Chapter 6

5 3 0
                                    

ANGELICA POV

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang malagintong kisame. Sandali ko itong tinitigan hanggang sa pumasok na naman sa aking isipan ang mga nangyari kanina, ang nangyari kay papa.

"Angelica anak" tawag sa akin ng pamilyar na boses ngunit hindi ko ito pinagtuunan ng pansin. Nanatili akong nakatitig sa kisame, hindi gumagalaw at hindi nagsasalita.

"Angelica may dala akong pagkain, kumain ka na muna ana—"

"Nahanap na ba ang katawan ni papa?" Pagpuputol ko sa mga sinasabi niya kung kaya't natigilan ito.

"Wa..wala pang balita galing kay Lu—"

"Umalis ka na!" malamig kong usal saka tumalikod sa kaniya at doon nagsimula ang pagkibot ng aking mga labi kung kaya't mariin ko itong kinagat upang mapigilan ang aking paghikbi. Kung hindi kami umuwi rito, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito! Buong buhay ko walang ibinigay ang Sedus kung hindi pasakit sa buhay ko! Simula pagkabata ay kahati ko na ang planetang ito sa attensiyon ng aking mga magulang! Batid kong may posisyon sila! May kapangyarihan! May tungkulin! Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit parang sa pagtulong na lang umiikot ang buhay nila? Nakalimutan nilang may anak silang naghihintay, umiiyak sa tuwing hindi sila nakikita, bakit parang nakalimutan nila na may anak din silang nangangailangan

"Angelica anak kailangan mong kumain" mahinahon nitong saad na ikinakunot ng aking noo saka inis na bumangon at salubong ang kilay na hinarap ito.

"A-anak alam kong nagluluksa ka sa pagkawala ng papa mo pero huwag mo naman sanang pabayaan ang sarili mo" nag-aalala nitong sabi habang inilalapag ang dala-dala nitong prutas sa mesa.

"Kaya ko ang sarili ko, kakain ako kapag gusto so please umalis ka na" iritado ngunit mahinahon kong asik na ikinalunok nito.

"Angelica, a-ako na ang nakikiusap sa'yo kumain ka na anak. Kapag nagkalaman na ang tiyan mo ay aalis na ako hindi magugustuhan ng papa mo kapag nalaman niyang pinapabayaan mo ang sarili mo" malumanay at nakikiusap nitong saad habang pilit na tinititigan ang aking mga mata na matapang kong nilabanan.

"Nasaan ba si papa?!" Mariin kong sumbat kung kaya't natigilan ito. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas upang sabihin ang mga iyon, marahil sa galit na bumabalot sa aking isipan. Kung alam ko lang na mangyayari ito sana ay hindi na ako pumayag na bumalik sa planeta na nagiging dahilan ng pagkamiserable ng buhay ko.

"Angelica" lumuluhang usal nito habang lumalapit sa akin at astang pupunasan ang aking mga luha ngunit mabilis ko itong tinapik at galit siyang tinitigan.

"You know what?! This is all your fault! Kasalanan mo lahat ng ito! Kung hindi dahil sa'yo hindi mamamatay si papa! Kung hindi mo kami pinabalik sa Sedus edi sana kasama ko pa rin siya hanggang ngayon!" Galit ngunit mahinahon kong sumbat sa kaniya habang ibinuhos ang aking emosyon sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko. Nakita ko ang pagbago ng kaniyang ekspresyon at pag-awang ng kanyang bibig na tila ba hindi makapaniwala sa mga binitawan kong salita.

"Hi-hindi ko ginusto ang nang—"

"Please! Tama na! Ikaw ang may gusto ng nangyari dahil ang gusto mo lahat kami magsakripisyo para sa kaharian mo! Para sa Sedus! Palagi na lang sa Sedus! Sa Xeria! Sa mga mamamayan! Palagi na lang sa kanila!" Mariin kong panunumbat sa kanya saka lumuha nang lumuha. Naramdaman ko ang pagkikibot-kibot ng aking labi na sinabayan ng paninikip ng dibdib dahil sa sakit na nararamdaman ko.  Hindi ko alam kung ano ang nagawa kung bakit kailangang maranasan ko ang sakit na ito! Bakit kailangang kunin sa akin ang papa ko?! Nakita ko ang marahang pag iling-iling ng hara habang nakaawang ang kaniyang labi na tila ba hindi nito sinasang-ayunan ang mga sinabi ko at naging dahilan ito upang lalong lumisik sa aking mga mata habang galit na umaagos ang mga luha.

"Hi-hindi totoo yan Angelica" lumuluhang usal nito habang lumalapit sa akin ngunit ako na mismo ang lumayo sa kaniya saka mapait na tumawa.

"Alam mo pinagsisisihan ko na ang lahat lahat! Bu-buong buhay ko ikaw palagi ang nakikita ko! B-buong buhay ko ikaw lang ang pinipili ko! Gusto ko ikaw ang kasama ko! Gusto ko i-ikaw ang katabi ko! Ikaw ang kausap ko! Ikaw lang! Na-nawala sa isip ko na nandiyan pa si papa! Nawala sa isip ko na nandiyan pa siya sa tabi ko! Na nandiyan pa siya na nagmamahal sa akin! Na nag-aalala sa akin! Na umiintindi sa akin! Siya ang nasa tabi ko noong panahong abala ka sa tungkulin mo! Siya ang nasa tabi ko noong mga panahong pinaalis mo ako! Ang mga panahong nangungulila ako sa'yo! Ang mga panahong umiiyak ako dahil gustong gusto ko ng umuwi!! Siya ang nasa tabi ko noong kailangang kailangan kita! Siya lang! Pe-pero kahit isang beses! Kahit isang beses hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kaniya! Hindi ko man lang naiparamdam na mahal na mahal ko siya! Dahil ang gusto ko ikaw!" Mariin at galit kong panunumbat sa kanya habang hinahayaan kong umagos ang aking mga luha dahil sa matinding emosyon na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na mapigilan ang aking paghikbi, halos lumabo na rin ang aking paningin dahil sa mga luha na nagingibabaw sa aking mga mata. Nakita ko ang pagtungo nito habang hawak-hawak ang kanyang dibdib na tila ba hindi na kinakaya ang aking mga sinasabi.

"A-angelica anak pa-patawarin mo ako—"

"Fuck it! Alam mo sana ikaw na lang ang namatay eh! Hindi si papa! Dahil sa totoo lang sa inyong dalawa siya ang tunay na nagmamahal sa akin! Dahil ikaw! Wala kang ibang inisip kung hindi ang kaharian mo! Ka-kaya dapat ikaw ang namatay! " Mariin at gigil kong sigaw habang dinuduro at tinititigan siya sa mga mata hanggang sa biglang dumapo ang mainit niyang kamay sa aking mukha na naging dahilan ng aking matinding pagkagulat. Nangibabaw ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, pareho kaming hindi makapaniwala sa mga nangyari na kahit ako ay hindi ko alam kung paano ko nasabi ang mga lumabas sa bibig ko.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya, bakas sa kaniyang mukha ang matinding gulat at pagkalito kung hahawakan niya ba ako o hindi. Muling kumibot-kibot ang aking labi at habang tumatagal ay nararamdaman ko na ang hapdi ng kanyang mainit na sampal. Nanatili akong nakipagtitigan sa kanya at sa pamamagitan ng aking mga mata ay ipinahatid ko sa kanya ang aking galit at pagkamuhi.

"Hanggang ngayon pi-napatunayan mo pa rin sa akin na isa kang walang kwentang ina!" mariin kong usal habang galit na tinititigan ang kanyang mga mata saka mabilis na tumayo at dali-daling lumabas ng aking silid.

May buhay na namang kinuha ang Sedus sa akin...

Ano pa ba ang gusto ng planetang ito...

Throne of GlassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon