Chapter Four: Job well done!

691 36 0
                                    

"Babe, time to wake up na. Unang pasok mo ngayon sa trabaho so don't try to be late. May early meeting din akong aattendan." Paggising sa akin ni Bright habang pinupugpog ako ng kaniyang mga halik.

"Hmm, 5 more minutes pa babe. Ang aga pa oh?" Binukas ko ang isa kong mata at tinignan ang bintana—madilim pa't hindi ko pa nakikita ang araw.

"Anong maaga pa? 6:30 na kaya. Makulimlim lang ngayon." Bigla aking napadilat sa sinabi niya.

"Eh?!" Singhal ko sabay tayo sa pagkakahiga ko.

"Oo nga. Tingnan mo yung orasan." Nguso niya sa orasang nakasabit sa dingding.

Nanlaki ang aking mata at dali-daing tumakbo sa banyo para maligo.

"Gosh! Late na 'ko! Bat ngayon mo lang ako ginising?! Kukurutin talaga kita sa singit 'pag natapos ako!" sigaw ko sabay buhos ng malamig na tubig. Wala nang arte-arte dahil late na talaga ako. Napasarap yata ang tulog ko kasi alam niyo na, masyado akong pinagod ng damuhong ito kagabi. Nakakainis nga't ayaw lumambot ng junior niya pagkatapos. Gusto pa raw ng maraming round. Rinig ko ang nakakainis niyang tawa na papalabas sa kwarto.

"Sunod ka na lang sa kusina Babe. Magluluto nako ng umagahan natin. Ako naman ang mag-aasikaso sa asawa ko."

Aminin ko man sa hindi, biglang ngumibit ang puwet ko sa sobrang kilig. Kaya naman, pinilit kong hindi tumili at baka makahalata. Pakanta-kanta ako ngayon habang kinukuskos ang aking katawan. Hayy, nabuo na naman ang araw ko.

After 15 minutes, tapos ko nang ayusin ang sarili. Lumabas ako ng kwarto habang sinusuklay ang mahaba-haba ko nang buhok. Pagpunta pa lang sa kusina ay amoy ko na ang aroma ng pagkaing niluluto niya. Nagsi-ingayan at nagwala ang mga alaga ko na tila bang atat nang kainin ang pagkaing ihahain niya.

Nakita ko siyang nakaboxer lang habang hubad ang pang-itaas pero nakasuot ng apron. Yinakap ko siya sa likod at inamoy-amoy.

"Hmm, ang bango naman ng niluluto ng babe ko." Puri ko sa kaniya dahil first time lang niyang gawin ito sa anim na taon naming magkasama.

"Sus, eh ako naman ang inaamoy mo eh. Siyempre, masarap talaga ako. Ang ingay-ingay mo nga nung ginawa natin yun kagabi." Bumitiw ako sa pagkakayakap sabay hampas sa braso niya.

"Bright! Ang bastos talaga ng bibig mo! Bilisan mo na nga jan" umupo ako at inayos na ang mga pinggang pagkakainan. Natapos na siyang nagluto kaya nagsimula na kaming kumain.

"Babe, nagsabi nga pala si Lolo na nagtext sa kaniya si dad na uuwi siya rito from Singapore. Sabado 'yon kaya kailangan nating pumunta."

Napatigil ako sa pagnguya at napatigalgal habang nakatingin sa kaniya. Bigla akong nawalan ng gana nang mapag-alaman na uuwi na pala ang tatay niya. Hindi ko alam pero nilukob ako ng kaba sa mga sinabi niya. Hindi ko pa kasi nakikita yung tatay niya kaya natatakot ako kung ano ang magiging impression niya kapag nagkita kami. Alam kong wala akong dapat ikatakot pero parang may nag-e-urged sa dibdib ko na kailangan kong masindak. Napabuntong hininga ako at mas piniling tapusin ang pagkain kaysa alalahanin ang hindi dapat intindihin.

"Babe, may problema ba? Biglang nag-iba yung mood mo?"

"W-wala. Kinakabahan lang siguro ako kasi first day of work ko ngayon. Wish me luck hah?"

"Tss, yun lang pala eh. Alam kong kaya mo 'yan babe. I believed in you and i know that you are enough to be professional. Pangarap mo kaya alam ko rin na pagbubutihin mo. Don't overthink ok?"

Tumango ako sa kaniya. Oo, hindi dapat ako mag-overthink. Magiging stressed lang iyon pag nagkataon. Malayo pa naman ang sabado kaya makapaghahanda pa ako.

Apart 2gether ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon