ay may naki-share sa kanya sa mesa. Tatlong turista - isang lalaki galing Germany, isang babaeng taga-Singapore at isa pang babaeng taga Amerika. Kakakilala lang nila sa isa't isa mula sa isang tour na pare-parehas nilang sinalihan. Mabilis na nakapalagayan ng loob ni Apollo ang mga ito. Kaya't ang isang bote ng beer na kanya lang sanang balak inumin ay naging lima.

Halos hatinggabi na nang makabalik siya sa hostel. Magaan ang kanyang pakiramdam kahit na medyo nahihilo na siya. Mabuti na lang at nagawa niya pang magsipilyo at maghilamos bago isinalampak ang katawan sa kama. Swerte at sa bottom bunk ang kanyang kama. Hindi na siya nahirapang sumampa.

Wait for Me in Chiang MaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon