Umupo si Apollo sa ilalim ng isang malaking puno kung saan tumigil si Jan. Humiga si Jan sa lapag na puro mga tuyong dahon. Nakangiti ang mga labi nito pero napansin ni Apollo na malungkot ang kanyang mga mata.
"Uy, madudumihan 'yang suot mo." ang sabi ni Apollo ngunit hindi siya pinansin ni Jan.
"Anong plano mo sa buhay?" ang tanong ni Jan.
Nakatingin lang siya sa mga malalagong dahon na nagpo-protekta sa kanila sa sikat ng araw. Kumuha si Apollo ng isang dahon at pinaglaruan ito. Pasimple siyang sumusulyap kay Jan habang nagsasalita.
"Hindi ko alam. Bahala na kung saan dalhin."
"Wala ka pang plano bumalik sa Pilipinas?" ang tanong nito sa kanya.
"Meron syempre. Pera ng magulang ko ang ginastos ko papunta rito. Tapos 'yung naipon ko 'yung gamit ko sa ibang gastos. Bakasyon lang 'to. Babalik ako kasi kailangan ko rin magtrabaho. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pag-uwi." ang sabi ni Apollo.
"Masuwerte ka, no? Parang isang malaking blank canvas pa 'yung buhay mo. Tapos you have the freedom to paint whatever color you want." ang sabi ni Jan.
"I don't want to compare. Kasi sa tingin ko, okay rin naman 'yung sa'yo. Kasi, at least, ikaw... may path. Alam mo kung saan ka pupunta. E ako? Nagpapadala lang sa ihip ng hangin." ang tugon ni Apollo.
"Hanga ako sa mga tulad mo."
"Talaga, may crush ka sa akin?" ang pagbibiro ni Apollo.
"Loko." ang tanging sabi ni Jan bago siya batuhin ng mga tuyong dahon.
Nakailag si Apollo pero nahulog sa pagitan ng kanyang mga hita ang mga tuyong dahon. Huminga ng malalim si Jan. Tahimik lang si Apollo habang pinapanood ang ibang mga turistang mabagal na naglalakad sa kanilang paligid. Marahil pagod na rin ang mga ito dahil sa halos buong araw na paglilibot.
"Hindi ka naman magnanakaw, no?" ang tanong ni Jan sa kanya.
Nanlaki ang butas ng ilong ni Apollo sa tanong. Mas natawa siya kaysa nainis. "Puso lang ninanakaw ko."
Natigilan si Jan at napatingala kay Apollo dahil sa narinig.
"Jeez, ang corny." ang natatawa nitong sagot.
"Joke lang! Nakakainsulto ha. Mukha ba akong magnanakaw?" ang sabi ni Apollo.
"Ng puso? Oo." ang sagot ni Jan.
"Ugh, cringe alert!" ang asar ni Apollo.
Sabay silang napatingin sa isang babae na masayang lumapit sa kanila. Naka-fitted sando ito na itim at pants na may design na mga elepante. Blonde ang kanyang buhok at may nakasukbit na malaking camera sa kanyang leeg.
"Hey there. Sorry to disturb you!" ang sabi nito sa kanila.
Medyo matinis ang kanyang boses. Nagpakilala ito bilang si Sam, isang turista na taga-Amerika.
BINABASA MO ANG
Wait for Me in Chiang Mai
RomanceHe gave up his seat in exchange for an upgrade in the next flight. What comes next is a chance he never saw coming.