Chapter 1

40 3 0
                                    

Angelica Pov

"Stunning"

"Fearless!"

"Elegance!"

"Brilliance!"

"And class!"

"These are the few words that will give a justice to the one and only Angelica San Andres"

"San Andres is the President and CEO of SA Corporation and one of the leading entrepreneur in the modern history. And today in Probes Show she will share her experiences on being a top executive of a leading company and, she will also give us some advice for those entrepreneurs who are starting out! good day Ms. Angelica"

"Ms nandito na po tayo" dinig kong saad ng driver na marahan kong tinanguan. Diretso lamang ang aking paningin habang patuloy na pinapakinggan ang radyo kung saan nakafeature ako. My name is all over the world, I have fame, money, everything but it does'nt satisfy me. I want more! Nang maramdaman kong bumukas ang pintuan ay taas noo akong bumaba ng kotse at katulad ng inaasahan, flash ng camera ang sasalubong sa akin. Mabilis na dumami ang mga paparazzi sa paligid, ngunit nanatiling seryoso ang mukha ko habang pinapanood ang mga gwardiyan pinipigilan ang pagpapailaw sa camera.

"Angelica! Angelica! Angelica! Here!"

"Angelica! Angelica!" Ito ang paulit ulit na tawag ng mga paparazzi ngunit hindi ko ito pinagtutuunan ng pansin. Taas noo lamang akong naglakad hanggang sa mapasok ko ang kompanya.

"Good morning Ms" mabilis na bati ng aking sekretarya ngunit hindi ko ito pinansin. Taas noo kong inabot sa kaniya ang ang hand bag habang eleganteng naglakad sa hallway.

"The Creseant Magazine called, they want to confirm for tonight's interview"

"No" tipid kong sagot na ikinagulat nito.

"I told you to block those paparazzi pero bakit nagkakagulo pa rin sa labas?" Mahinahon ngunit seryoso kong tanong habang taas noong huminto sa harapan ng elevator.

"I'm sorry Ms, you called 5 minutes before your arrival so hindi na namin—" Seryoso at pailalim kong tinitigan ang mga mata ni Krista na naging dahilan upang mahinto ito sa pagsalita.

"You're disgusting" mahinahon kong bulong ngunit sapat na ang lakas nito upang marinig niya. Nang makita ko ang pagbukas ng elevator ay hindi ako nag-aksaya pa ng oras, taas noo akong pumasok sa elevator na agad na sinundan ni Krista.

"You should think ten step a head of everyone Krista, wala pa ang problema pero dapat may solusiyon ka na. Is that clear?" mahinahon kong usal habang hindi ito tinatapunan ng tingin.

"Yes ms" napapahiya nitong sagot ngunit hindi na ako umimik pa. Nang bumukas ang elevator ay taas noo akong lumabas at 'tulad na lamang ng inaasahan ko ay nagsipaghintuan ang mga empleyadong nakakasalubong ko. Napabuntong hininga na lamang ako sa mga inaasal ng mga ito, I never forced them to do that, and I hate them doing that. Sa pamamaraan pa lang ng pagsalubong nila sa akin ay makikita ko na hindi na sila dapat pagkatiwalaan, kung presensiya ko pa lang ay natatakot na sila, paano pa kaya ang magsabing hindi once na magbigay ako ng idea. I literaly hate yes people, but sadly I am surrounded by that.

"Goodmorning Ms" bati sa akin ng assistant ko saka dali daling lumapit at ibinigay ang isang folder sa akin na agad ko namang tinanggap.

"Pinapatawag po kayo ni Sir Fred sa opisina niya, urgent daw po" mabilis na saad nito ngunit ang attensiyon ko ay nanatili sa papel na hawak ko na ngayon ay may maliit na gusot sa gilid.

"Ayokong pirmahan 'to, may gusot" mahinahon kong saad saka isinauli sa kaniya ang folder. Magsasalita pa sana ito ngunit taas noo ko na itong nilampasan, narinig ko pa ang pasimple pagcomfort ni Krista sa kaniya ngunit napairap na lamang ako.

Throne of GlassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon