ANGELICA POVNanginginig kong hinahawakan ang palasong lumipad papunta sa akin habang ang aking paningin ay nanatili sa lumiliyab sa himpapawid. Sunod-sunod na ang pagpatak ng aking mga luha ngunit hindi dahil sa lungkot kung hindi dahil sa galit. Nararamdaman ko na ang pag-liyab ng aking kaloob-looban, ang pa-garagal ng aking mga labi at panlalabo ng nanlilisik kong mga mata. Inilibot ko ang aking paningin, doon ko nakita ang mga kawal na patakbong lumalapit sa akin ngunit bakit tila napakabagal nila para sa akin? Muli akong tumingin sa itaas, nakikita ko na ang papabagsak na apoy at nasisiguro kong tatama ito sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata, sa sandaling ito hindi ko na alam ang gagawin. Wala akong marinig mula sa paligid kung hindi ang aking paghikbi, wala akong makita kung hindi ang mabagal na pagbasak ng lumiliyab na sasakyan ng aking ama, wala na akong ibang nararamdaman kung hindi ang galit at sakit.
Gusto kong sumigaw ngunit walang boses ang lumalabas sa aking bibig. Gusto kong tumakbo ngunit hindi ko na maigalaw ang aking katawan. Gusto ko pang mabuhay ngunit hindi ko alam kung bakit pa. Habang tumatagal ay lalong nagiging malinaw sa akin ang lumiliyab na sasakyan at batid kong hindi magtatagal ay babagsak ito sa akin. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata saka labag sa loob na sinasalubong ang papabagsak sa akin ngunit bago pa mangyari ito ay naramdaman kong may kamay sa aking dalwang braso na siyang humila sa akin pataas.
"Devashtaji!" Malutong na pagmumura nito gamit ang lenguwahe ng Sedus. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata ngunit pamilyar sa akin ang mga tinig na iyon. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at doon ko natagpuan si Lucas na abala sa pagpapatakbo ng tigre habang hawak niya ang aking mga kamay na nakapulupot sa kanyang bewang. Muling sumikip ang aking dibdib at gigil na ikinuyom ang aking mga kamay. Bakit nabuhay pa ako? Ito ang tanong na umiikot sa aking isipan ngunit agad ding natigil ito nang maramdaman ko ang init sa hangin na naging dahilan upang lingunin ko ang aking likuran at doon ko nakita na bumagsak na sa lupa ang lumiliyab na sasakyan ng aking ama.
"P-p-papa!!" Malakas kong hiyaw saka pilit na nagpumiglas sa hawak ni Lucas kung kaya't mabilis akong tumilapon sa kung saan. Buong pwersa kong ibinangon ang aking sarili sa lupa at pilit na itinakbo ang aking mga paa ngunit bago ko pa magawa ang mga bagay na iyon ay may humawak na sa aking mga braso.
"Bi-bitawan niyo ako ano ba! I said Let me go!!!" Malakas kong sigaw habang pilit na nagpupumiglas sa mga kawal na ngayon ay hawak hawak ang aking nga braso.
"Ano ba! Sinabi ng bitawan niyo akooo!!" Galit kong utos saka pwersang nagpumiglas sa kanilang pagkakahawak at mabilis na kinuha ang sandata sa bewang ng isang kawal ngunit bago ko pa maitusok sa katawan ng isa ay may humarang na agad sa espadang hawak ko na naging dahilan upang lingunin ko kung sino iyon at doon ko nakita si Lucas na seryosong umiling-iling sa akin.
"Huwag mong ituloy ang binabalak mo haleya" serysong saad nito habang nanatili ang pwersa sa kanyang sandata ngunit nag-aalab ang galit sa aking loob at nais kong pumatay ng kahit sino man, kahit ang nasa aking harapan.
"Ahhhhhh!" Galit kong sigaw saka humakbang palayo at mabilis na pumaikot pabalik saka ako nakakuha ng tiyempo upang itarak sa kanya ang espadang hawak ko ngunit lalong uminit ang ulo ko nang agad niya itong sinangga saka hinawakan ang aking kaliwang kamay at pwersang pinaikot ito hanggang sa maramdaman ko ang mga brasong pumulupot sa aking katawan.
"Hahayaan kong saksakin mo ako sa likuran gamit ng hawak mong sandata mahal na haleya pero hayaan mong yakapin kita sa iyong pagluluksa bago mo ako lagutan ng hininga" seryosong bulong nito sa aking tainga saka idinikit ang aking ulo sa kanyang dibdib at pagtakip ng kanyang mga kamay sa aking tainga ngunit kasabay nito ang pag-ugong ng malakas na pagsabog na batid kong galing sa lumiliyab na sinakyan ng aking ama. Sa sandaling ito, habang umuugong sa aking pandinig ang pagsabog at bumabalot sa aking balat ang init ng apoy ay tila ba nagsibalikan ang mga ala-ala na kasama ko si papa, mga ala-ala na dapat ay binigyan ko ng halaga.