CHAPTER FIVE - Khao Yai [02/02]

14 1 0
                                    


"Hey

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hey." ang masuyong pagtawag sa kanya ni Jan habang nakatambay siya sa veranda ng kanilang kwarto.

Marahang lumingon si Apollo sa kanya. Kakatapos lang nito maligo. Striped sando at boxer shorts ang suot nito. Iniabot ni Jan ang hawak na baso na naglalaman ng white wine na binili niya sa PB Valley. Tahimik ang paligid at malamig ang simoy ng hangin. Kinuha niya ang iniabot ni Jan at nagpasalamat.

"This is a lovely place." ang sabi ni Apollo habang iginagala ang mga mata sa buong paligid.

Puno ng mga bituin ang langit. Ginaya ni Jan ang pagtingala ni Apollo at tahimik nilang pinagmasdan ang mga mistulang mga kulisap sa langit.

Inspired ng French country-side houses ang hotel na pinili ni Jan. Dito sila nagche-check-in dati kasama ang pamilya sa tuwing bumibisita sila sa Khao Yai. Masaya siya at nagustuhan ni Apollo ang isa sa mga pinakapaborito niyang lugar.

"Tomorrow morning, ipapakita ko sa'yo 'yung favorite spot ko rito." ang sabi ni Jan.

"Hati na tayo sa gastos mo dito." ang sabi ni Apollo.

"Huwag na, di ba? Okay na 'yun. Yung company mo na lang 'yung share mo." ang sabi ni Jan.

"Ay, hindi pwede. Sige na, let me pay for my share."

"Okay, fine. I'll compute it later."

"Thanks, I'll take a shower muna." ang paalam ni Apollo.

"I put my extra shorts sa may bed mo. You can use it." ang sabi ni Jan.

"Thanks. I'll call laundry na lang for my used clothes." ang sabi naman ni Apollo.

Medyo iwas si Apollo sa kanya matapos ang saglit na halik na kanilang pinagsaluhan sa harap ng fountain pagdating sa hotel. Masyadong mabilis ang mga pangyayari para sa kanya at kailangan niyang huminga.

Pagkasara niya ng pinto ng banyo ay tiningnan niya ang repleksyon sa salamin. Tinanggal niya ang suot na salamin at hinilamusan ang mukha bago muling titigan ang sarili habang tumutulo ang tubig mula rito.

"Don't sabotage your own happiness, Apollo." ang sabi nito sa sarili.

--

Nadatnan ni Apollo si Jan na nakahiga na sa kama at nanonood ng TV nang matapos siyang maligo. Tanging boxer shorts lang ang suot ni Apollo. Nakaangat ang isang kamay ni Jan at nakaipit sa likod ng ulo habang nakasandal sa headboard. Napansin niya ang saglit na pagkataranta at pagkailang ni Jan nang makita siyang walang suot na pang-itaas. Ibinaba nito ang kamay na nakaipit sa kanyang likod at umayos ng higa.

Dalawang single bed na pinagdikit ang kanilang higaan. Nadatnan nila itong ganoon na. Ang side na malapit sa bintana ang pinili ni Apollo para tanaw niya ang labas bago matulog. Naglakad siya papunta rito habang kinukuskos ng tuwalya ang basang buhok.

Wait for Me in Chiang MaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon