ANGELICA POV
Naramdaman ko ang mabilis na pag-alog ng aming sasakyan tanda na kami ay lumilipad na, nakaupo ako ngayon sa isang colorless na upuan habang nakalock ang mga kamay at paa ko dahil sa bilis ng pagtakbo nito. Napakuyom na lamang ako ng kamao dahil sa bilis ng sasakyang ito, marahil ay nasanay ako sa bagal ng sasakyang pangtao. Sa bilis ng aming sasakyan ay hindi ito kakayanin ng isang normal na nilalang lamang.
Kung ako na hindi pangkaraniwan ay labis na nahihirapan paano pa kaya ang tao lamang?...
Unti unti kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman kong gumaan na ang lahat. Bumungad sa akin ang piraso ng isang bulaklak na lumulutang sa aking harapan na naging dahilan upang bahagaya akong mapangiti ngunit agad ding napakunot nang biglang lumitaw ang isang nakangiting imahe ng lalaki hanggang sa napalunok ako nang mapagtantong nakahawak ito sa nakalock kong kamay habang nakalutang.
"Nasaan si papa?" Seryoso ngunit mahinahon kong tanong sa kanya na ngayon ay abalang palutang-lutangin ang sarili.
"Nasa baba at kung iniisip mo na gusto kita kaya kita sinasamahan dito nagkakamali ka haleya dahil utos ng rama na bantayan kita dahil mamaya lang ay mapapasok na natin ang Sedus at bibilis ang takbo ng sasakyan" mayabang na sagot nito saka ako binigyan ng nang-aakit na ngiti kung kaya't napabuntong hininga na lamang ako.
"Kalagan mo na ako" maawtoridad na utos ko ngunit nakangiti lamang itong umiling-iling habang lumalangoy sa kawalan.
"Bakit gusto mo ba akong gahasain? Tama na ang tingin lang mahal na haleya masama ang mapang-abuso tsk tsk tsk" mayabang nitong sabi habang tinititigan ang aking mga mata na naging dahilan upang awtomatikong tumaas ang aking kilay.
"How dare you?" taas kilay ngunit mahinahon kong usal saka ito pinandilatan ng mga mata. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga sinasabi ng lalaking ito, ngayon ay pinagdududahan ko ang posisyon niya. Tumalim ang aking mga titig sa kaniya habang ito ay nanatiling nakangiti bagay na pinandidirihan ko.
"Alam mo mahal na haleya dapat matuwa ka dahil babalik ka na ng Sedus, alam mo bang gustong gusto ka ng makita ng mga Xerian? Kaya nga ako ang pinasundo ng hara sa'yo dahil gusto niya magandang tanawin agad ang makita mo hahahaha " kaswal na kwento nito na tila ba ang tagal tagal na naming magkakilala.
"Mr. Allien" seryoso kong usal habang tinititigan ko ito sa mga mata at napangiwi ako nang makita ko ang nagtatanong nitong tingin kasabay ng pangungunit ng noo.
"Allien?" Takang tanong nito na naging dahilan upang tumaas ang aking noo at puno ng awtoridad na sinalubong ang nagtatanong nitong tingin.
"Allien ang tawag sa inyo—"
"Hep! Mali! Xerian ang tawag sa atin, nakatira tayo sa kaharian ng Xeria kaya Xerian hindi Allien napakalayo ng dila mo haleya gano'n na ba ang epekto ng maganda kong mukha?" pagputol nito sa sinasabi ko habang mayabang na itinuturo ang kaniyang mukha na naging dahilan upang kumunot ang aking noo kasabay ng pag-init ng aking dugo.
"You are so digust—!"
"Huwag mong gagamitin ang lenguwaheng iyan, hindi kita naiintindihan" mabilis nitong pigil sa mga sasabihin ko na naging dahilan upang lalong uminit ang dugo ko.
"Napamahal ka lang siguro sa mundo ng mga tao, may nagugustuhan ka na ba roon? Paniguradong wala o kung meron kalimutan mo na 'yon nandito naman ako nasisiguro kong walang kapantay ang mukhang ito" mayabamg na kwento nito habang itinataas baba ang kilay saka ako binigyan ng nakakdiring ngiti na naging dahilan upang bigyan ko ito ng mapanuring mata.
"Ba-bakit ganiyan ka makatingin? Pinagnanasaan mo ba ako?" Tanong nito ngunit tinitigan ko lamang ito.
"Hindi, hinahanap ko ang sinasabi mong magandang mukha kaso hindi ko makita. Hindi pantay ang mga mata mo, masyado ring makapal ang kilay mo at ang labi mo hindi ko nakikitaan ng karisma.. yung ilong puwede na, ang balat mo sunog at ang hugis ng mukha mo masyadong ordinaryo" kalmado kong paglalarawan ng mukha niya na naging dahilan upang kunot noo niyang itong hawakan.
"Ganiyan ba talaga sa planeta ninyo—"
"Planeta natin" mariing pigil nito na naikinangiwi ko.
"Planeta ninyo!" Mariin kong bulong.
"Planeta natin! Kahit anong gawin mo hindi magbabago ang katotohanang nagmula ka sa planetang Sedus!"
"At kahit anong gawin mo hindi magbabago ang katotohanang hinding hindi ko matatanggap ang planetang Sedus!"
"Tingnan natin" seryoso ngunit nagmamayabang nitong sabi kung kaya't taas noo ko itong nginiwan.
"Al—" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin sapagkat bumilis na ang takbo ng aming sinasakyan na naging dahilan upang bumagsak ang katawan ni Lucas sa akin at doon ko naramdaman ang pagdikit ng aming mga labi na naging dahilan upang makaramdam ako ng kuryente sa aking katawan. Nanatiling nakamulat ang aking mga mata habang nakatitig sa gulat din nitong mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit tila hindi ko maigalaw ang aking katawan. Nanatili lamang itong nakadikit hanggang sa si Lucas na ang dahan-dahang lumayo ngunit napapikit ako nang maramdaman ko ang pag-alog ng aming sasakyan kung kaya't agad kong isiniksik ang aking mukha sa kanyang dibdib saka mariin na pumikit. Naramdaman ko ang mainit niyang palad na humawak sa aking mga kamay na agad kong ginantihan upang magbigay suporta sa kanya sapagkat batid kong mahuhulog ito kung hindi ko ito hahawakan. Sunod-sunod ang aking paglunok, marahil ay napasok na namin ang Sedus kung kaya't hindi ko na nararamdaman ang pagkalutang. Nakapikit na lamang akong bumubuga ng hangin upang ikinakalma ang aking sarili, hindi na ako sanay sa ganitong uri ng sasakyan kung kaya't labis ang aking paghihirap ngayon.
Nang maramdaman kong bumabagal ang pagtakbo ng aming sasakyan ay unti-unti kong binuksan ang aking mga kamay at ikinalma ang sariling katawan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at doon ko napagtanto na nakapatong ang aking ulo sa dibdib ni Lucas habang ito ay nanunuksong nakatingin sa akin.
"Ninakawan mo na ako ng halik kanina, pati ba naman ay yakap ay ninakaw mo pa rin" natatawang sabi nito habang tinutukso ako ng tingin na naging dahilan upang manlaki ang aking mga mata saka lumayo sa kanya na seryosong nakatingin sa akin.
"Wha-what the—!" pilit kong pinipigilan ang aking pagkautal ngunit sadyang kusa na itong lumalabas sa aking bibig. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagngiwi nito bago lumayo sa akin at taas noong tumindig kung kaya't tinaasan ko ito ng kilay.
"Ka-kalagan mo na ako" mahinahin kong utos sa kanya ngunit seryoso niya lamang akong tinitigan saka ako tinalikuran kung kaya't napamaang ang aking panga habang pinapanood itong maglakad palayo.
"Lucas!" Mariin ngunit mahinahon kong tawag at pilit na ginagawang presentable ang sarili ngunit tila wala itong naririnig.
"Lucas! Pakawalan mo na ako rito!" Maawtoridad kong utos ngunit parang wala pa rin itong naririnig.
"Lucas!" Nangbabantangunit mahinahon kong tawag ngunit napapikit ako nang maramdaman kong huminto ang aming sinasakyan at awtomatikong nawala ang bakal na nakapulupot sa aking mga kamay at paa.
"Maligayang pagbabalik sa Sedus haleya" dinig kong sabi ni Lucas bago sumara ang pinto kung saan ito pumasok kung kaya't taas noo akong tumayo saka inayos ang aking sarili.
How disgusting!...
