I - Conversation

20 2 0
                                    


Chapter 1: Conversation

"Do you believe in signs, angel?"

Nandito kami ngayon ni JM sa Snow Panda kung saan kasalukuyan naming nilalantakan ang Oreo Bingsu na inorder
namin kanina. He called me earlier at inaya akong lumabas at kumain. Timing naman na nag-ke-crave ako ng ice cream kaya naman agad akong pumayag at mabilis siyang dinala dito.

Sumubo muna siya bago ako binalingan. "Ano na namang tanong 'yan? Kung anu-ano na namang naiisipan mo, eh, no?"

Napasimangot ako at bahagyang napalabi. "Eh! Sagutin mo nalang! Ang KJ naman nito, eh!"

"Hahaha! Pikon! You're cute, angel!" Hinawakan niya ang kanang pisngi ko at saka kinurot iyon. Tinampal ko naman ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin. "Ano ba? 'Wag naman kasi 'yong pisngi ko, pwede? Mukha na tuloy bloated 'yong mukha ko, eh."

Bumunghalit siya ng tawa pero tumigil din nang mapansin ang masamang titig ko sa kanya. "Okay, seryoso na.." tumikhim siya bago niya hinila ang kamay ko na nakapatong sa lamesa at marahang pinisil iyon. Then he smiled at me. "To answer your question.. no, I don't believe in signs."

"But why?" I asked again, curious.

Nagkibit-balikat siya bago sumagot. "Though I have great faith in Him, though I know that He really does exist, there's still a part of me that is skeptical about those things. And maybe because I haven't experienced any of it yet. I don't know, it's just that as of this moment, 'yon palang ang pinaniniwalaan ko."

"Okay, I see.." tumatangong sabi ko. "How 'bout in angels? Do you believe in them?" muling tanong ko. Sa totoo lang, 'di ko gets sarili ko sa mga panahong 'to kung bakit nagtatanong ako ng mga ganitong klase ng tanong.

Kumunot ang noo niya. "Seriously? What's with you today? Ang weird mo!"

"Seriously din?! Ang arte mo po! Pakisagot nalang, please? Thank you!" I answered sarcastically.

He smirked at saka natatawa akong hinila palapit sa kanya. Itinaas niya ang mukha ko at inilapit iyon sa kanya. Then he whispered, "You're asking if I believe in angels? Of course, I do! Pa'nong hindi ako maniniwala? Eh heto o, hawak-hawak ko at nasa harap ko.."

Pagkatapos ay walang sabi-sabing hinalikan niya ako. It lasted for a minute. It was a soft and sweet kiss. Napatulala ako sa mga mata niya. Again, he smiled at me as he says, "You are my angel. You are an angel to me. You're the sweetest angel that I have ever known. And I love you so much. Always remember that, okay?"

Napatango ako sa kanya. Naghinang ang aming mga paningin. Muling bumaba ang mga labi niya sa akin dahilan para mapakurap ako at mapapikit. This time, hindi ko alam kung gaano katagal ang paghahalikan namin. Basta ang alam ko, tila tumigil sa pag-ikot ang mundo. Bumalik lang kami sa katinuan nang marinig ang malakas na pagtikhim ng mga nasa katapat na table. Naghiwalay ang aming mga labi, nagkatitigan kaming muli at saka sabay na nagngitian. Pagkatapos ay muli kaming nagpatuloy sa pagkain at pag-ubos ng ice cream.

"I love you too, angel.." I said to him na sinagot naman niya ng ngiti.

Ilang minutong dumaan ang katahimikan sa amin bago siya muling nagsalita. "By the way, do you remember what I told you last week? 'Yong pinapaalam ko sa'yo? Papayagan mo na ba 'ko? C'mon, angel! One week lang naman 'yon. I'll come back here soon after that."

He's talking about their coming trip to La Union next week. Ikakasal kasi 'yong kuya ng kaibigan niya do'n and at the same time, since tapos na exam week nila, he and his friends decided to celebrate. They plan to go on swimming since malapit sa beach 'yong bahay ng kaibigan niya. Hindi ko pa siya pinapayagan dahil gusto kong sumama. But start ng finals ko next week, so hindi na talaga ako makakasama. Of course I need to prioritize my studies first.

"Sige, pumapayag na 'ko. Since kilala ko naman ang mga makakasama mo do'n, kampante ako. Just don't do silly things
there, okay? Be careful always and always update me. Mag-iingat ka do'n. And one week lang, ha? No extensions. Maghihintay ako sa pag-uwi mo after a week. Maliwanag?"

He nodded and kissed me on my forehead. "Yes, thank you. Wait for me, okay? At mag-iingat ka rin dito habang wala ako. Tatawagan kita lagi."

"I know.. alam ko namang hindi mo 'ko matitiis, eh." I playfully said bago muling bumaling ang atensyon ko sa oreo bingsu na nangangalahati na.

***

My name is Anne. 16 years old, fourth year high school. Matangkad, chinita, slim at maputi. Sometimes, I act and think mature but most of the time, I am impulsive and childish.

JM is my boyfriend. His full name is John Michael Anderson. 18, second year college. Matangkad, he stands six feet already on his age. He has brown hazel eyes. Maputi at namumula-mula ang
balat, gawa ng pagiging half-American niya. He's handsome but oftentimes he looks the silent and shy type because of his soft features.

Nagkakilala kami through a common friend. Uso ang pagkakaroon ng textmates noon. Ibinigay ng kaibigan ko ang number ko sa kanya and he texted me first. Dahil nakapalagayan ko agad siya ng loob, nagsimula kami bilang textmates. Hanggang sa nag-set kami ng meet-up naming dalawa at nagkita kami. Naulit iyon ng ilang beses. Hanggang sa kami na 'yong laging nagkikita, nagkakasama, nag-uusap at nagtatawagan. Nasanay kami sa presensiya ng isa't-isa. Hindi na ata mabubuo ang araw namin kung walang paramdam ng isa.

We became best friends since then. Two years din 'yong routine namin ng pagiging gano'n until one day, he called me and told me na may sasabihin daw siyang importante.

No'ng nagkita kami, I was really shocked when he confessed his feelings to me. But I was glad and happy, too. Because I also feel the same way for him. Gusto ko rin siya at gusto kong akin lang siya. On that day, we became official.

Madali kaming nagkakasundo ni JM pagdating sa maraming bagay. 'Yon ata 'yong advantage ng pagiging mag-kaibigan namin bago naging kami. Aside from that, he's easy to love. Kind, gentleman, supportive, understanding, patient and thoughtful. He's my favorite man and he always brings out the best in me.

Next week will be our first anniversary that's why I wanted to be with him on their trip to La Union. Plano din sana naming mag-celebrate together. But what can I do kung hindi talaga pwede? I just can't ditch my studies for him. I love him but I can't do that. Unang-una siyang magagalit sa akin kapag ginawa ko 'yon. He always wants what's best for me. So after my exam week, after their trip, sa pagbabalik niya.. saka nalang namin paplanuhin kung paano namin i-ce-celebrate 'yong anniversary namin.

***

Revised: 05.23.2020 / 02:35am

Confessions of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon