ANGELICA POV
Nanghihina akong bumaba sa kabayo bago pinagmasdan ang paligid. Isang malawak na damuhan kung saan makikita ang repleksiyon ng bilog na buwan.
"Haleya" tawag sa akin ng pamilyar na boses kung kaya't marahan ko itong nilingon.
"Kamusta ang mga sugat mo?" Nakangiwing tanong nito na bakas ang pang-iinsulto.
"Maayos na" tipid kong sagot. Nang itakas nila ako sa selda ay binigyan niya agad ako ng mga kung ano-anong dahon para ilapat sa mga sugat ko kung kaya't batid kong hindi rin magtatagal ay gagaling na ito.
"Sa sandaling makatapak ka na sa mundo ng mga tao, may mga sasalubong sa'yo" saad nito ngunit tango na lamang ang naging tugon ko.
"Paano ako makasisigurong hindi na ako gagambalain pa ng lahi ninyo?" Seryoso kong tanong na ikinangiwi nito.
"Ako mismo ang papatay sa sarili ko kapag nangyari iyon mahal na haleya" nakangising saad nito kung kaya't kumunot ang noo ko.
"Ako ang papatay sa'yo kapag nangyari iyon" seryoso kong usal ngunit tumawa na lamang ito. Muli kaming kinain ng katahimikan, pareho naming hinihintay ang paparating na sasakyan na gagamitin papunta sa mundo ng mga tao.
"Safir!" Tawag ng isang lalaki sa kasama kong konsilyo kung kaya't agad namin itong nilingon.
"May paparating na kawal galing sa kaharian ng Xeria!" Balita nito na naging dahilan upang bahagyang kumunot ang noo ko.
"Nasisiguro kong nalaman na nila, maghanda ka" nakangising saad nito saka isinuot ang isang maskara na nagsisilbing tabing sa kanyang mukha.
"Nandito na ang sasakyan" biglang sabat naman ng isang lalaki kung kaya't ibinaling ko ang aking paningin sa ilaw na nasa gitna ng damuhan tanda na pababa na ang sasakyan.
"Mauna ka na sa sasakyan, kami na ang bahala sa mga ito" seryosong saad ni Safir na agad kong tinanguan saka mabilis na naglakad palayo sa kanila ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ay agad akong napahinto nang marinig ko ang pagtawag nito.
"Mag-iingat ka" sinserong saad nito na naging dahilan upang matigilan ako. Hindi ko alam ang isasagot sa mga sinabi niya, ilang beses na kami nag-usap ngunit ngayon ko lamang narinig ang boses nito na punong-puno ng sinsero. Hindi ko siya kilala, hindi kami magkaano-ano ngunit sa paraan ng pagkakasabi nito ay tila ba may malalim na kaming pinagsamahan. Tumango na lamang ako sa kanya bilang tugon bago tuluyan itong tinalikuran.
Seryoso kong pinapanood ang dahan dahang pagbaba ng saksakyan habang binibilisan ang paglapit diti, hindi na ako makapaghintay na makabalik sa mundo ng mga tao, ngunit hindi ko maintindihan sapagkat ang tuwnag nararamdaman ko ay kakaiba, tila ba may kulang, tila ba hindi ako masaya.
"Mahal na haleya!!" Dinig kong tawag ng pamilyar na boses kung kaya't agad akong napahinto at halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko si Lucas na nakasakay sa kaniyang tigre at mukhang papalapit sa kinaroroonan ko.
"How disgusting!" Inis kong usal saka muling tumakbo papunta sa sasakyan. Batid kong kulang ang lakas ko upang mapantayan ang bilis ng takbo ng isang tigre ngunit ginagawa ko ang lahat upang marating ang sasakyan sa gitna ng damuhan.
"Mahal na haleya! Tigil!!" Dinig kong sigaw ni Lucas ngunit hindi ko na ito pinagtuunan pa ng pansin. Tumakbo lamang ako nang tumakbo, binabalewala ko ang hirap at panghihina sapagkat kapag huminto ako, batid kong maabutan na ako nito. Labis ang nararamdaman kong inis sapagkat napakalayo ng kinaroroonan ng sasakyan, kanina pa ako tumatakbo ngunit hindi ko pa rin nararating ang sasakyang gagamitin ko. Mas lalo kong binilisan ang pagkilos ng aking mga paa, ngunit habang tumatagal ay nararamdaman ko na ang presensya ng tigre ni Lucas tanda na malapit na ito sa akin.
