Chapter Ten: All the things are getting worse

519 39 3
                                    

"Basta Frenny, balitaan mo na lang ako kung ano ang mangyayari mamaya hah? Sige, ingat sa pag-uwi." Paalam sa akin ni Rosa bago siya sumakay sa taxi. Kumaway ako sa kaniya hanggang sa makaalis ito.

Makaraan ang ilang saglit ay pumunta na akong terminal para mag-abang ng bus. Iniisip kung paano sisimulang sabihin kay Bright lahat ng sinabi ni Sir Roberto sa akin. Kailangan kong sabihin nang tama at maliwanag para hindi siraan ang kaniyang ama laban sa akin. Ayoko silang magkagalit. Kung kailangan kong umalis...aalis ako. Para sa kabutihan ng lahat.

Nasa tapat na ako ng bahay. Pinapasok ako ni Mang Gabo dahil may bisita raw na dumating na kasama ni Sir Roberto.

Pagkapasok, unang nakita ko ang nakatayong Sir Roberto kasama ang babaeng nasa gilid niya. Nasa harap naman nila si Bright na ngayon ay nakatingin sa babae habang nakangiti.

"Bright, this is Crissan, the unica hija of Salvador. And since we've agreed to Crissan's parents, we already arranged the schedule of your marriage. After this month, makakasal na kayo. Are you happy with that my son? You are lucky because she is so nice. Bagay kayong dalawa." Masayang turan ni Sir Roberto habang nakangiting nakatingin sa kanilang dalawa.

I-ikakasal si Bright?

Nakaramdam ako ng pagkalamya. Nanginginig ang mga tuhod ko sa nasaksihan. At ang mas masakit, hindi umimik si Bright. Ni wala man lang pagtututol sa narinig. Para bang pabor siya sa kagustuhan ng kaniyang ama at tuluyang kinalimutan ang isang Win na sinamahan siya sa buong anim na taon.

"Oh Win, nandito ka na pala. Maaari mo ba kaming ipaghanda ng hapunan? Masyado kaming napagod sa biyahe para sunduin si Crissan eh. Ok lang ba?" Nakangising sabi sa akin ni Sir Roberto.

"S-sige po. I-ilalagay ko lang po muna y-yung gamit ko sa taas."

Naglakad na ako papunta roon at nilagpasan sila nang hindi tumitingin. Tinawag pa ako ni Bright pero nagdire-diretso na lang ako.

Mabilis kong tinahak ang aking kwarto sabay lock ng pinto. Sumandal ako rito at hinayaang lumandas ang aking luha. Iyak ako nang iyak na para bang wala nang katapusan. Masakit kasing isipin na pagka-uwi mo ay bigla na lang magbabago ang lahat. Bigla ka na lang sasampalin ng katotohanan na may hangganan ang inyong samahan.

"Win, nandiyan ka ba? Buksan mo naman itong pinto oh? We need to talk. Hindi ko rin alam yung kasal. Please Win, pakinggan mo ko"

Binuksan ko ang pinto at pinunasan ang luhang natuyo. Hindi dapat ako ganito. Ayokong magpaka-apekto sa mga nangyayari.

"O-oh Bright? G-gutom na ba kayo? Pasensya na't natagalan ako. Bumaba ka na para makakain. Magluluto ako" Ngiti kong sabi habang sumisinghot.

"Win, umiyak ka ba?" May pag-aalala niyang sabi sabay yakap sa akin.

Hindi ba halata Bright? Hindi ba halatang nasasaktan na ko?

"I promised, hindi ko alam yung tungkol sa kasal. I swear! Umuwi ako ng maaga para makita ka. Pero naabutan ko sila Dad na kasama niya si Crissan. At iyon din ang naabutan mo. But don't worry, gagawa ako ng paraan para matigil ang kasal. Ikaw lang ang gusto ko Win. Ikaw lang ang gusto kong pakasalan."

Dahan-dahan ko siyang inalayo sa akin at ngumiti.

"Pero paano nato? Ikakasal ka na Bright. Alam kong kahit anumang tutol na gawin mo kay Sir Roberto, hindi ka niya pakikinggan. Hindi ba't buong buhay mo ay inilaan mo sa trabaho para lang maging proud sayo ang tatay mo? This is the chance Bright. Gawin mo yung gusto ng tatay mo. Ok lang ako."

"T-teka? P-pinamimigay mo na ba ko Win? Suko ka na ba satin hah?!" Singhal niya na nagpagulat sa akin. Biglang nanlisik ang kaniyang mga mata na para bang nag-ibang anyo.

"H-hindi sa ganoon Bright. I'm just doing it to make things clear. I need to do this for the sake of us. For the sake of your future—"

"FUCK THAT FUTURE! Bakit?! Sa tingin mo ba hindi ka kasama sa plano ko?! Sa tingin mo ba madali lang sakin toh?! Ako yung naaagrabyado Win! Ako yung naiipit sa sitwasyon! Hindi ko alam kung ano o sino ang pipiliin ko! Ngayon, may plano ka na ipamigay na lang ako basta-basta kung kani-kanino? Kung kailan kailangan ko ng karamay para maliwanagan ako?! Lagi ka namang ganiyan eh! Kapag may kaunting problema, susuko ka kaagad. Please naman Win, pagkatiwalaan mo ko ngayon. Hindi kita kayang iwan."

"Hindi madali ang mga sinasabi mo! Akala mo lang ok lang sakin to pero hindi! Ayokong mamili sa pagitan mo at ng pamilya ko. Iba ang tatay mo Bright. Alam mo yan. Kaya niyang pahirapan sina nanay sa isang iglap lang. Mas mabuti na yung ganito, yung tayo na lang ang magparaya. Yung tayo na lang ang masaktan. Wala tayong choice Bright. Walang-wala."

"Iyan ba talaga ang gusto mo? Sige! Kung iyan ang nais mo, MAGPAPAKASAL AKO KAY CRISSAN! MASAYA KA NA? MASAYA KA NA HAH?!"

PAAAAAAAAKKKKKKK

"OO! MASAYA NAKO! MASAYANG-MASAYA!" Hingal na hingal kong sabi habang nakatitig sa kaniya.

"All these years pinangarap kong maging masaya ang pagsasama natin Bright! I want to make plans for the future together with you! Gusto kong maranasan ng minamahal habang nagmamahal! You didn't know how much the pain i've feel! Kung ikaw nasasaktan ngayon, pwes ako durog na durog na! Alam mo ba? Binantaan ng tatay mo ang buhay ng pamilya ko? Na kapag hindi kita hiniwalayan ay malalagay sila sa alanganin pati narin ako? Pero ano? Wala. Wala kang narinig sakin. Desisyon ko nang maghiwalay tayo pero hindi literal sa puso. Kasi mahal kita Bright. Mahal na mahal. Handa akong magpakamartir kasi ganiyan kita kamahal! But I did not expect this such situation. Na kailangan ko ring mamili kung ang mahal ko o kung ang buhay ng pamilya ko. Gulong-gulo narin ako Bright. Ang sakit sakit narin." Iyak kong sabi na ngayon ay nakaupo na sa harapan niya. Nakatulala lamang ako at iniisip na sana'y panaginip ang lahat ng ito.

"Sige. Tutal nanggaling narin sa bibig mo na gusto mong pakasalan yung Crissan, payag ako. Payag na akong palayain ka. Payag na akong itapon lahat ng pinagsamahan natin. Salamat dahil utang na loob ko narin sayo ang pagpapatira sa akin sa loob ng anim na taon. Siguro, ang palayain ka ay magiging kabayaran ko."

"W-win. N-no. Hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko—"

"Bumaba ka na Bright. Huwag na muna tayong mag-usap. Hindi ko pa kayang harapin ka."

Tinulak ko siya papalabas ng kwarto. Muling lumandas ang mga luha ko sa mga kaganapan.

Ito na.

Ito na talaga.




End of Chapter 10

_

Naiinis ako sa part na to HAHAHAHA

Apart 2gether ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon