XIV - The Final Day

18 2 0
                                    


Chapter XIV - The Final Day

Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkaka-idlip. Habol ko pa ang hininga ko nang magising. Hawak ko ang dibdib ko dahil ramdam ko ang lakas ng pagkabog no'n.

Panaginip na naman? Bakit gano'n 'yong panaginip ko? Ano'ng ibig sabihin no'n? Bakit para siyang aalis? Parang iiwan niya na 'ko? Para siyang namamaalam!

Naihilamos ko sa mukha ko ang mga palad ko. Natatakot ako at kinakabahan! Ibang takot, kaba at pangamba itong nararamdaman ko ngayon. I can't explain it but ayoko ng panaginip na 'to! It's giving me the creeps and really scares the hell out of me!

Inilibot ko ang paningin ko. Nasa chapel pala ako ng ospital. Naalala kong dito nga pala ako dumiretso kanina upang magdasal. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

Tiningnan ko ang wristwatch na suot ko. 06:48am. Umaga na pala, hindi ko namalayan. Saglit akong natigilan. Today is October 06, 2007. Ngayon ang first anniversary namin ni JM bilang couple.
Mapait at malungkot akong napangiti. I never imagined na mag-ce-celebrate kami ng ganito. I always imagined na masaya, exciting, memorable at fulfilling ang bawat magiging anniversaries namin, hindi ganito.

Napabuntong-hininga ako. Napatingin ako sa maliit na imahe ng krus na nasa harap. Muli sana akong magdarasal pero hindi pa man ako nakakapag-umpisa ay bigla nalang dumating ang mga kaibigan ko. Humahangos sila at bakas sa mukha nila ang pagkataranta at pag-iyak. I was about to ask them pero naunahan na nila ako.

"Anne, si JM!! Bilis!!"

Pagkasabi at pagkarinig ko no'n ay mabilis akong tumayo at kumilos palabas ng chapel. Agad akong tumakbo papunta sa kwarto niya. Biglang umahon ang matinding kaba at takot sa dibdib ko. Something's wrong, I know. Nabasa ko iyon sa mukha ng mga kaibigan ko.

Ang lakas-lakas ng kabog at pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung ano'ng dadatnan ko at bubungad sa'kin. Bigla ay naalala ko ang panaginip na nangyari kanina. Nagising na kaya siya? Hindi kaya iyon ang totoong pahiwatig ng panaginip ko? Ang sabi nila, ang mga panaginip raw ay kabaligtaran ng totoong mangyayari sa totoong buhay. Hindi kaya ito na 'yon? Baka nga nagising na siya?! Baka dininig na ng Diyos ang mga panalangin ko! Baka ito na ang regalo na bigay ng Diyos sa aming dalawa ngayong anniversary namin?

Kasabay ng kaisipang iyon ay nakaramdam ako ng pagkabuhay ng
pag-asa at kaunting saya. Naging masigla ako at saglit kong iwinaksi ang mga negatibong pag-iisip at nararamdaman. Unti-unti ay nagsimulang gumuhit ang isang ngiti sa labi ko.

Pagdating sa tapat ng kwarto niya ay saglit akong huminto. Huminga ako nang malalim bago ko pinihit ang pinto pabukas at saka pumasok. Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid.

Agad nahagip ng paningin ko ang kumpulan ng mga nurses at tatlong doktor na nakapalibot kay JM. Ang isang doktor ay pina-pump siya sa dibdib habang ang isang nurse ay hinahanda ang defibrillator. Ang isang nurse naman ay binabanggit ang kanyang vital signs na nakikita sa monitor na katabi ng kama ni JM.

Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko nang mapagtanto ang mga nangyayari. Unti-unting namanhid ang buong pagkatao ko. Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko ay tumigil ang oras pati na ang pag-ikot ng mundo. Muling gumuhit ang matinding sakit sa puso ko. Automatic na tumulo ang mga luha ko.

"200 joules.. charged.. clear!"

Nakita ko kung paano nilagay ng doktor sa dibdib ni JM ang defibrilliator pads. Umangat lamang ang katawan niya. Muling binanggit ng nurse ang vital signs niya pero wala akong naintindihan dun. Nakatanga lang ako sa kanilang mga ginagawa habang malungkot ang tingin ko kay JM.

He's still there, lying on that hospital bed. He's still not waking up. The doctors, as well as the nurses, are doing everything to save him.

"JM.." bulong ko. "Please, I'm begging you, gumising ka na.. Huwag mo namang gawin sa'kin 'to.. I thought you love me? I thought you want to be with me? I thought we're gonna make all our dreams come true and we'll spend forever with each other? Are you really going to leave me?"

Confessions of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon