Angelica POV
Malalim na ang gabi kung kaya't napagdesisyonan kong umuwi na lamang sa bahay. Matapos ang nangyari sa amin ni papa kanina ay hindi ko na alam kung paano pa ito haharapin. Pakiramdam ko ay sumobra ang pakikitungo ko sa kaniya.
"Ms nandito na po tayo" biglang saad ng driver kung kaya't natigil ako sa pag-iisip saka sumilip sa bintana. Agad akong pinagbuksan ng isa naming tauhan kung kaya't taas noo akong naglakad papasok ng bahay. Binilisan ko ang aking paglalakad paakyat ng hagdan upang hindi na makasalubong pa si papa. Wala rin akong mukhang maihaharap sa kanya dahil sa pakikitungo ko kanina at sigurado akong kukulitin niya lamang ako tungkol sa Sedus kung kaya't mas mabuti na rin na hindi muna kami magkita. Tahimik akong naglakad papuntang kwarto ngunit sadyang hindi nakikisama sa akin ang tadhana sapagkat bumukas ang isang pinto at iniluwa nito si papa na naging dahilan upang awtomatiko akong napahinto.
"Pa" usal ko saka marahang tumungo.
"Bakit ngayon ka lang?" Istriktong tanong nito kung kaya't napalunok ako saka taas noo itong tiningnan.
"Marami pa akong tinapos sa opisina" pormal kong sagot na naging dahilan upang mapatango-tango ito.
"I see, magpahinga ka na" pormal na saad nito saka tumalikod sa akin. Hindi ko alam kung bakit tila dinudurog ang dibdib ko dahil sa pakikitungo ni papa. Sanay ako sa ganitong pakikitungo niya, na sa bawat pagbigkas ng mga salita ay makakaramdam ka ng kilabot dahil sa istrikto at awtoridad na taglay nito at hindi ko maipagkakailang namana ko ito sa kanya. Kung tutuusin, kabilang na kami sa mga mag-ama na hindi kailangang magyakapan maiparamdam lamang na mahal namin ang isa't-isa, spaat na sa amin ang marahang pagtungo tanda ng pagrespeto.
"Pa" tawag ko kay papa kung kaya't agad itong tumigil sa paglakad at seryosong humarap sa akin.
"I just want to appologize about what happened earlier" sinsero kong sabi saka lumunok. Nakita ko ang pagbago ng ekspresyon nito, mula sa pagiging strikto ay naging seryoso ito bagay na nagpatindi sa kaba ko.
"Hindi na sana maulit iyon Angelica, hindi ko maintindihan kung bakit gano'n ang mga sinabi mo hindi ba dapat matuwa ka dahil makakasama mo ang mama mo?" Seryoso nitong sermon kung kaya't awtomatikong nagtiim ang bagang ko habang bahagyang kumukunot ang noo ko.
"Im sorry" mahinang usal ko.
"Babalik ka sa Sedus pagsapit ng bilog na buwan at sa ating dalawa ako ang masusunod" makapangyarihang saad nito kung kaya't napalunok ako at taas noo siyang tinitigan.
"But I don't want to" mahinang usal ko habang tinititigan siya sa mga mata na agad din nito g iniwas. Sunod-sunod na ang pagpatak ng aking mga luha habang tanging pagtitig ang ginagawa naming dalawa.
"Kailangan ka ng mama mo roon!" matigas nitong sabi kung kaya't mariin akong napapikit.
"How about you? Hindi mo ba ako kailangan?" Seryoso at lumuluha kong tanong na naging dahilan upang matigilan siya.
"Enough! Matulog ka na kailangan mong magpahinga" mahinahon nitong sabi saka ako tinalikuran ngunit bago pa siya lumayo ay mapait na akong tumawa na naging dahilan upang huminto ito.
"Mahal niyo ba talaga ako?" Mapait kong tanong habang pinupunasan ang mga luhang pumapatak galing sa aking mga mata.
"You dont have any idea how much we love you Angelica" dinig kong sabi ni papa bago ito naglakad palayo sa akin na lalong nagpasikip sa dibdib ko. Kumawala ako ng isang malalim na hininga bago pumasok sa kwarto saka pabagsak na humiga sa kama at pilit na pinipigilan ang sarili na kainin ng galit at pagkamuhi. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan lamang nila ako, ngunit wala akong ibang magawa kung hindi ang sumunod sapagkat sila ang mga magulang ko. Sa edad kong ito hindi ko aakalain na aabot pa rin ako sa puntong susundin ang mga utos nila. Hindi ko sukat akalain na hanggang ngayon ay hawak pa rin nila ang buhay ko.
