Chapter Twelve: Before you go

541 38 0
                                    

"Nay, handa na ba lahat ng gamit natin? Sabihin mo kay buboy na pakibilian sa pagligo baka malate po tayo sa flight eh." sabi ko kay nanay habang inaayos ang mga papeles at passport nila.

Sa Thailand muna kami maninirahan. Nang malaman kasi ni Rosa yung nangyari, inofferan niya ako na puwede kaming magstay-in sa bahay nila doon. Nakakagulat nga't hindi ako nainform na mayaman pala ang loka dahil nandoon ang kuya niya na nagtatrabaho sa isang kompanya.

"Rosa, paalis na kami sa bahay. Magkita na lang tayo sa airport. Teka, nasabi mo na ba sa kuya mo na doon muna kami pansamantala? Baka nakakahiya sa kuya mo."

"Anukaba frenny, siyempre ininform ko na siya. Actually, natuwa nga siya kasi may makakasama na siya sa bahay. Mabait naman si Kuya Khalid eh. Don't worry frenny, kapag nagkaroon kami ng summer vacation, gogora ako papuntang thailand."

Umoo na lang ako sabay patay ng tawag at dali-dali kaming sumakay nina nanay sa pagsakay.

Sa pag-alis, sinigurado kong planado ang lahat. Nakapagpaalam na ako sa kompanya na magreresign ako sa trabaho na siyang ikinabigla ng lahat. Pati rin si Drake ay nadisappoint sa biglaan kong desisyon. Kahit ganoon, wala siyang nagawa kundi ang suportahan ako at huwag daw kakalimutang tumawag kapag kailangan ng tulong. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil pamilya na ang turingan namin. Hindi ko sila makakalimutan.

"Anak, sigurado ka na ba dito? Pwede mo naman kaming iwan dito ng kapatid mo sa Pilipinas. Hindi mo na kailangan pang isama kami"

"Nay, gusto ko pong kasama kayo sa pagbabagong buhay. Ayoko pong nakikita kayong nahihirapan sa pagtatrabaho lalo na't tumatanda narin kayo. Hayaan niyo pong ako muna ang kumayod para matutukan niyo si Buboy."

Hindi na sumagot si nanay sa halip tanging ngiti ang tinugon niya. Mas ok na 'to, yung ako ang magpapakahirap para hindi na mahirapan si nanay sa gastusin ni Buboy sa pag-aaral. Ako ang panganay at ako na lang ang inaasahan niya na magiging kasangga.

Ilang minuto bago kami makarating sa airport. Napatigil ako sa paglalakad nang matandaan ko ang naging karanasan ko dito kung paano kami nagsimula ni Bright. Kung paano ko siya hinabol para pigilan sa pag-alis.

Siya kaya, pipigilin niya rin kaya ako?

Hahabulin niya rin ba ako katulad ng ginawa ko?

Makikipagpatintero sa mga gwardiya para makatakas sa batas?

Susulungin ang ulan para hindi ako mawalay sa piling niya?

Napangiti ako ng mapait bago umiling.

Tss, ano ba 'tong iniisip ko. Tiyak imahinasyon ko lamang ito. Nag-iilusyon to be exact. Siguro busy na siya bilang buhay may-asawa. Ikakasal na kasi siya makatapos nitong buwan.

"Kuya Win, tara na po." Kalabit sa akin ni buboy habang kumakain ng siopao. Napangiti ulit ako dahil hindi parin siya nagbabago.

_

"Frenny! Gosh buti naman nandito na kayo! Oh ano, handa na ba lahat ng kakailanganin niyo nina Tita? Naku umayos ka Win at ayokong sumabit dito."

"HAHAHA loka ka talaga Rosa. Ok na lahat. Pero seryoso, ok lang ba talaga na makitira? Puwede naman kaming humanap don ng matutuluyan habang naghahanap ako ng trabaho?"

"Unli allnet karin talaga Frenny. G na nga sabi eh! Sinabihan ko na si kuya na mag-ayos ng bahay para hindi nakakahiya sa inyo ni Tita. Oh paano, kayo na pala ang next flight. Gora na para hindi kayo mahirapan sa pagpila. Chat chat na lang tayo kapag nakarating na kayo ron."

"Ay teka, saan ba kami pupunta? Anong address? Magkandaligaw-ligaw pa kami ron pag nagkataon"

"Atsadang Road 103 Avenue sa Bangkok. Ibibigay ko sayo number ni kuya then itext mo na lang siya ok? O siya bilis na!"

Bago kami umalis ay niyakap ko siya ng mahigpit. Nagpasalamat dahil malaki ang naitulong niya sa akin. Kung hindi kasi siya nag offer ay baka wala pa kaming specific place na pagtitirhan. Alam din kasi ni Bright yung probinsya namin. Wala akong choice.

Nandito na kami sa eroplano na ngayon ay paalis na.

Wala nang atrsan 'to.

Sa aking pag-alis, lilisanin ko lahat ng ala-ala sa Pilipinas. Kalimutan ang dapat kalimutan.

Magsimula ng panibago at mamuhay ng masaya.

Sa ngayon ito muna ang goal ko. Kailangan kong magsikap para magkaroon ulit ng trabaho at umangat.

Sisiguraduhin ko sa aking pagbabalik, hindi na ako yung Win na hindi nalaban. Ibabalik ko ang dating tapang para hindi maapi o may umapi sa akin ninoman.

At Sir Roberto, tandaan mo 'to. Just wait me and see what I can do. From now on, I will be indestructable!

Badass Gay.... activated!

End of Chapter 12

_

Parang Wildflower ito ah? IV Aguas, ikaw ba yan? HAHAHAHAHA

Apart 2gether ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon