V - Lose Someone

10 2 0
                                    


Chapter 5: Lose Someone

Halos kinse minuto na akong naghihintay dito sa loob ng Mini Stop. Aligaga at tuliro akong maya't-mayang sumisilip sa labas. Ilang sandali pa ay dumating ang isang babaeng matangkad, maputi at may mahabang kulot na buhok. Agad siyang pumasok sa loob ng store at hinanap ako. Mabilis naman akong tumayo at lumapit sa kanya. Napatango siya at agad akong niyakap. "What happened?" tanong niya na nagpahikbi sa akin. Naramdaman
kong hinimas niya ang likod ko.

"Thea, si JM.. naaksidente siya!" sagot ko habang nakabaon ang luhaan kong mukha sa leeg niya.

Thea is my best friend simula nang tumapak ako ng high school. Magka-klase kami no'ng first year at siya ang madalas kong kasabay sa pag-uwi. Do'n nagsimula ang friendship namin.

Marahan niya akong hinila at dinala sa dulo ng mga hilera ng upuan at lamesa. Dahan-dahan niya 'kong inalalayan sa pag-upo at pagkatapos ay tumabi siya sa akin. "What do you mean naaksidente si JM? Ano'ng nangyari?" Sa pagitan ng mga iyak at hikbi ko ay ikinuwento ko sa kanya ang mga nangyari.

"Magiging okay din siya, Anne.. 'wag kang mag-alala. Magdasal tayo, hihingi tayo ng tulong sa Kanya. Tumahan ka na at baka magkasakit ka pa nyan. Ako naman ang sisisihin ni JM.. alam mo naman 'yon, mahal na mahal ka at lagi kang inihahabilin sa akin.."

Lalo akong napaiyak sa narinig. Muli naman akong inalo at niyakap ni Thea.

"Everything's gonna be alright. Magigising din si JM, babalik siya para sa'yo.." pagbibigay lakas loob niya sa akin.

Napag-usapan namin ang pagpunta ko ng La Union para kay JM. Aniya ay siya na ang bahalang gumawa ng paraan para maka-byahe at makaalis ako agad. Tumango na lamang ako at hinayaan
siyang asikasuhin ang lahat para sa akin.

Inihatid niya muna ako sa bahay. Tatawagan nalang daw niya ako kapag ayos na ang lahat. Muli ay tango na lamang ang naisagot ko sa kanya. Muli niya akong niyakap at binigyan ng lakas ng loob at pag-asa.

Dumiretso agad ako sa kwarto ko at tulalang napaupo sa kama at saka muling umiyak. Again, I prayed silently at nag-isip na naman ng kung anu-ano. I miss JM. Kamusta na kaya siya? Ano na ba'ng lagay niya? How did the operation go? I hope it went well. I hope he's okay, so is Rex.. JM.. Gusto na kitang makita at mahawakan. Gusto kong nandyan ako sa tabi mo. Para sa paggising mo, ako ang unang makikita mo. I will hold your hand, angel, so that you can feel my warmth and love for you. Natatakot pa rin ako at nangangamba.. wait for me, angel, I'll be there soon. God, please, save JM.. save him and Rex..

Tunog ng phone ko ang pumutol sa aking mga iniisip. Mabilis ko iyong inabot at sinagot. "Hello?!"

"Anne, this is Ellen.."

"Ano na'ng balita?"

"Nandito pa din ako sa ospital.. Kakatapos lang ng operation nila.. Anne, si JM.. comatose siya.." nagsimula siyang umiyak at humagulgol.

"Ha?" tangi kong naisagot. Bigla kong naramdaman ang pagtulo ng mga luha ko kasabay ng panghihina at panlalambot ko. Pakiramdam ko ay may humawak ng puso ko at unti-unting pinipiga iyon. Ramdam ko ang pagguhit ng matinding kirot, hapdi at sakit.

"Sabi ng doktor, masama 'yong pagkakatama ng ulo niya. May namuong dugo sa utak niya.."

Lalo akong napahagulgol. Parang hindi ko na kakayanin pa ang mga susunod na maririnig ko. Ang sakit-sakit isipin at sobrang nakakatakot na malamang nasa bingit ng kamatayan at walang kasiguraduhan ang buhay ng taong pinakamamahal mo.

"Ellen, bakit ganito? Ano na ba'ng nangyayari? Bakit ganito?"

"Hindi ko din alam, Anne.. hindi ko rin naiintindihan.."

Sabay kaming lalong napaiyak dahil sa mga nangyayari.

"Anne, si Rex.. W-Wala na siya.. Wala na s-siya.. Patay na siya.. Namatay siya habang inooperahan!"

"A-Ano?" Nanginig ang buong katawan ko dahil sa narinig. Tell me, this isn't true.. Tell me I'm only dreaming! Gisingin niyo na 'ko sa bangungot na 'to! Ayoko na, hindi ko na kaya! Tama na! Someone wake me up, please.. and tell me that this is all a bad dream!

"Sabi ko kasi 'wag na silang tumuloy kasi malakas ang ulan. Madulas ang daan, delikado kung aalis pa sila. Pero, nagpumilit sila! Dapat mas pinigilan ko pa sila! This is all my fault! I'm sorry, Anne.. wala akong nagawa!"

"No, Ellen.. don't say that. Walang may kasalanan. Wala sa'tin ang gustong mangyari 'to.."

"Pa'no na 'ko ngayong wala na si Rex? Ano'ng gagawin ko, Anne? Wala na 'yong lalaking pinakamamahal ko! Hindi ko kaya 'to! Hindi ko kaya 'to, Anne! Pa'no ko 'to kakayanin?! Wala na siya.. hindi ko matanggap! Ang sakit-sakit! Pa'no na 'ko?! Buntis ako, Anne! Pa'no na ang magiging baby namin ngayong wala na siya?! Paano na?!"

Umiyak siya nang umiyak at tumangis. Wala naman akong nagawa kundi sabayan siya. Natutop ko na lamang ang bibig ko at gamit ang mahinang boses ay ito na lamang ang nasabi ko, "I'm sorry, Ellen.. I'm sorry.."

***

Revised: 05.27.2020 / 01:50am

Confessions of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon