LUCAS POVTAHIMIK akong nakatayo sa harap ng selda ng haleya. Dito na siya idineretso matapos niyang mawalan ng malay kanina dahil sa mga hampas bilang parusa.
"Magpahinga ka muna Heneral, wala ka pang pahinga simula noong dumating kayo rito sa palasyo, ako muna ang magbabantay dito" saad ng isang kawal ngunit nanatiling diretso ang aking paningin sa selda ng haleya.
"Kaya ko pa, inutusan ako ng hara na bantayang maigi ang haleya, ayoko siyang biguin" seryoso kong saad kung kaya't napabuntong hininga ako.
"Ibang klase ka talaga Heneral, hindi na ako magtataka kung bakit nandiyan ka sa posisyon mo ngayon" natatawa ngunit seryoso nitong saad kung kaya't napabuntong hininga ako.
"Alagad tayo ng batas Ruel, may sinumpaan tayong tungkulin kaya susunod tayo" matigas kong saad bago ibinaling ang paningin sa walang malay na haleya.
"Kahit labag na sa loob mo" seryosong usal nito kung kaya't natigilan ako. Seryoso ko itong nilingon na naging dahilan upang makita ko ang seryoso ngunit nakangiti nitong mukha na ngayon ay nakatitig sa walang malay na haleya.
"Simula pagkabata tayo na ang magkasama Lucas, maliban sa pagpapahangin at pananakit sa puso ng mga babae kilala kita bilang tapat na kawal ng Xeria na walang ibang ginagawa kung hindi ang mabuhay na naayon sa batas pero noong pinaparusahan ang haleya, bakit tila iba ang nakita ko sa mga mata mo?" Seryosong saad nito na naging dahilan upang bahagyang kumunot ang aking noo.
"Anong gusto mong sabihin?"
"Bakit tila may awa akong nakita sa mga mata mo na ngayon ko lang nakita?" Seryosong tanong nito kung kaya't natigilan ako bago bumuntong hininga at idiniretao muli ang aking paningin.
"Lahat ng nilalang na napaparusahan ay kinakaawaan ko Ruel" makapangyarihan kong saad saka muling ibinaling ang paningin sa haleya. "Pero bawal nating pairalin iyon dahil mga alagad tayo ng batas Ruel, paano tatanggapin ng mga nilalang ang batas kung tayo mismong mga anak nito ay hindi marunong sumunod" seryoso kong saad kung kaya't natigilan ito.
"Sa sitwasyon ng haleya, mukhang siya ang babasag sa pinaniniwalaan mo" saad nito kung kaya't natahimik ako.
"Sa historya ng Sedus mukhang ang haleya pa lang ang tagapagmana na susuway sa sagradong batas ng mundong ito" umiiling-iling na usal nito kung kaya't napabuntong hininga ako. Naging tahimik muli ang paligid namin ni Ruel. Hindi ko na ito sinagot sa huli niyang sinabi sapagkat kahit ako ay walang maisip na karapat-dapat na komento sa ginawa ng haleya. Nakikita ko ang punto ng haleya ngunit marami ang magiging epekto nito. Nasisiguro kong mas lalakas ang pwersa ng mga aktibista sapagkat nakita nilang mahina na ang pundasyon ng Xeria, maari ding mabuhayan ang mga Xerian na suwayin lalo ang batas ng Sedus sapagkat ang tagapagmana na ang sumusuway sa batas ng sariling pinanggalingan. Nasisiguro kong magkakagulo ang Xeria dahil sa ginawa ng haleya.
"Heneral" natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang tawag ng isang kawal na naging dahilan upang seryoso ko itong harapin.
"Ipinapatawag ka ng mahal na hara" taas noong balita nito kung kaya't marahan akong tumango saka binigyan ng makahulugang tingin si Ruel na bantayan ang haleya bago ko sila iniwan. Tahimik akong nagtungo sa bulwagan at nang marating ko ang kinaroroonan ng hara ay agad akong nagbigay pugay na naging dahilan upang harapin ako ng nito.
"Mahal na hara" nakatungong usal ko saka itinaas ang aking paningin sa kanya
"Kamusta ang anak ko?"
"Hanggang ngayon ay wala pa ring malay mahal na hara" sagot ko kung kaya't malalim itong napabuntong hininga. Tahimik itong naglakad patungo sa kaniyang trono kung kaya't agad ko itong sinundan sa pamamagitan ng tingin ngunit kumunot ang aking noo nang makita ko ang hawak na palaso ng hara.
"Bantayan mong mabuti ang anak ko Lucas dahil nararamdaman kong magkakasala muli siya sa akin" madamdamin nitong saad na naging dahilan upang mapunta sa mukha niya ang attensiyon ko.
"Mahal na hara?" Naguguluhan kong usal ngunit binigyan niya lamang ako ng isang tipid na ngiti saka bumuntong hininga at taas noo akong tinalikuran at tahimik na tinitigan ang napakalaking bintana sa bulwagan.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko, napakasama kong ina kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana ay hindi na ako pumayag na mawalay siya sa akin" pigil na emosyong usal nito na ikinatahimik ko.
"Maiintindihan din ng haleya ang lahat mahal na hara" seryoso kong saad na naging dahilan upang makita ko ang mapait na ngiti sa kaniyang labi.
"Sana hindi pa huli ang lahat ayokong humantong sa punto na mismong posisyon ko ang papatay sa kaniya" mapait nitong saad na naging dahilan upang mapalunok ako.
"Napakalaki ng tiwala ninyo sa kaniya" mahinang usal ko kung kaya't dahan dahan itong tumingin sa akin saka marahang tumango.
"Nasa sinapupunan ko pa lang siya nararamdaman ko na siya ang karapat-dapat na mamuno sa Xeria pero—" mahinang usal nito na sinundan ng napakalalim na buntong hininga. "... mukhang nagkamali ako" dagdag nito na ikinagulat ko.
"Nagbanta na ang mga aktibista siguro dahil iyon sa ginawa ni Angelica, ipinahamak niya ang kaharian ko at hindi ako makakapayag na magpatuloy iyon" seryoso niyang usal habang tinititigan ang palasong ngayon ay hawak hawak niya.
"Mahal na hara—"
"Simula pagkabata nasubaybayan ko na ang karera mo Lucas, alam kong matapang ka, malakas, matalino, at may paninindigan bagay na hinahanap ko bilang susunod na mauupo sa trono"
"Ma-mahal na hara hindi kita naiintindihan" naguguluhan kong usal kung kaya't lalo nitong nilaliman ang pagtitig sa akin.
"Pinag-iisipan kong ikaw ang papalit sa akin sa trono" seryoso nitong saad na ikinagulat ko.
"Pe-pe-pero—"
"Tatanggihan mo?" Seryosong tanong nito na nagpa-usbong ng kaba sa dibdib ko.
"Hi-hi-hindi ko maintindihan kung bakit a-ako mahal na hara" kunot noong usal ko kung kaya't malalim itong napasinghap ng hangin.
"Bakit hindi?" Pabalik nitong tanong kung kaya't natigilan ako. Hindi ko alam kung anong reaksiyon ang papakawalan ko dahil sa sinabi ng hara, batid kong makisig ako, maganda ang lahi, at mapagkumbaba ngunit hindi sapat iyon para pamunuan ko ang Xeria.
"Ikaw na lang ang naiisip kong hahalili sa akin Lucas, huwag mo sana akong bibiguin" seryosong usal nito saka marahang lumapit sa akin at marahang tinapik ang aking pisnge bago ako iniwan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi ng hara, hindi ko maintindihan kung bakit iyon ang mga sinabi niya. Marahil labis ang pagkadismaya niya sa mga ginawa ng haleya, marahan na lamang akong napabuntong hininga hanggang sa nagtama ang paningin ko sa trono na yari sa salamin. Isang karangalan para sa akin ang pagsilbihan ang Xeria, batid kong minsan kong pinangarap ang maupo sa trono at pamunuan ang buong kaharian ngunit hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, pakiramdam ko ay may pumipigil sa akin.
"Lucas!" Biglang tawag sa akin ng isang kung kaya't agad ko itong nilingon ngunit kumunot ang aking noo nang makita ko ang takot at gulat sa kaniyang mukha.
"Ang mahal na haleya—!" Tarantang sagot nito kung kaya't hindi ko na hinintay pa ang susunod nitong sasabihin sapagkat mabilis kong tinakbo ang selda kung saan nakakulong ang haleya ngunit labis ang aking pagkagulat nang makita ang walang malay na kawal na nagkakalat sa sahig.
"A..anong?" Gulat kong usal saka mabilis na pinuntahan ang selda at awtomatikong kumunot ang aking noo kasabay ng pagtiim ng aking panga at matinding pagkagulat nang makitang wala ng laman ang selda ng haleya ngunit mas napamaang ako nang makita ko ang pamilyar na bandila.
Mga aktibista...
"Papaanong—?" Inis kong usal saka mabilis na tumakbo sa isang maliit na bintana at doon ko nakita ang bilog na buwan na tirik na tirik sa itaas.
Devashtaji!