Chapter Sixteen: Unexpected prize

581 37 1
                                    

Naghuhugas ako ng kamay habang tinitingnan ang repleksyon ko sa malaking salamin.

Malaki na nga ang pinagbago ko.

Ngumiti ako sabay ihip pataas dahilan para gumalaw ang buhok kong nasa noo.

Binuksan ko ang pinto papalabas ng banyo. Maglalakad na sana ako kaso nabunggo ako sa dibdib ng nakatayo sa harapan ko.

"Chan khxthos!" (I'm sorry!")

Banggit ko sabay alis sa kaniya. Hindi na ako nag-abalang tingnan ito dahil nagmamadali akong bumalik. Nagtext sakin si Kuya na ia-announce na raw yung mga mananalo.

Napatigil ako nang maramdaman ang paghawak sa kanan kong kamay. Bumilis ang pagpintig ng aking puso dahil sa sensasyong nadama.

Humarap ako sa lalaki at hindi nga ako nagkamali.

It's been years magmula nang makita ko siya. Wala paring nagbago sa kaniya bukod sa mas lumaki ang katawan nito at tinubuan ng bigote.

"M-may I know you?" Tanong ko rito.

Naghintay ako ng ilang segundo pero wala akong nakuhang sagot. Nakatingin lamang ito sa akin na walang ekspresyon habang hinihigpitan ang pagkakahawak nito.

"Sir, please get off me. I need to go to the venue. If you have any problem just because I dumped you, i'm sorry ok?" Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sabay talikod para maglakad.

"Ganiyan ka na ba? Kunwaring hindi mo ko nakikilala? Sabagay, umalis ka nang walang paalam para takasan ang problema. You always do that, ang mang-iwan. Ano pa nga bang aasahan ko sa isang katulad mo?"

Muli akong napatigil sa kinatatayuan ko at pumaling ng tingin sa kaniya.

"W-what did you say? If i'm not mistaken, the one who you should blame is your father. Because of him, napilitan akong gawin 'yon. It's better nga na nangyari 'yon kasi nagkaron ka na ng sarili mong pamilya. Dapat masaya ka ngayon cause you already achieved you dreams. Atsaka puwede ba? Huwag na nating pakialaman ang isa't-isa? May sari-sarili na tayong buhay. Huwag mo naring halukayin ang nakaraan. Past is past. I'll better go Mr. Fernandes. I have no time to talk with you, it's nonsense."

"Kung hindi ka sana bumitaw kaagad edi sana hindi 'to nangyari. Wala ka kasing tiwala sakin kaya ikaw na lang lagi itong nagdedesisyon kahit hindi mo alam ang nararamdaman ko. You're so selfless!"

"Me? Selfless? No, i'm not. I'm just picking the good one. I must say na tama ang naging desisyon ko kasi naitaguyod ko ang pamilya ko at higit sa lahat, nailayo sa peligro buhat nang bantaan kami ng ama mo. Sige sabihin mo Mr. Fernandes, anong gagawin ko that time? Na magpakatanga sa pag-ibig habang hinahayaang maghirap sina nanay? No. Hindi pako nasisiraan ng bait. Tutal ayaw sakin ng ama mo, puwes ayaw ko rin sa kaniya. Walang patutunguhan ang relasyon natin kung patuloy siyang gagawa ng paraan para masira tayo. At ang ending, ako ang talunan. Ginawa ko lang ang nararapat Bright, ginawa ko lang."

Pinunasan ko ang luhang lumabas sa aking mata at iniwan siyang mag-isa. Sawa na akong umiyak. Ayoko nang umiyak.

Enough na sakin yung panahong naghirap ako ng lubusan habang mag-isang kinikimkim ang galit at lungkot na namutawi sa aking puso. It's very hard to help yourself from the hard past. Buhay ka nga pero parang patay ka sa lahat ng pagkakataon. Nakilos ka na lang para sa pamilya mo, hindi na para sa sarili ko. I don't want to go back in the old days. Nakakamatay.

"Oh Win, 'bat ang tagal mo naman yata sa C.R? Nagjebs ka 'noh? Bilis at umupo ka na rito" tawa-tawang sabi ni Kuya Khalid sa akin.

Napangiti ako at sinunod ang sinabi niya. Pinilit na huwag intindihin ang kanina at ibaon narin sa limot gaya ng ginawa ko sa kaniya.

_

Ngayon na ang time kung saan sasabihin na ang nanalo. Tahimik ang buong kapaligiran habang inaabangan ang bansang tatawagin upang tanghaling nanalo sa taong ito. Mabilis ang tibok ng aking puso at nagdadasal na sana'y kami ang palarin.

"The ultimate...fashion designer of this year is...from Thailand! Mr. Win Velasquez! Congratulations!"

Nagsihiyawan kami at nagtatalon sa tuwa. Hindi mapaglagyan ang katuwaan kaya kung sino-sino ang nayayakap ko.

Patakbo kaming pumunta ni Happy sa stage nang magkahawak. Kinuha namin ang tropeyo na nagsisimbolong kami ang nagwagi. Maraming kumuha sa aming litrato kaya todo pose itong katabi ko.

"Aside from the cashprize, you also collaborated from the sponsored company of this event, the Corazon Cloathing Line! Congratulations again Mr. Velasquez!"

Ngumiti na lamang ako at nagpasalamat sa lahat. Atsaka ko na lang iyon poproblemahin. Sa ngayon, kailangan naming magcelebrate.

Magandang balita ito para kila nanay.

End of Chapter 16

_

Manood po kayo ng The Shipper, super ganda katulad ng 2gether!

Apart 2gether ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon