Chapter Seventeen: Tragic from the past

580 37 1
                                    

Nagyayang kumain sa isang fine dinner restaurant sina boss matapos kaming itanghal bilang nanalo. Tuwang-tuwa nga sila sa akin kasi first time daw ng Thailand na manalo through the years. Nagpasalamat na lamang ako at sinabing hindi lang ako ang nagpapanalo kundi kaming lahat. Ayokong lumaki ang ulo ko 'no.

"Ngayon Win, mukhang hindi matutuloy ang pag-alis dito natin ah?"

"Bat naman kuya? Wala na naman yata tayong gagawin dito? Tsaka walang kasama roon sina nanay."

"Ano ka ba? Di ba makikipagnegotiate sayo ang mga Fernandes? Ikaw ang nanalo kaya expect mo na ipapatawag ka nila."

"Eh? Pwede bang humindi na lang?"

"Hindi pwede yun Win. Malaking advantage sayo ang makatrabaho ang mga Fernandes. Aware ka naman diba na sikat sila all over the world dahil sa products nila? Makikilala karin ng iba for sure."

"Tss, ayoko ng fame. Sapat na sa akin yung ganito, tahimik at masayang nagtatrabaho. Hindi ko naman kailangan ng ganon."

Nagtaas balikat na lamang si kuya khalid at sinubo ang kinakain.

Bumalik na kami sa hotel di kalaunan para magpahinga. Gabi narin natapos ang show kaya halos lahat ay pagod nang umuwi.

"Hello there, this is Win Velasquez speaking, may i help you?" Sagot ko sa tawag ng unknown caller.

"Hi! I am Gabbie de Silva, secretary of Mr. Fernandes, we would like to invite you tomorrow for a lunch meeting and discussed the agreement. Mr. Bright expecting you to come."

"A-ah pwede bang wag na lang—ayy what I mean is i am busy tomorrow. Maybe talk to your boss and re-sched the meeting. Is that ok?"

"Copy Mr. Velasquez. Congrats again!"

"Thank you." Sabi ko at pinatay na ang tawag.

Napahinga ako ng maluwag bago tinago ang telepono sa bulsa. Gusto ko munang puntahan ang dati naming bahay bukas. Matagal-tagal naring panahon bago ko iyon mabisita.

_

Nagpaalam ako kila boss na may pupuntahan ako ngayon para aware silang aalis ako. Gusto pa nga sanang sumama ni Kuya Khalid sa akin pero sinabihan ko siyang makipagkita na lang sa kapatid niya.

Sumakay ako sa taxi papuntang terminal. Mahabang biyahe ang aking nilakbay patungong probinsya ngunit kailangan kong magtiis para makita ang dati naming tinitirhan. Maraming agam-agam sa aking isipan kung may pinagbago ba ito o hindi. Kung may nakatira na bang bago o di kaya'y ipinagiba na dahil sa wala nang taong tumitira.

Binuksan ko ang bintana ng sasakyan at nagmasid-masid. Huminto ang taxi nang magstop-over di makalampas sa isang kanto.

May mga lalaking nag-iinuman roon kung saan lahat sila ay nakahubad. Inanigan ko silang mabuti dahil may namumukhaan akong isa sa kanila.

Napahawak ako sa aking dibdib at kusang tumulo ang mga luha ko hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa galit, poot man o suklam.

"K-kuya ihinto niyo muna sa gilid, may pupuntahan lang po ako saglit."

Bumaba ako at kaagad tumawid ng kalsada para mapuntahan ang pakay ko.

Pagkarating sa gawi nila, isa-isa nila akong tiningnan sabay nginitian.

"Aba pare, mukhang mayaman ang dayo oh? Pabayaran mo 'tong alak natin. Alam ko kung bakit lumapit satin 'yan." Sabi ng lalaking tinitingnan ko ngayon ng masama.

"Ikaw! Natatandaan kita! Ipapakulong kita sa ginawa mo sakin!"

Tandang-tanda ko pa, noong mga panahong mahina pa ako at pinagkaisahan nilang babuyin at kunin ang kayamanan ko. Nagmakaawa ako ngunit hindi man lang sila naawa.

Padaskol-daskol man ang kilos ko pero hindi ko na ito pakakawalan. Ilang taon akong naghirap sa tuwing naaalala ang mga gabing pinagsamantalahan ako.

Ngayong nakita ko na sila, hindi ko na hahayaang manahimik na lamang. Kailangan kong lumaban. Kailangan ko ng hustisya sa panggagahasang ikinasira ng aking buhay. Mananagot sila sa batas!

"Teka muna pare, ni hindi ka nga namin kilala. Baka sinasabi ko lang yan kasi gusto mong makaisa saming lahat. Payag naman kami pero bayaran mo—"

Paaaakkkkkkk

Sinampal ko ito ng ubod ng lakas at tinadyakan ang mukha para hindi makatayo.

"Kulang pa 'yan sa ginawa mo sakin dati Jerome Trinidad! Ako to, si Win Velasquez. Akala niyo siguro makakatakas kayo sa batas? Pwes hindi! Ngayong nagbalik na ako, sisiguraduhin kong mabubulok kayo sa kulungan! Hindi ko hahayaan na ang isang tulad niyo ay malayang gumagawa ng kasamaan habang kaming mga nabiktima niyo ay nakakulong sa masalimuot na nakaraan! Tandaan niyo yan!"

Kita ko ang paglaki ng kaniyang mata at pag-awang ng bibig. Tila parang naaalala ako sa kaniyang isipan.

Umalis ako at muling sumakay ng taxi.

"Kuya, balik po tayo sa Maynila."

Kaagad kong tinawagan sina Kuya Khalid para sabihin ang nangyari ngayon-ngayon lang. Kailangan ko ng tulong mula sa kanila.

Simulan niyo nang magtago dahil hahanap ako ng paraan para matugis kayo. Ako naman ang magiging pusa at kayo ang gagawin kong daga.

End of Chapter 17

_

Apart 2gether ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon