Chapter Eight: Fighting alone

503 34 0
                                    

Lumipas ang dalawang araw ay hirap na hirap kaming magtago ni Bright sa kaniyang ama. Pinipigilan niya ang paglingkis sa akin kapag nasa paligid si Sir Roberto. Sinabihan narin namin si Lolo na itago muna ang ugnayan naming dalawa para hindi kami mabuking. Salamat at hindi kami nilagay sa alanganin ni lolo dahil hindi niya ito pinagsabi.

Nagising ako at kasalukuyang nakayakap sa akin si Bright habang natutulog. Pumupuslit kasi siya tuwing gabi para dito matulog sa kwartong tinutuluyan ko. Mabuti nga't hindi siya nahuhuli ng tatay niya.

Maingat kong inalis ang pagkakadantay niya para makatayo. Nang maalis, lumabas ako ng kwarto para magluto. Pagkababa, wala pa akong naabutan ni isang tao. Pumunta na among kusina para maghanda ng agahan.

Habang nagluluto, nabanaag ko ang isang repleksyon ng isang tao sa aking gilid. Tiningnan ko ito na siyang kinakaba ng dibdib ko.

"A-ah g-good morning po Sir Roberto. Sandali lamang po't matatapos na ang niluluto ko." Sabi ko sa kaniya at binaling ang tingin sa niluluto.

"Akala mo ba hindi ko kayo nahahalata ng anak ko?"

Bigla akong napatigil sa paghahalo. Namutla ako dahil naiisip kong baka alam na niya na may relasyon kami ng anak niya. Hindi pwede 'to!

"A-ah a-ano p-pong sinasabi niyo Sir? H-hindi ko po kayo m-maintindihan." nangangatal kong sabi sa kaniya.

"Hah! At ngayon may gana ka pang magmaang-maangan?! Imoral ka na nga, napakasinungaling mo pa!"

"S-sir, h-hindi ko po t-talaga alam ang mga sinasabi niyo—" nagulat ako nang bigla niya akong sampalin ng malakas. Hindi ko na napigiling hindi maiyak dahil sa takot na nararamdaman.

"Sinungaling! Akala mo ba hindi ko alam ang pagpuslit ni Bright tuwing gabi para pumunta sa kwarto mo? Iyang mga nakakadiri niyong yakapan kapag nakatalikod ako? Sige, sabihin mong wala kayong relasyon ng anak ko kundi pasasabugin ko yang bibig mo!" Galit na galit niyang turan habang dinuduro ako.

"S-sir, o-opo. May relasyon po kami nang anak niyo. W-wala naman po kaming ginagawang m-masama eh"

"Wala? Sa tingin mo ay WALA?! Ang mga katulad mo ay hindi nababagay sa anak ko! Isa ka lang basura at hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ni Bright kung bakit ka niya pinatulan! Siguro masarap kang sumuso noh? Hayok na hayok ka ba hah? Kaya ba hinuhuthutan mo ang anak ko?!"

"S-sir hindi po ganoon 'yon. M-mahal ko po ang anak niyo—"

"Eh ikaw? Sa tingin mo ba totoo ang pagmamahal na pinapakita niya sayo?"

Bigla akong natauhan. Inisip ko ang anim na taon naming pagsasama at alam kong tunay ang mga pinapakita niya. Hindi ako niloloko ni Bright, hindi.

Kita ko ang kaniyang pagngisi na para bang may masamang pinaplano.

"Hmm, lubus-lubusin mo na ang masasayang araw niyo ng anak ko. Dahil bukas, sisiguraduhin kong mapuputol ang nakakaasiwang relasyon niyo sa gagawin ko. Let's see kung kaya mo pa siyang ipaglaban. Hindi ako basta-bastang tao kung alam mo lang. At ito ang tatandaan mo, kapag hindi ka nakipaghiwalay sa anak ko sa lalong madaling panahon, sisiguraduhin kong maghihirap ang buong pamilya mo! O baka naman, gusto mo silang makita sa lamay nila? I'm sure ayaw mo yong mangyari diba?" Sabi niya sabay alis sa kusina.

Nanlumo ako at pinabayaang dumausdos ang katawan ko papunta sa sahig. Iniiyak ko ang lahat ng sakit dahil ito na. Ito na ang kinakatakutan ko. Ang mawalay siya sa piling ko. Iniisip ko pa lang iyon ay parang hindi ko kakayanin. Ang sakit-sakit.

Sa puntong ito, wala akong magawa. Tanging iyak lang ang kaya kong gawin para maibsan ang sakit na namumutawi sa kalooban ko. Paano na 'to Bright? Paano kita ipaglalaban kung pinagbabantaan ng ama mo ang buhay ng pamilya ko?

Ano bang dapat kong gawin? Hindi ko na alam.

End of Chapter 8

_

Most of the stories na nababasa ko ay masama talaga ang ugali ng tatay nung mga kasintahan ng mga bida. Ang sarap patayin at tirisin! HAHAHAHA kakauma itong si Roberto!

Apart 2gether ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon