VII - Friendship and Miracle

13 2 0
                                    


Chapter 7: Friendship and Miracle

Nang makarating sa gate na tuluyan nang nakabukas ay nakita ko ang barkada at mga kaibigan ko. Naroon sina Thea, Kuya Bash, Jhen, Roge at Dwin na mistulang hinihintay ako. Sa likod nila ay ang Adventure na aming gagamitin papuntang La Union.

Una akong nilapitan ni Thea at niyakap. "We've figured your inside kaya hinintay ka nalang naming matapos." she said to
which I nodded.

"I hope you don't mind that we're all here.. hindi naman kami manggugulo.. hehe.." said Dwin, ang joker ng grupo.

I weakly smiled at him. "That's fine, Dwin.. I don't mind, really.."

"I bought some foods and snacks para 'di tayo gutumin sa byahe!" Roge said with a smile and cheer on her lips.

Tumango ako ulit at ngumiti sa kanya.

"And I bought you your favorite milktea and siopao asado! Alam kong hindi ka pa nag-aalmusal, so while on the way, kainin mo 'to, ha?" Jhen said. She knows how I really love 7-Eleven's Mineshine milktea and siopao. Nangingilid ang luha pero nakangiti akong tumango sakanya.

"So are you ready, Anne? Alis na ba tayo?" Kuya Bash asked. He is the oldest in our group. He's eighteen, ka-edad ni JM. Pasaway at maloko kasi noon kaya ilang taon hindi pinag-aral ng mga magulang bilang parusa. But he's tamed and serious now. He's kind and super caring to all of us. Kuyang-kuya talaga namin siya.

I nodded at him. "Yes, kuya. Para maaga tayong makarating do'n. And thank you for providing the car."

He just shrugged at me. "Well, it's emergency and anytime, yeah, so that's okay.."

Napayuko ako at napahikbi. I can't believe they're all here with me. Naiiyak ako sa suporta at pagmamahal na ibinibigay ng mga kaibigan ko sa akin.

God, what did I do to deserve these kind of people?

"O, ang aga-aga ba't may iyakan?" biro ni Dwin.

Mabilis akong nilapitan ng lahat.

"I'm just thankful and grateful to all of you, guys. Thank you for being with me especially sa panahong ito. You all know kung gaano ako nanghihina at nahihirapan sa lahat ng mga nangyayari, but you're all here to give me strength and support. Akala ko mag-isa lang ako.. pero nandyan kayo, may mga karamay pala ako. Thank you, guys.. really, thank you.."

Ginagap ni Thea ang mga kamay ko at marahang pinisil iyon. "You're our friend, Anne.. Ang mga magkakaibigan, walang iwanan at walang sukuan, 'di ba? Kaya nandito kaming lahat para sa'yo. Kasama mo kami sa laban mo, okay?"

Umiiyak na tumango na lamang ako. Nakita kong napaiyak na rin ang iba. Kuya Bash made his way to me and enveloped me in his arms. Gumaya na rin ang iba. We all shared a warm group hug as a show of support and love to each other.

Thank God I have these people as my friends..

---

Nagsimula na kaming bumiyahe. The wristwatch that I'm wearing says it's 06:28 in the morning. Si Kuya Bash ang aming driver. Beside him is Jhen while Thea and Roge is with me. Nag-iisa si Dwin sa likuran katabi ang mga bags namin. Kasalukuyan kong kinakain ang siopao na bigay ni Jhen nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at binuksan ang isang text message na galing kay Ellen.

Anne, good news! JM moved his finger earlier! Nakita ko mismo kasi nasa tabi niya ako dahil binabantayan ko siya. He's in the ICU right now but this is a good sign, right? This is a miracle! Thank God for this! May pag-asa pang magising siya. Let's pray for the best, Anne. Stay strong and keep the faith!

Tumulo ang luha ko dahil sa nabasa. Nabuhayan ako ng malaking pag-asa at may munting saya sa puso ko.

Praise God! Thank you! Hindi ko ini-expect na ganito Mo kabilis diringgin ang mga
panalangin ko. Salamat po ulit!

I silently prayed again na sana ay magtuloy-tuloy na ang improvements ni JM hanggang sa tuluyan na siyang magising.

Gumaan na ang pakiramdam ko kahit paano. Unti-unti nang humugis sa labi ko ang isang ngiti.

Hintayin mo 'ko, angel.. Ilang oras nalang at nandyan na 'ko.. Magkikita na rin tayo.. Sana tuluyan ka nang magising.. I can't wait to see you again, angel, my love.. Wait for me 'cause I'm coming to you..

***

Revised: 05.29.2020 / 03:38am

Confessions of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon