"Sige na umalis na kayo!" Makapangyarihang utos ni mama na naging dahilan upang lalo akong nagpumiglas sa pagkakahawak ni papa."Mama! Mama!" Umiiyak kong pagmamakaawa habang pilit na nagpupumiglas sa pagkakahawak ni papa.
"Angelica, halika na huwag ng matigas ang ulo kailangan na nating umalis" bulong ni papa na naging dahilan upang lalo akong umiyak.
"Mama! Ayaw ko! Mama!" Umiiyak kong sigaw saka malakas na kumalas sa pagkakahawak ni papa dahilan upang makawala ako at mabilis na tinakbo ang kinaroroonan ni mama at mahigpit akong yumakap sa bewang niya saka umiyak nang umiyak.
"Mama dito lang ako parang awa mo na! Ayokong sumama!" Umiiyak kong usal saka humagulhol nang humagulhol. Hinawakan ni mama ang mga braso ko na nakapulupot sa kanyang bewang at marahan itong tinanggal saka lumuhod at marahang hinaplos ang basang basa kong mukha.
"Angelica anak makinig ka-kailangan mong umalis dito sa Sedus pansamantala may kailangan lang ayosin si mama rito pero huwag kang mag-alala dahil babalik ka rin naman dito, magkakasama ulit tayo" emosyonal nitong sabi kung kaya't lumuluha akong umiling-iling.
"Mama a-ayoko mama parang awa mo na, dito lang ako" lumuluha kong pagmamakaawa kung kaya't mariin utong napapikit saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
"Hindi puwede Angelica, hindi pu-puwede. Hi-hindi na ligtas ang planetang ito para sa'yo" mahinang usal nito kung kaya't lalo akong napaluha.
"A-ayaw mo ba akong kasama? Hindi mo ba ako mahal?" Umiiyak kong sumbat na ikinagulat nito ngunit agad ding umiling-iling.
"A-angelica ano bang? Mahal kita, mahal na mahal at gustong gusto kitang makasama, kung puwede lang sumama gagawin ko anak pero—"
"Kung gano'n sumama ka! Mama sumama ka na lang sa amin ni papa! Ayokong mahiwalay sa'yo ma sige na!" umiiyak kong sabi saka mahigpit kong ipinulupot ang aking mga braso sa kaniya saka lumuha nang lumuha.
"Angelica" dinig kong tawag ni papa kubg kaya't mariin akong napapikit at lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap kay mama.
"Mama!" Umiiyak kong usal.
"Angelica, hindi puwedeng umalis si mama rito, isa akong hara... naiintindihan mo ba Angelica? Isa akong hara hindi ko puwedeng iwan ang kaharian. Kailangan ko silang protektahan at alagaan" mahinahong sabi nito na naging dahilan upang matigilan ako habang dahan-dahang kumalas sa yakap.
"Poprotektahan mo sila habang ako ay papabayaan mo?" Lumuluha kong usal na ikinagulat nito.
"Angelica anak tama na, halika na" pag-awat ni papa ngunit hindi ko ito pinakinggan.
"Angelica anak hindi iyan ang—"
" Ngayon ay pinatunayan mo na mas mahalaga ang kaharian mo kaysa sa akin na sarili mong anak" mariin kong sabi saka siya tinalikuran.
"Angelica!" Dinig kong tawag ni mama ngunit hindi ko na ito nilingon pa. Sumakay na lamang ako sa napakalaking sasakayan na aming gagamitin saka taas noong pinunasan ang aking mga luha habang kuyom ang kamaong pinipigilan ang umuusbong na galit.