Angelica Pov
Tahimik kong pinapanood ang pagbaba ng bandila ng Xeria na sinabayan ng nakakakilabot na tambol. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang mga naglilipalarang palaso habang umuugong sa aking pandinig ang hagulhol ng mga nakapaligid sa amin. Ngayon ang araw na ipinapaalam sa lahat na napaslang na ang rama ng Xeria, marami ang nagulat at marami ang nagluluksa. Nasa veranda kami ng palasyo, katabi ko ngayon ang hara na pilit na pinipigilan ang emosiyon, nasa tabi niya ang tatlong konsilyo o mambabatas ng kahariang ito habang nasa baba ang mga mamamayan ng Xeria na ngayon ay nagluluksa dahil sa namayapa kong ama.
"Gusto ko ng magpahinga" malamig kong saad na naging dahilan upang mapunta sa akin ang attensiyon ng mga nasa taas. Hindi ko na hinintay pa ang mga sasabihin ng mga ito, taas noo na akong tumalikod sa kanila sapagkat hindi ko na kakayanin ang susunod na eksena. Kinamumuhian ko ang mga nilalang na iyon at lalo lamang umuusbong ang galit ko habang pinapakinggan ang iyak at hagulhol nila. Malalim akong napasinghap ng hangin upang mabawasan ang naninikip kong dibdib saka taas noong naglakad sa pasilyo ng palasyo na naging dahilan upang mapansin ko ang napakalaki at kumikinang na diyamante na tila ba nagmimistulang chandelier ng palasyo. Ilang sandali akong napatitig sa diyamante hanggang sa may kakaibang hangin na dumapo sa aking balat kung kaya't masuri kong pinakiramdaman ang paligid ngunit napangiwi ako nang makita ng aking dalawang mata ang kutsilyong nasa ere na naging dahilan upang mabilis akong kumaliwa saka hinuli ng aking mga kamay ang kutsilyong papatay sana sa akin. Kunot noo kong inilibot ang aking paningin ngunit wala akong nakitang katawan kahit kawal na nagbabantay sa paligid.
"Mahusay" dinig kong usal ng hindi pamilyar na tinig habang pumapalakpak kung kaya't taas noo akong tumindig habang inililibot ang paningin.
"Mahusay ka sa sandata mahal na haleya" dinig ko pang usal nito at awtomatikong tumaas ang kilay ko nang biglang lumabas ang isang lalaki sa isang pader na ngayon ay nakangising pumapalakpak habang nakatingin sa akin.
"Safir" taas noong usal ko habang pinapanood ang pagngiwi ng konsilyong kaharap ko.
"Nabati na ba kita sa pagbabalik mo?" Nakangiwi nitong tanong ngunit pagtitig na lamang ang itinugon ko rito na naging dahilan upang tumawa ito habang umiiling-iling.
"Mukhang napalaki ka ng maayos ng rama tsk tsk tsk"
"Anong kailangan mo" pangdideretso ko rito kung kaya't natigilan ito saka malalim na suminghap ng hangin.
"Nandito ako para alokin ka ng isang kasunduan" seryosong saad nito na ikinakunot ng noo ko.
"Anong kasunduan?"
"Makipagtulungan ka sa amin" seryosong saad na nito kung kaya't lalong kumunot ang aking noo.
"Bakit ko naman gagawin yon?"
"Tutulungan ka naming makalabas ng planetang Sedus at alam kong iyon ang gusto mo, ako na ang bahala sa hara sumunod ka lang sa kasunduan at ipinapangako ko hinding hindi ka na guguluhin ng planetang ito" nakangising saad nito kung kaya't napaayos ako ng tindig saka maawtoridad siyang tinitigan sa mga mata.
"Ano ang kapalit?" Seryoso kong tanong na ikinangisi nito.
"Pagbabago" seryosong saad nito na ikinakunot ng noo ko.
"Nasisiguro kong ikaw ang susunod na uupo sa trono pero sa itsura mo ngayon mukhang hindi mo magagampanan ang tungkuling nakatadhana para sa'yo" seryosong saad nito na naging dahilan upang mapaayos ako ng tindig saka taas noong naglakad lakad papaikot sa kaniya.
"Paano ka nakakasiguro?" Pabulong kong usal habang sinusuri muli ang itsura nito.
"Dahil wala sa puso, isip, at diwa mo ang mamamayan ng Xeria" seryosong sagot nito na ikinatahimik ko. Nakikita ko ang punto ng konsilyong ito, wala sa plano ko ang sumunod sa yapak ng aking mga magulang. Paano ko pagsisilbihan ang mga nilalang na aking kinamumuhian? Sila ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon at kapag naupo ako sa trono baka pasakit lang din ang ipararanas ko sa kanilang lahat.