XIII - Let Go

12 2 0
                                    

Chapter 13: Let Go

I saw JM walking towards me. He's wearing a pair of white pants and white long sleeves shirt. Ilang saglit pa ay nasa harap ko na siya. He looked lovingly at me before he gave me a sweet and tender smile.

Unti-unti siyang lumapit sa akin. Walang sabi-sabing hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at yumukod para abutin ang mga labi ko. Napapikit ang mga mata ko nang tuluyang maghinang ang aming mga labi.

Isa na ata ito sa pinaka-matamis na halik na aming pinagsaluhan. It was a soft, sweet, romantic, sincere, warm, gentle and tender kiss. Para bang sa halik na ito ipinararamdam ni JM ang buong pagmamahal niya sa akin.

But questions suddenly filled my mind. I mean.. what's happening? Ano 'to? Hindi ba't nasa ospital kami kanina lang? Did JM already wake up? Okay na ba siya? Ligtas na ba siya? Totoo ba 'to o nananaginip na naman ako? Pero kung panaginip 'to, bakit ramdam na ramdam ko ang bawat halik at hawak sa akin ni JM?

I'm confused. I don't know what's going on. Hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kong maramdaman o ano ba ang tama sa mga nararamdaman ko. Masaya ako, dahil nandito na siya sa harap ko, kapiling ko. Finally, gumising na siya! Pero nalilito ako.. ano'ng nangyari? Pa'no at kelan siya nagising? Bakit bigla nalang siyang sumulpot sa harapan ko? Ramdam ko din ang takot, kaba at pangamba. What's with his clothes? Bakit puting-puti ang mga suot niya? I know JM. He's not a fan of color white. Bihira siyang magsuot ng kulay puti. Bakit ganito ang halik niya? Ramdam ko ang pagmamahal, pag-aalaga at pag-iingat niya sa'kin pero bakit mababakas ang kalungkutan.. at pamamaalam?

Ano na ba talaga'ng nangyayari?! Hindi ko na maintindihan ang sabay-sabay kong nararamdaman. Why does it feels so right and wrong at the same time? Something is off, I know. But I can't figure out kung ano 'yon! Naguguluhan na talaga ako kaya naman bigla nalang akong napaiyak.

Bumitiw siya mula sa pagkakahawak sa'kin. Mabilis na binalot ng pag-aalala at pagkataranta ang mukha niya. "Angel, bakit? What's wrong? Bakit ka umiiyak?"

Ibinuka ko ang bibig ko upang sumagot pero nakapagtatakang bigla kong hindi mahanap ang boses ko. Hindi ako makapagsalita! Lalo akong napaiyak kaya wala akong nagawa kundi tumunganga sa mukha niya.

"Stop crying, angel.. please don't cry. I hate seeing you crying, especially if I'm the one to blame for making you cry." He said as he started to wipe my tears using his thumb. Then he planted a long and sweet kiss on my forehead after.

Hinanap niya ang mga mata ko at mariin akong tinitigan. "Remember this, angel. I know you'll get mad at me for what I'm about to do now, but always remember this. I love you. Ikaw lang ang babaeng minahal ko nang ganito. Ikaw lang ang babaeng minamahal ko at ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Ikaw lang ang babae para sa'kin at ikaw lang ang babaeng pipiliin ko araw-araw.."

"Pwede mo 'kong kamuhian, pwede kang magalit at mainis sa'kin pwede mo 'kong isumpa but I hope you won't forget me. I hope I'll stay in your heart forever. Alam ko, pagkaalis ko, sobra kang malulungkot. Malamang minu-minuto kang iiyak, and that's okay but please be strong, angel. Stay strong. Kaya mo 'to. Kakayanin mong
wala ako. You have to move on and get over me. You have to live a new life. Kailangan mong masanay na wala ako.. na wala na 'ko.."

Napaawang ang bibig ko at nanlalaki ang mga matang lalo akong napatitig sa kanya. Finally, I realized what's really going on. Lumakas ang kabog at tibok ng dibdib ko. Gumuhit ang matinding sakit sa puso ko. Umapaw lalo ang mga luha ko. Napahigpit ang hawak ko sa kanya.

"Please don't be sad, angel. Be happy. I'm always here. I'll protect you, guard and guide you, I'll still take care of you, I'll still love you. Hangga't nasa puso at alaala mo 'ko, nandito pa rin ako, angel. I will always love you, I will always do. Loving you is the best thing that ever happened to me. Saan man ako mapunta, ikaw lang ang mamahalin ko. Ikaw lang, wala nang iba.."

Confessions of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon