Chapter 9

6 3 0
                                    

ANGELICA POV

          Taas noo akong naglalakad papasok ng palasyo habang binabalelwala ang higpit ng posas na nakapulupot sa mga kamay ko. Sa paraan ng pagtitig ng mga nilalang na nadaanan ko, mukhang nakarating na sa kanila ang balita na nagpapalisik sa kanilang mga mata. Napangiwi na lamang ako sa reaksyon nila, sinong mag-aakala na ganito kabilis kumalat ang isang balita kahit walang teknolohiya, kamangha-mangha.

"Bigay pugay!" Dinig kong sigaw ng isang kawal nang marating ko ang napakalaking pintuan na dahan-dahang bumubukas kung kaya't taas noo akong tumindig saka maawtoridad na naglakad papunta sa gitna ng bulwagan. Hindi ko itinungo ang aking ulo simula noong marating ko ang palasyo. Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili, paparusahan at linabag ko ang sinasamba nilang batas ngunit may mukha pa rin akong ihinaharap sa mga nakapaligid sa akin na walang pahid ng takot at pagsisisi. Nang marating ko ang gitna ay marahang tinanggal ni Lucas ang posas sa aking mga kamay saka taas noong tiningala ang hara na ngayon ay diretso ang titig sa akin.

"Anong nangyari?" Makapangyarihang tanong nito ngunit nanatili akong tahimik kung kaya't kay Lucas na humingi ng impormasyon ang hara. Habang nagsasalaysay si Lucas wala akong ibang ginawa kung hindi ang panatilihin ang maayos kong tindig habang binabalewala ang nga matatalim na titig ng mga konsilyo. Batid kong nag-aalab na ang galit ng mga ito dahil sa mga sinasalaysay ni Lucas. Kamangha-manghang wala itong sinayang na kahit isang detalye, simula sa naging sagutan namin hanggang sa pinakahuling nangyari ay isinalaysay nito, masasabi kong sa maikling panahon na nakasama ko si Lucas ngayon ko lang nakita ang katangian kung bakit siya ang naging pinuno ng mga kawal.

"Devashtaji!" Dinig kong mura ng isang konsilyo ngunit hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin.

"Totoo ba ito Angelica?" Seryosong tanong ng hara kung kaya't dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya na naging dahilan upang magtama ang aming mga mata. Nanatili akong tahimik, nakipagtitigan sa kanyang mga mata ngunit agad kong iniwas at idiniretso lamang iyon sa kawalan.

"Bakit tila lalo tayong binibigo ng haleya mahal na hara? Hindi ito ang ipinangako mo sa Xeria!" Galit at seryosong sermon ni Sandi na isa sa mga konsilyo.

"Nasaan ang magnanakaw?" Makapangyarihang tanong ng hara bago taas noong tumayo sa kanyang trono. Naramdaman ko ang mga titig ni Lucas ngunit hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng attensyon sapagkat batid kong sasabihin niya rin naman ang totoo.

"Paumanhin mahal na hara ngunit hindi namin nakuha ang batang magnanakaw" dinig kong sagot ni Lucas na ikinakunot ng noo ng karamihan.

"Napakarami ninyo Lucas! Papaano nangyari iyon?" Dismayadong tanong ng hara na naging dahilan ng paglunok ko.

"Dahil sa utos ng haleya, mahal na hara" nakatungog sagot ni Lucas na ikinakunot ng noo ng karamihan.

"Patawad mahal na hara pero nang mga sandaling iyon wala kaming karapatang suwayin ang utos ng haleya" nakatungong dagdag pa nito na naging dahilan upang mapunta ulit sa akin ang attensiyon ng lahat. Nararamdaman ko ang galit ng mga titig ng hara lalo na ng mga konsilyo, simula pagkabata alam ko na sagrado ang batas ng planetang ito. Walang pinipiling edad, kasarian, at estado ng buhay kung kaya't batid kong mapaparusahan ako kahit ipagtanggol ko ang sarili ko.

"Kung gano'n simula sa araw na ito tinatanggalan ko ng kapangyarihan ang haleya at binibigyan ko ng karapatan ang lahat upang suwayin ang maling kilos at utos ng aking anak!" Makapangyarihang anunsyo ng hara habang ang namamasa at galit nitong mga mata ay diretsong nakatitig sa aking mga mata saka suminghap ng hangin at itinaas lalo ang kanyang noo.

"Ang haleya ng Xeria ay nagkasala dahil sa pagtulong at pagpatakas sa isang magnanakaw kung kaya't bilang hara ng Xeria at punong tagapangasiwa ng Sedus, napagdesisyonan ko at ng mga konsilyo na ang haleya ay mapaparusahan ng 50 hampas at pagkakakulong sa loob ng 100 na araw!" Makapangyarihang anunsyo ng hara at halos tumindig ang balahibo ko nang umugong ang tunog ng trupeta tanda na hindi na magbabago ang hatol. Muli kong tinitigan ang hara na ngayon ay diretso sa kawalan ang tingin na tila ba iniiwasan ang aking mga mata ngunit natigil ako sa pagtitig nang lumapit sa akin si Lucas na ngayon ay nakatungo habang hawak hawak ang latigo. Magalang nitong hinawakan ang aking braso kung kaya't taas noo akong umiwas ng tingin at saktong dumapo iyon sa isang konsilyo na madalas kong makausap ngunit tinunguan niya lamang ako.

Throne of GlassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon