AGNES' POV
*Back to present*
Namiss ko yung ganito. Yung mag breakfast kasama siya. Yung masayang kwentuhan habang kumakain. Namiss ko siya tingnan nang ganito kaaga.
Kaya naman kinuha ko yung phone ko at kinuhanan siya ng stolen shot. Pero pag minamalas ka nga naman, hindi pala nakasilent yung phone ko kaya tumunog nung pagkakuha ko ng picture sa kanya.
Napatingin naman siya sakin at natatawa.
"Alam mo kesa ninanakawan mo ko ng picture, iselfie mo na lang kaya yan?" Pat
"Uy wag kang feeling ha. Yung breakfast yung kinuhanan ko"
"Ahh yung breakfast. Pero ubos na yung pancake? Ano kinuhanan mo yung pinggan? Nice one, Maristella. Sana sa susunod yung lulusot naman" Sabi ni Pat habang tumatawa.
Nagpicture naman kaming dalawa gamit ang phone ko. Maya-maya ay tinawag siya nung staff niya, may kailangan ata.
"Uy wait lang ha, wag ka muna aalis, babalik din ako agad. Ichecheck ko lang yun" Pat
"Okay, take your time. Pagbalik mo saka na lang ako uuwi. May band rehearsals kami mamaya. Gusto mo sumama?"
"Anong oras ba?" Pat
Sasagot na sana ako nang bigla siya ulit tawagin nung staff niya.
"Sige na, mamaya na tayo ulit mag-usap hinihintay ka na nila" Nakangiti kong sabi sa kanya.
Tumango naman siya at umalis.
Habang naghihintay ako ay naisipan kong magtweet sa private account ko.
@agnsrm : missed this kind of morning with you. 🌻
Bigla namang nagsunod sunod ng tunog yung phone ko. Nagsipagchat pala sila sa gc ng Coffee Bens.
Poch: grabe naman yung isa dyan, di nag-aya
Andrew: oo nga gusto masolo si Pat. Sino kaya yun?
Jam: di ko sasabihin pero parang starts with letter R yung surname
Keifer: ends with eomarupok?
Toni: grabe kayo kay Agnes. Namiss niya lang naman yung bb niya e. HAHAHAHAHAHAHAHAHNatawa naman ako nung nabasa ko yung mga sinasabi nila. Nagreply din ako sa kanila.
Agnes : Sige kunwari hindi ko nababasa yung chats niyo.
Miguel: Ay nandyan ka pala boss reomarupok? Kala ko kasi busy ka sa kasama mo e. Ayyy oooppss.
Agnes : Grabe kayo, nagbreakfast lang ako dito kasi nagugutom ako at malapit lang to sa condo.
Pao: Reasonsss.
Agnes : Papapizza sana ako mamaya sa rehearsals pero nagbago na pala isip ko.Pagkasabi ko nun ay binawi naman nila yung mga sinabi nila. Natatawa na lang ako dahil ang kukulit talaga nila. Basta talaga libre at pagkain, napakadaling kausap.
"Saya mo naman ata, tumatawa ka mag-isa dyan" Natatawang sabi ni Pat pagkalapit niya sakin.
"Ang gugulo kasi nung GC ng banda, natatawa ako sa kakulitan nila."
"Miss ko na nga ulit sila e. By the way, anong oras nga ulit rehearsals niyo mamaya?" Pat
"Mga after lunch. Sama ka?" Tanong ko sa kanya at nag puppy eyes para magpacute.
Sana pumayag. Sana pumayag.
"Ano ba yan Maristella, hindi bagay sayo. Hahaha. Di mo naman na kailangan magpacute, cute ka na" Pat
Feeling ko bigla akong namula dahil sinabi niya. Pero pilit kong tinago yung ngiti ko.
"So is that a yes?"
"Oo na, miss ko na din naman sila. Nandito naman si Michael ng after lunch para magbantay. So paano? Di ko alam papunta dun hahaha" Pat
Lihim naman akong napasimangot nang mabanggit niya si Michael.
May Michael ka nga pala.
"Daanan na lang kita dito mamaya."
"Naku wag na, nakakahiya. Baka malayo ka pa dito. Sabihin mo na lang sakin kung saan" Pat
"Ano ka ba malapit lang yung condo ko dito kaya walang problema kung daanan kita dito."
"Wow malapit ka lang pala dito? Kaya pala aga mong nandito. Sakto naghahanap din ako ng condo na malapit dito para di hassle yung byahe" Pat
"Sige magtatanong ako dun tapos balitaan kita agad. So paano, daanan na lang kita mamaya? Alis na ko"
"Okay, sige salamat. See you later"
Umalis na ko at umuwi sa condo para magprepare. Pero pagdating ko sa condo ay nagtanong muna ako kung may vacant at pag sinuswerte ka nga naman, meron daw.
Mukhang umaayon sakin ang pagkakataon, mandalas na siguro kita makikita, Pat.
_________________________________________________
Sorry ang tagal ng update, busy sa work. 😅 sorry pa din kung may errors. Hehe.
BINABASA MO ANG
I'm Coming Home To You : PatNes AU
FanfictionThe lead me back to you, I keep coming back to you.