Chapter One: New start

2.3K 60 1
                                    

Kontento't masaya.

Dalawang katagang naglalarawan ngayon sa aking buhay. Abot kamay na ang kaligayang dati ko lang hinihiling. Pero ngayon, ito na. Hawak ko na siya at wala akong balak na pakawalan pa. Siya ang nagturo sa akin kung paano umibig, kung paano lumaban at kung paano harapin nang may katatagan ang pagsubok na darating sa aming buhay.

Si Bright 'yon. Siya lang ang nag-iisa.

Lumipas ang anim na taon ay puno ng pagbabago at pagmamahal ang nangyari sa amin. Walang halong echos, minsan lang kami hindi nagkakaunawaan dahil sa maliit na bagay. Para hindi na lumaki pa, ang isa sa amin ang siyang susuyo para hindi na magtanim ng tampo. Routine namon 'yon kapag naamoy namin ang aming pag-aaway.

All in all, naging maayos ang pagsasama namin ni Bright. Heto nga't nakatira na kami sa iisang bubong—apartment niya exactly. Nang malaman ni Lolo Alfredo na kami na nga ng kaniyang apo, kaagad niya kaming pinatawag sa kanilang bahay para magsalo. We all knew na alam niyang may namagitan sa amin ni Drake noon pero ipinagsawalang bahala na lang niya 'yon dahil ang mahalaga raw ngayon ay ang pagbabago ni Bright simula nang maging kami.

Seriously, tama si Lolo. Marami ngang nagbago kay Bright. Isa na don ang pagiging light mood niya, minsan na lang nakunot kapag nagsusungit at higit sa lahat, palagi na siyang nakangiti. Hindi naman ako assumera na ako ang gumawa 'non pero parang ako nga. Ibigay sa akin ang korona!

Pansin ko rin ang pagka-clingy niya saan man kami magpunta. Mapapublic man o private. Dapat daw ay lagi kaming magkasama dahil magkadugtong na ang aming puso. Siya raw ang nakapatong... ang bastos!

Nahihiya man kaunti sa side ko dahil sa mapangmatang paligid, i chose to ignored them na lang. Inggit lang sila dahil ako ang nakabingwit ng malaking isda. Well, favor din naman iyon kay Bright dahil kung itrato niya ako ay para bang prinsesa na ang turing sa akin. Insert *kilig much* emoticon.

Marrami na ring nakaalam sa mga kaibigan ko especially sa aking family. Happy sila for the both of us and supportive naman ang buong student ng AUP. But, hindi parin maiiwasan na may ilan pang mga babae at binabae ang naiinggit sa naging posisyon ko. Pwes, mamatay sila sa inggit! Chareng!

Kapag nagbabakasyon naman, we always go to my place and be bond to my family. Natuwa naman ako dahil boto na ang aking nanay pati narin si bunsoy na lumalaki na. Literal na lumalaki ang katawan HAHAHA.

There are times na magmomoment lang kaming dalawa privately and napunta kami sa tahimik na lugar. Yung tipong uupo sa buhanginan tapos siya ay nakahiga sa aking kandungan. Masarap ireminisce ang ganoong tagpo. Nakakataba ng puso. Mas lalo tuloy akong nahuhulog sa damuhong ito. Bright, catch me... i'm falling for you!

"Babe.."

Hayy, feeling ko ako na ang pinakamaswerte sa buong mundo. Salamat kay Santino dahil ininspire niya akong manood ng 'May Bukas Pa' para naman matanggal ang kasamaan sa aking katawan at para dinggin ni bro ang kahilingan ko.

"Baabe.."

Kinikilig tuloy ako kapag naririnig yung 'Babe' na sinasabi sa akin ni Bright. Dapat daw ay Baby pero hindi siya pumayag kasi kami mismo ang gagawa noon. Oyy, inosente po ako. Siya ang nagsabi hindi ako. Can't wait for that moment! Shems, ang harot ko sa part na 'to.

"BABE!" nagitla ako at nagising sa malalim na pagdedaydream. Napatingin ako kay Bright na ngayon ay nakasimangot na.

"A-ano 'yon?"

"Kanina pa kaya kita tinatawag. Sabi ko matulog na tayo. Antok na 'ko eh." sabi niya sabay yakap sa akin. Sinuklian ko naman ito at hinagod pa ang malambot niyang buhok.

Tumingin ako sa orasan at pasado alas onse na ng gabi. Pinilit ko kasi siyang samahan akong manood ng '2gether the series' kasi hook na hook ako sa dalawang bida. Yung tipong napapaangat ng kusa ang aking puwetan kapag nagsimula na silang magharutan moments and everytime na magkikiss sila. Waaahhh! Sana ako rin! Ang kinaiinisan ko nga lang ay si Pham na impaktita! Yung kababata ni Sarawat na piniling iwanan yung friendship nilang dalawa. Tas ngayon may gana pa siyang bumalik eh meron na ngang Tine? Hell no!

"Sige. Tulog na tayo. Ako na ang mag-aayos dito kaya ikaw na mauna sa kuwarto."

Tumango na lamang siya at hinalikan ako sa pisnge. Lumakad na siya papuntang silid at ako na lang ang natira rito. Sinimulan ko nang ayusin ang sala at sumunod narin sa kaniya di kalaunan. Magkayakap kaming natulog habang may ngiti sa aming labi.

Instant wife na ba ako nito? Pano ba yan, ako na yata ang president ng sarawatwives ng taon? Nakakakilig!

End of Chapter 1

Apart 2gether ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon