III - Premonitions

14 2 0
                                    


Chapter 3: Premonitions

Mabilis akong pumasok sa banyo. Kinuha ko ang toothbrush ko at nilagyan iyon ng toothpaste. Nang matapos ay inilapit ko na iyon sa bibig ko para masimulan na ang pag-to-toothbrush. Ngunit napatigil ako at napahawak sa panga ko nang maramdaman ang matinding panginginig ng bunganga ko. Sunod no'n ay ang tunog ng mga nagkakalasang bagay sa loob ng bibig ko. Nahihintakutang napatingin ako sa katapat kong salamin. Kinakabahang unti-unti kong ibinuka ang bibig ko habang nakatingin pa rin sa repleksyon ko sa salamin. Halos manlaki ang ulo ko nang makitang unti-unti at sunod-sunod na natatanggal at nakakalas ang mga ngipin ko sa ibaba.

Mariin at madiin kong hinawakan ang panga ko na tila ba mapipigilan no'n ang pagkalas ng mga ngipin ko. Naubos ang lahat ng ngipin ko sa ibaba. Impit akong napasigaw sa isip ko. Akala ko ay tapos na pero muli kong naramdaman ang panginginig ng bunganga ko. Napanganga ako at halos panawan ng ulirat nang unti-unti namang matanggal ang mga ngipin ko sa itaas.

Simula pakanan ay sunod-sunod itong natatanggal, wari mo'y may domino effect na nangyayari. Hinawakan ko na nang madiin ang mukha ko habang sinusubukang 'wag maubos sa pagkakatanggal ang ngipin ko. Pero patuloy silang nakakalas at nalalaglag isa-isa..

Muli kong tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Nang makita ang duguan kong bibig.. nang makitang dalawa nalang ang natitira kong ngipin at unti-unti nang nakakalas ang isa ay ubod lakas na akong
napasigaw..

Napabalikwas at humihingal akong bumangon mula sa pagkakahiga. Pawis na pawis ako at habol ko ang aking hininga. Agad kong hinawakan ang mukha ko at kinapa ang loob ng bibig ko. Pinasadahan ng dila ko ang baba at taas ng mga ngipin ko, checking if they're still intact and complete.

Nang masigurong ayos naman ang lahat ay unti-unti akong kumalma. Napabuga ako ng hangin at naihilamos ko ang mga palad ko sa mukha. Panaginip? Napakasamang panaginip! Isa itong bangungot? Akala ko ay totoo na! Dahil ramdam ko ang bawat pangyayari.

Naiiling na muli kong inalala ang nangyaring panaginip. Ang sabi ng mga matatanda, masamang pangitain kapag nanaginip ka na natanggal ang ngipin mo. May mangyayari daw na masama.. may mamamatay daw na malapit sa'yo..

Kailangan mo daw ikagat sa buhay na kahoy ang mga ngipin mo at pagkatapos ay idura mo, bago mo pa man mai-kwento sa iba ang panaginip mo o para hindi daw matuloy ang masamang pangitain.

Muli kong hinawakan ang dibdib ko. Ramdam ko ang malakas na kabog at tibok ng puso ko. Biglang bumalot sa akin ang takot nang maalala ang paniniwalang iyon. Tahimik akong napausal ng panalangin. I pray as I ask protection and guidance for my dear loved ones like JM and my family.

Kumilos ako para tumayo. Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa kusina. Napatingin ako sa hagdanan na gawa sa narra. Inilapit ko ang bibig ko dito at nagsimulang kumagat. Saglit akong
bumulong, "Sana walang mangyaring masama sa mga taong mahal ko." Nang matapos ay dumiretso ako sa banyo at agad dumura. Muli akong bumulong ng maikling panalangin at pagkatapos ay saglit na naghilamos ng mukha. Muli kong kinalma ang sarili dahil sa takot na muling naramdaman.

Umakyat na ako sa kwarto. Napatingin ako sa orasan sa cellphone ko, it says 03:57am. Napabuntong-hininga ako. Naroon pa rin sa dibdib ko ang takot at kaba. Natatakot akong pumikit dahil baka managinip ulit ako. Kaya naman inabot ko ang bag ko at kinuha ang rosaryo at isang maliit na notebook na may compilation of prayers. Binuklat ko ang unang pahina no'n at nag-umpisang basahin at bigkasin ang mga dasal na naroon habang hawak sa kanang kamay ko ang rosaryo.

Hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras at tuluyan na 'kong nakatulog..

***

Nandito na 'ko sa school ngayon. Ngayong araw ang huling araw ng exams namin. Kasalukuyan akong nakatambay sa library at nag-re-review para sa susunod na exam nang mag-vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa. Agad kong kinuha iyon at mabilis na binuksan at binasa ang isang text na galing kay JM.

Confessions of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon