VIII - When I Saw You

12 2 0
                                    


Chapter 8: When I Saw You

Pasado alas diyes na ng umaga nang makarating kami ng La Union. Mabilis akong bumaba ng sasakyan nang huminto iyon sa tapat ng isang malaking bungalow styled house. Ilang metro mula rito ay ang dalampasigan at dagat na. Malamig at amoy-dagat ang simoy ng hangin kaya naman saglit akong napapikit upang damhin at samyuin iyon. Napadilat lang ako nang may tumawag sa pangalan ko. Humarap ako at lumingon. Agad akong sinalubong ng isang petite, maganda, maputi at slim na babae--si Ellen. Agad kaming nagyakapan nang makalapit sa isa't-isa.

"Anne! Mabuti at nakarating kayo agad.." saad niya nang bumitaw sa akin.

Nagkibit-balikat ako bago sumagot. "Oo, maaga kasi kaming umalis at magaling ang driver namin." ani ko sabay sulyap kay Kuya Bash. Agad ko ring binawi iyon. "Isa pa, gusto ko nang makita si JM.."

Malungkot na ngumiti si Ellen at tumango bago hinarap ang mga kasama ko at iginiya kami papasok ng bahay nila.

"Welcome, guys! Feel free at home. Kumain muna kayo at magpahinga. Lalo ka na, Anne. After lunch, pwede na kayong magpunta nang ospital para makita si JM."

Tumango ako. Ipinakilala kami ni Ellen sa pamilya niya. Naupo muna kami sa sala habang inihahanda ng mga magulang niya ang hapag-kainan. Saglit naming napagkwentuhan ang mga nangyari. Aniya, hindi siya makakapunta ng ospital mamaya dahil aasikasuhin niya ang mga labi ni Rex dahil ngayong araw ito darating. Ilang bahay lang mula rito ang bahay ni Rex at ng pamilya nito. Childhood sweethearts ang dalawa bago namatay ang huli dahil sa aksidente.

Muling napaiyak si Ellen nang mapadako ang usapan tungkol kay Rex. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Nangako akong dadalaw kay Rex pagkatapos kong puntahan si JM. Kinamusta ko rin ang lagay ng dinadala niya.

"Nalulungkot ako, Anne.. Ni hindi man lang masisilayan ng baby ko ang ama niya.. At si Rex, ni hindi man lang niya nalaman na buntis ako.. I was about to tell him.. Surprise dapat, eh. Pero ako ang na-surprised.. I got the greatest and biggest surprised of my life nang tuluyan siyang nawala.."

Wala akong naisagot. Mas hinigpitan ko nalang ang yakap ko sa kanya. Nalulungkot ako at nanghihina dahil sa mga sunod-sunod na nangyayari. Ang hirap ng ganito. Napakasakit at nakakapagod.. pero wala namang choice kundi magpakatatag, manalig at lumaban.

Nang matapos kumain ay saglit pa kaming nagpahinga bago tuluyang nagpunta sa ospital. Sinamahan kami ni Kuya Christian, ang panganay na kapatid ni Ellen. Kasama ko ang buong barkada
at muli naming ginamit ang Adventure.

Ilang oras pa ay nakarating na kami sa ospital. Agad kaming tumulak sa kwarto ni JM. Habang papalapit sa kanyang silid ay iba't-ibang emosyon ang sabay-sabay kong naramdaman--saya, dahil sa wakas ay nandito na 'ko; lungkot, takot, pangamba at kaba, dahil ganito ang sitwasyon niya. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na mangyayari ito. Ni minsan hindi ko inasahan na mangyayari ito sa amin.

Saktong tumulo ang mga luha ko nang tumapat kami sa pintuan ng kwarto niya. Ilang minuto akong hindi nakagalaw at parang itinulos sa kinatatayuan. Biglang hindi ako makakilos. Ni hindi ko maitulak ang pinto pabukas. Dumoble ang sari-saring nararamdaman ko. Napayuko ako, parang pakiramdam ko ay tinakasan ako ng lakas at biglang hindi ko siya kayang makita..

Naramdaman ko ang paghatak ni Dwin sa kanang kamay ko at marahang pinisil iyon. Umiiyak na napalingon ako sa kanya at napatingin, waring nanghihingi ng lakas sa kanya. Isang tango at ngiti ang isinukli niya sa akin.

Pero lalo lamang akong napaiyak. Lumakas ang hikbi at hagulgol ko. This time, naramdaman ko namang hinila ako ni Kuya Bash at niyakap at saka bumulong, "Sshh.. stop crying. 'Wag ka nang umiyak. Malulungkot siya kapag nakita ka niyang ganyan. Tahan na.."

Bahagya akong lumayo sa kanya bago sumagot. "Kuya, natatakot ako.. Hindi ko kayang makita siyang ganyan.. Ang sakit.."

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pilit akong iniharap sa kanya. "Don't say that, Anne. 'Wag kang matakot. Kailangan ka niya lalo na ngayon kaya tatagan mo ang loob mo. Sige na, puntahan mo na siya. Hinihintay ka na niya."

Muli kaming nagsukatan ng tingin bago ako unti-unting tumango. Then I realized the reason why I went here. It's because of JM.. Kuya Bash is right. JM needs me now.

Inayos ko ang sarili ko bago humarap at kumilos para buksan ang pinto. Nang mabuksan iyon ay agad akong pumasok. Bumungad sa akin si JM na nakahiga sa kama. May malaking benda na nakabalot sa ulo niya. Naka-oxygen siya na sumusuporta marahil sa paghinga niya. May dextrose siya sa kanang kamay, may nakakonekta sa kanyang daliri, at kung anu-ano pang aparato na nakakabit sa kanyang katawan. May ilang sugat at gasgas ang mukha at mga braso niya. Mariin ang kanyang pagkakapikit, tila nahihirapan at nasasaktan. Pansin ko rin ang pamumutla ng balat niya.

Muling tumulo ang mga luha ko dahil sa nakikita. Napatakip ako ng bibig ko at nanlalambot ang mga tuhod na lumapit ako sa kanya.

"Angel.." tawag ko sa kanya sa mahina at nanginginig na boses. "Angel.. Angel, nandito na 'ko.."

Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Jhen at bumulong. "Nasa labas lang kami, Anne.." Tumango ako at tuluyan na silang lumabas at iniwan ako sa loob.

Marahan kong hinila ang kamay ni JM at masuyong hinalikan iyon at hinawakan. Umiiyak pa rin na napatitig ako sa kanyang mukha. "Angel, I'm sorry.. Sana hindi nalang kita pinayagang sumama rito, baka sakaling hindi nangyari 'to.."

"Ang sakit-sakit makita kang ganyan.. Nadudurog ako, JM.. Nanghihina at nanlalambot ako.. Ang hirap.. Kung pwede lang na ako nalang 'yong nandyan at hindi ikaw.. Kung pwede lang na akuin ko na lahat ng sakit at hirap na nararamdaman mo, gagawin ko.. Hindi ko kayang makita kang ganyan.."

"I miss you, angel.. Sobrang miss na miss na kita.. It's been what, three days? Five days? A week? I miss you.. Hindi ako sanay na hindi ka nakakausap sa isang araw man lang. Hindi ako sanay na hindi ko nararamdaman ang presensiya mo o hindi ko nakikita ang mukha mo.."

"Angel, please, lumaban ka, ha? Huwag kang susuko.. Huwag mo 'kong iiwan.. I can't imagine my life without you.. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa'kin.. Pa'no ako 'pag nawala ka? How will I live my life and how will I spend my everyday? Alam mo namang naka-depende ako sa'yo.. Simula nang makilala kita, sa'yo na umikot ang mundo ko.. Ikaw na ang naging buhay ko.. So please, get better and wake up soon, okay? I'll wait for you.. I'll wait for you until you open your eyes.. Just don't leave me, please? Nandito lang ako.. Hihintayin kita.."

"I know naririnig mo 'ko, angel. You know that I love you, right? You know how much I really, really love you, right? So please, wake up soon. Aalagaan pa kita, mas mamahalin pa kita. Marami pa tayong gagawin na magkasama. Marami pa tayong mga plano at pangarap na tutuparin. I'll do anything and everything that you want. You want me to sing to you? Then, I'll do it! Kakantahan kita hanggang sa maubos ang boses ko. You want me to dance? Kahit parehong kaliwa ang mga paa ko at isa talaga ang pagsasayaw sa ayaw ko, I'll do it for you. Lahat gagawin ko para sa'yo. Just please wake up, angel. I want to meet your eyes again. I want to see your smile, I want to hear your voice and laughters. I want to hear you say how much you love and misses me. Kahit ano'ng gusto mo, kahit ano, ibibigay ko. Magising ka lang. Maging okay ka lang ulit. Please.. Please, wake up, angel.."

Ilang oras pa ang lumipas. Nanatili ako sa tabi niya. Hinahawakan ko ang kamay niya, hinahaplos ko ang mukha niya.. Kinakausap, kini-kwentuhan at kinakantahan ko rin siya.. Hindi nababawasan ang kabog sa dibdib ko. Umaasa akong magigising siya. At sa paggising niya, gusto kong ako ang una niyang makita.


***

Revised: 06.06.2020 / 05:34am

Confessions of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon