Chapter Nineteen: Revealing the truth

624 35 0
                                    


"A-alam mo?"

"Oo. Alam ko. Halika, sumama ka sakin at huwag tayo rito, baka may makakita."

Hinawakan niya ang kamay ko ngunit kaagad ko itong inalis.

"Teka, mapagkakatiwalaan ka ba? Sa panahon ngayon, mahirap nang magtiwala at sumama sa iba. Ni hindi ka man lang nagpapakilala sa akin kung sino ka tas may gana kang isama ako kung saan-saan? Hindi. Ayoko. Baka inutusan ka lang ng amo mo para may gawing masama sa akin—"

"Hindi ka parin talaga nagbabago Win Velasquez, napakadaldal at walang tigil kakakuda. Huwag kang mag-alala, hindi ako masamang tao gaya ng iniisip mo. Basta't sumama ka sa akin at ilalahad ko ang lahat ng nalalaman ko."

Tumalikod siya sa akin at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Sumunod ako rito kahit may pag-aalinlangan. Hindi man ako siguradong makakatulong nga ang isang ito, gagawin ko lahat para maipanalo itong kaso.

Pinapasok niya ako sa bahay makalampas malapit sa aming kanto. Umupo kanming dalawa sa salas at masinsinang nag-usap.

"Ako si Elias, kasama sa grupo nina Jerome noon—"

"Ibig sabihin isa ka sa gumahasa sa akin noon? Walang hiya ka!" Akmang sasampalin ko sana siya ngunit mabilis niyang nahawakan ang kamay ko.

"Hindi! Mali ang iniisip mo! Pwede bang kumalma't patapusin mo muna ako?"

"Eh paano ako kakalma? Kung kaharap ko ngayon ang isa sa mga bumaboy sakin?! Sige, sabihin mo!"

"Oo kagrupo nila ako dati, pero tumiwalag din ako sa araw nong nagplano si Jerome na may isang tao raw kaming aabangan...ikaw 'yon Win. Sinabi niya sa amin na abangan ka namin pagkauwi mo para maisakatuparan ang nais niya. Sa oras na 'yon, napagdesisyunan ko nang umayaw. Nakipagkaibigan lang naman ako sa kanila para hindi ako pagdiskitahan gaya ng mga taong naagrabyado nila. Hindi ko matanggap sa sarili ko na gumagawa na pala ako ng masama kaya hindi rin kinaya ng konsensiya ko. Noong gabing iyon, alam kong may ginagawa na silang katarantaduhan sa iyo. Nagbalak akong magsumbong sa guwardiya ng eskwelahan at tinawagan ang linya ng mga pulis. Pero huli na ako. Naispatan ako ng mga kasama ni Jerome kaya pinagbubugbog nila ako. Hindi ko na naituloy ang pagtawag kaya walang dumating para tulungan ka. Kung gusto mo ng hustisiya, handa akong humarap sa korte Win. Kahit sa ganitong paraan ay malinis ko ang gusot at pagkakamali ko. Pasensiya na rin at hindi kita natulungan."

"Ngayon may ebidensiya na akong mailalabas. Dahil sa iyo 'yon Elias. Maraming salamat at hindi ka natakot na ibunyag sa akin lahat ng mga pagkakamali ng grupo mo. Pero huwag kang mag-alala, hindi kita kakasuhan. Sa halip, ikaw ang magiging laban ko para maipanalo ang kaso. Halika't sumama ka sa akin. Kakausapin ko si Mr. Arellano para sa magandang balita. Isa siyang lawyer na tumutulong sa akin. At bilang may alam ka sa buong pangyayari, gagawin ka naming witnessed, ok lang ba iyon sayo?"

"Oo naman Win. Matagal na kitang hinahanap para sabihin sa iyo ang totoo. Mabuti nahagilap kita rito kasi madalas kong sinusulyapan ang bahay niyo at nagbabakasakaling nandoon ka. Mabuti't umuwi ka ng bansa."

Ngumiti ako sa kaniya at sabay kaming umalis para pumunta kila Kuya Khalid.

_

"Mabuting balita nga iyan anak, basta tandaan mo, magpakatatag ka at lumaban. Matagal mo naring dala-dala ang masalimuot mong nakaraan kaya panahon na para makamtam mo ang hustisya. Mag-ingat kayo jan Win, ayos lang kami rito ng kapatid mo." Boses ni nanay sa kabilang linya habang nakikipag-usap ako. Pinatay ko na ang tawag at humarap sa kanilang lahat.

"Mr. Arellano, siya po si Elias, ang makakapagsabi nung mga gabing pinagsamantalahan ako ng grupo nina Jerome. Siya po ang magiging witnessed natin."

Apart 2gether ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon