Chapter Fifteen: The show

530 36 0
                                    

Philippines.

Where the event was held. Wow. Just wow.

Minsan nakakayamot din si tadhana. Everytime na ako na yung gumagawa ng paraan para lumayo, siya naman 'tong gagawa ng paraan para mapaglapit kami at muling gambalain ang tahimik ko nang buhay. I was literally shocked when our boss said that all fashion designers who are enlisted need to packed our things because we are heading to the Philippines 2 days from now. 'Ni wala man lang sabi-sabi na ganoon ang mangyayari tas walang preparation na magaganap? Parang pinapakain kami ni boss sa mga buwaya ng buhay!

"Anak, bilian mo nang mag-empake jan. Sa susunod na araw ang alis niyo. Wala ka nang oras para gawin 'yan at abala ka na simula bukas."

Kasalukuyan akong nag-aayos ng damit good for 1 month. Hindi naman kami magtatagal doon kaya kakayanin ko.

Hinanda ko na ang sarili ko since isa ang Corazon Cloathing Line ang nagsagawa nitong show. So, hindi na ako magtataka na makita siya nor makausap ng malapitan.

Natapos ko na ang pag-eempake then natulog na.

_

2 days passed and ngayon na ang alis namin. Kasama ko ngayon si Kuya Khalid papuntang Suvarnabhumi Airport. Hindi talaga kasama si kuya pero nung nag-insist ako na isama siya, wala nang nagawa si boss kundi ang pumayag. Wala talagang makakahindi kapag ako na mismo ang namilit.

After the long ride, sumakay kami ng private plane na sponsored daw ng Fernandes. Edi sila na!

Pumikit ako at pinakiramdaman ang lumilipad na sasakyan. Nginunguya ang kending kanina ko pang kinakain para hindi mahilo. Noong umalis kasi kami papuntang thailand hindi ko inexpect na masusuka ako. Nakakadiri! Parang lahat ng kinain kong kanin ay umakyat sa bibig ko para ilabas.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako at ngayon ay nandito na raw kami. Paglabas, naamoy ko na ang dati kong nakasanayan. Hay, nasa Pilipinas na nga kami.

"Win, let's go?"

Napalingon ako kay Kuya kaya sumunod na ako. Dumiretso kami sa Reishisa 5 star Hotel para magpahinga. Bukas na kasi yung show so we need to sleep and gained strength.

_

"Good eve ladies and gentleman! Welcome to the Annual Global Cloath Show! As we celebrate the success of every cloathing line in the world, unity is our goal for this day. With that, we were having an traditional activity like we did last year...a fashion designer show! Every FD needs to work their own version cloaths with a time limit. The winner of this game receives P100,000 pesos cash price!"

Nagsipalakpakan ang buong tao dito sa big arena. Maraming nagkalat na camera man sa paligid na nagla-live sa TV.

"Win, go na sa backstage. Papunta na rin daw si Rosa dito." Sabi ni kuya habang may tinatype sa kaniyang telepono. Tumango ako dito at nakisabay sa mga participant na pumapasok.

Binigyan kami tigi-tigisa ng sketchbook na may lapis ng coordinator. Magiging random daw ang magiging partner namin para matahi ang ginawang damit. Kinakabahan man pero keri lang. Hindi ako magpapakain sa kaba ko. Chillax lang sabi ng nakalagay sa Fres candy.

Nagsimula na ang show. Isa-isa kaming tinawag per country. Naghanda ako dahil sunod na ako sa matatawag.

"The well-known fashion designer in Thailand, let's welcome Mr. Win Velasquez!"

Lumabas ako habang dala ang abot tengang ngiti. Nasilaw man sa mga ilaw at camerang nakatutok sa akin, i make myself comfortable and nagpatuloy lang sa paglalakad. Nagbow ako pagkadating sa gitna then pumunta sa magiging pwesto.

Nawala ang ngiti ko nang may mahagilap akong pamilyar na tao. Naka-akbay ito sa babae habang yapos naman siya nito. Tss, pati ba naman dito ipagngangalandakan ang kasweetan nila, how pathetic.

Wait? Bakit parang nagsa-sounds bitter ako rito?

Enough with that attitude. Cut that drama!

Just focus to the show and don't mind them.

Lumihis ako ng tingin sabay ngiti ulit nang may pagkagalak.

Binigyan kami ng dalawang oras para matapos ang nilikha. Isang oras para sa pagdedesign and isang oras naman para sa paggawa. Ibig sabihin, nakasalalay ang lahat sa magiging kapartner ko. Kahit ba maganda ang pagkakadrawing ko, kung palpak at hindi ayon ang hitsura sa ginawa, wala rin. Kailangan naming galingan.

"Huy teh, pagkatapos ko nito, galingan mo sa paggawa hah? Sayo nakasalalay ang pagkakapanalo natin. Sayang P100,000 girl!" Kalabit ko sa kaniya.

"Ayy oo naman! Ako pa! Hasa nako sa pagtatahi kaya don't worry, yakang-yaka ko toh!"

Sabay kaming napatili sabay apir sa isa't-isa.

"Ano pa lang name mo gurl?"

"Win. Ikaw?"

"Ako naman si Happy. Nice to meet you Win! Bilis na girl, time is start na!"

Dali-dali naman akong nagdrawing habang chini-cheer up ako nitong katabi ko. Walang tigil akong kakatawa dahil sa mga pinagsasasabi niya. Mas lalo akong ginanahan kaya pinagbuti ko ang pagdidisenyo.

Makaraan ang 40 minutes ay natapos ko narin. Ipinaliwanag ko sa kaniya ang magiging outline ng bawat sulok ng damit and kung ano ang hugis nito. Tango siya nang tango habang sinasabi ko kung ano yung sukat, laki at gagamiting bids.

After discussing, siya naman itong naging abala sa paggawa. Makikitaan mo ng pagkaseryoso at mabilis talaga siyang maggupit. Tiningnan ko ang paligid and kita ko na abala parin ang mga FD sa pagdedesign. Kami pa lang itong nagawa na ng damit kaya kampante ako na matatapos namin ito sa oras.

Lumipas ang isang oras at sampung minuto, natapos na si Happy sa pagkakabit ng mga bids. Mangha kaming dalawa sa kinalabasan nito at napapalakpak kami sa sobrang tuwa.

Di kalaunan, tapos na ang oras sa paggawa kaya pinababa na kami para masaksihan ang runaway show ng aming damit.

Nagsisihiyawan ang lahat nang magsimula na ang second show. Magaganda rin ang damit na ginawa ng ibang kalahok kaya todo sigaw ang sumusuporta rito.

Lumabas na ang model namin at sabay-sabay kaming humiyaw para sa kaniya. Napakasarap sa feeling na nakikita mong iminomodel ng iba yung gawa mo habang hinahangan ito. Nakakataba sa puso.

"That dress is the work of Win Velasquez from thailand accompanied by Ms. Happy Forteno, the sewer. The dress named 'Fearce de luxxe' which means portraying a strong person from a dark past. Mr. Velasquez dedicated his design to those person who experienced sad relationships and make them believed that there is a second chance to stand with their own feet. Wow! What a nice description and stunning dress! Goodwork Mr. Velasquez from Thailand."

Tuloy-tuloy lang ang event then sinabi ko kay Happy at Kuya Khalid na gagamit muna akong C.R. Umoo sila pero sinabihan akong dalian dahil malapit na ang yung announcement ng mananalo. Kaagad naman akong umalis sa puwesto at umihi na sa banyo.

To be continued...

End of Chapter 15

Apart 2gether ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon