Chapter Six: Fear of the newcomer pt.2

505 35 0
                                    

Kasalukuyan kaming bumabiyahe patungo sa bahay nina Lolo Alfredo. Tinext na si Bright na nandoon na raw ang kaniyang tatay kaya kailangan na naming magmadali. Kanina pa ako nanginginig at hindi mapakali sa kinauupuan ko. Alam kong kanina pa iyon napapansin ni Bright kaya hinawakan niya ang aking kamay.

"Babe, kanina ka pang balisa. Ano bang bumabagabag sayo?" May pag-aalala niyang sabi habang palipat-lipat ang tingin nito sa akin at sa daan.

"K-kinakabahan lang siguro ako. First time ko kasing makita yung daddy mo."

"Tss, bakit ka naman kakabahan? Hindi naman nangangagat si daddy. Huwag ka ngang paranoid jan!" Natatawa niyang sabi kaya hinampas ko ito sa braso. Dumaing siya't nagreklamo.

"Huwag ka ngang tumawa! Mas lalo mo akong pinapakaba eh!"

"Hahaha ikaw naman kasi, mukha ka nang matatae sa ginagawa mong 'yan. Just relax yourself ok? No need to be worry. Andito naman ako eh." Tumango ako at huminga ng malalim.

_

Lumipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay. May kotseng nakaparada na sa tingin ko ay pagmamay-ari iyon ng ama ni Bright. Bumaba na kami sa sasakyan saka pumasok sa bahay.

Unang bumungad sa amin si Lolo Alfredo na nakikipagkuwentuhan sa lalaking nakaupong nakatalikod sa amin. Bumaling ang tingin ni lolo sa amin sabay tayo.

"Oh Roberto, nandito na ang anak mo. Bright Angelo, come in." Sabi ni lolo sabay lapit sa amin. Niyakap niya si Bright sumunod ako.

"Namiss ko po kayo 'lo." Bulong ko rito. Ngumiti siya sabay tango sa akin.

"Halina't kumain na muna tayo at doon na magkwentuhan."

Lumapit yung tatay ni Bright sa kaniya at yumakap din. Ako'y ngumiti sabay sunod kay lolo sa kusina. Nagsiupuan na ang lahat habang kami ni Bright ay magkatabi. Si Lolo ay nasa gitna samantalang si Tito Roberto ay nasa harap namin. Ang amfee ng 'Tito'.

Kukuha na sana ako ng kanin nang inunahan ako ni Bright. Sa halip, siya ang nagsandok para sa akin at pinapili kung ano ang gusto kong ulamin. Napatingin ako sa dalawang lalaki na nakaharap ngayon sa amin. Nahiya ako sa sitwasyong ito kaya sinabihan ko si Bright na ako na lang ang kukuha ng gusto ko.

"Bright, ako na. Yung tatay mo na kang ang asikasuhin mo. Kaya ko naman eh." Bulong ko rito.

Wala na siyang nagawa kundi sundin ang sinabi ko. Pansin ko ang pag-iba ng tingin sa akin ng tatay niya kaya nakaramdam ako ng kakaiba.

"So, what's the update in our company, son? I'll expect na maganda ang pagpapatakbo mo rito."

"Everything is fine dad. Actually, napasagot ko kahapon si Mr. Cuenca sa deal namin. Madadagdagan ulit tayo ng shareholders so that could be legitimate in our plans."

"Well done my son. Hindi nga ako nagkamaling gawin kang CEO ng kompanya. Keep it up the goodwork."

Nagpasalamat siya at pinagpatuloy ang pagkain. Hindi ako maka-imik para hindi magmukhang sawsaw pusa sa usapan nila. Mahirap na't baka ako naman ang ma-hot seat.

"And who's the boy beside you? May I know what he's doing here?"

Sa puntong iyon, ako na ang sumagot. Tumikhim ako bago magsalita.

"Ako po si Win Velasquez, Sir. Nice to meet you po." Magalang kong sabi sabay ngiti. Napataas na lamang ang kaniyang kilay at bumaling ng tingin kay Bright.

"A-ah dad, siya po si Win..." tumingin muna siya sa akin na para bang may sinasabi ang kaniyang mata.

"P-personal assistant ko po siya." Sabi niya na ikinatango ng ama.



Ako? Personal Assistant niya? Niloloko ba niya ko?

Biglang sumikip ang dibdib ko sa mga sinabi niya. Para bang pinagtakpan lang niya ang relasyon namin at ayaw ibunyag ang katotohanan sa kaniyang ama.

Nakakainis siya!

Tiningnan ako ng makahulugan ni Bright. Umiwas ako sabay tayo sa kinauupuan ko. Hindi ko kaya ang mga kaganapang ito. Para akong sinisilaban at sinasakal hanggang sa hindi na makahinga.

"E-excuse me po. Gagamit lang po ako ng C.R" sabi ko sabay alis sa kinaroroonan nila.

Lumabas ako ng bahay at napiling umupo sa may upuan. Doon ko inilabas ang luhang kanina pa sanang lumabas. Nag-iba ang pakiramdam ko. Ginogoyo lang ba ako ni Bright?

End of Chapter 6

Apart 2gether ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon