CHAPTER FOUR

443 5 0
                                    

AGNES' POV

*Saturday night*

Coffee Bens GC

Keifer : Guys, free ba kayo tom?
Poch : bakit, anong meron?
Toni : bakit, anong meron? (2)
Miguel : bakit, anong meron? (3)
Jam : bakit, anong meron? (4)
Andrew : bakit, anong meron? (5)
Agnes : bakit, anong meron? (6)
Keifer : May magbubukas na cafè bukas malapit ng konti sa condo ni Agnes, try natin?
Andrew : libre mo?
Keifer : hindi hahaha ikaw, puro ka libre. Ikaw kaya manlibre. Diba guys?
Toni : oo nga, ikaw naman manlibre Andrew
Poch : oo nga (2)
Jam : oo nga (3)
Andrew : sige na nga, matuloy lang. Siguraduhin mo lang Keif na masarap dun ha
Keifer : ay bagong bukas nga kaya nga natin itatry para malaman kung masarap.
Miguel : Okay sige kita kits tom. Sabihin ko na lang kay kambal, borlogs na e. Anong oras tayo pupunta?
Andrew : mga 2pm na lang para nakapag lunch na, magkakape na lang. Sabay sabay na tayo, hayaan na lang natin mauna si Agnes malapit lang naman siya hahaha
Agnes : Uy di niyo sure kung mauuna ako hahaha o siya sige matutulog na ko, good night fam!
Miguel : gudnyt!
Poch : good night guys!
Toni : nighty!
Andrew : goodnight!
Keifer : excited na ko hahaha good night!
Jam : goodnyt!

*Kinabukasan*

Pagkagising ko ay naligo na ko at umorder na lang ako ng foods. Tinatamad ako magluto e. Nung dumating yung order kumain na din ako at nagbihis pagkatapos. Tiningnan ko ang phone ko at nagsabi sila sa group chat na medyo mga malelate sila. At dahil nakabihis naman na ako, napagdesisyunan ko na din na pumunta sa cafè. Dun ko na lang sila hihintayin.

*Raf's Cafe*

Pagpasok ko ay agad akong humanap ng pwesto. Paupo na ako nang may makita akong batang nadapa. Nilapitan ko siya dahil umiiyak na siya. Dinala ko siya sa uupuan ko dapat at hinihimas yung tuhod niya dahil masakit daw.

"Hey baby, tahan na, mawawala na yung sakit nyan. Wag ka na umiyak sige ka lalabasan ng tren yan"

"Ay ayoko po baka po mas masakit yon huhu di na po ako iiyak" sabi ng bata

"Anong pangalan mo? Nasan mga magulang mo?"

"Ako po si Rafael Joshua, pero RJ na lang po. Si mommy po busy ngayon sa mga customers, kami po may-ari nitong cafè. Sakin din po ito pinangalan ni mommy" bibong sagot sakin ng bata

Hindi pa man ako nakakasagot sa kanya ay nagsalita siya ulit

"Alam niyo po, ang ganda mo. Hintayin mo po ako lumaki tapos liligawan kita paglaki ko" natawa naman ako sa sinabi niya. Ang cute cute nung bata na to, napakabibo.

"Rafael Joshua" dinig kong tawag mula sa likod ko

"Hi mommy, may nakilala akong maganda. Sabi ko sa kanya hintayin niya ko lumaki tapos liligawan ko siya" RJ

Natatawa pa din akong lumingon sa tinutukoy na mommy ni RJ ngunit biglang nawala ang ngiti ko ng makita ko kung sino ang kausap niya.

"Mommy ang ganda niya no? Ang bait pa niya, tinulungan niya ko nung nadapa ako" RJ

Mommy? Siya ang mommy nung bata? Ibig sabihin may pamilya na siya? Huli na ba talaga ako?

"Babe!"

"Daddy!"

Biglang may lumapit na lalaki at tinawag ni RJ na daddy. Lumapit naman ito sa amin at nagtanong kung ano nangyari.

"Nadapa ako daddy pero I'm okay na po. Tinulungan ako ni miss beautiful" sabi ni RJ sabay tingin sakin.

Tumingin naman yung lalaki sa akin at bahagyang natigilan. Pero di nagtagal ay ngumiti din at nagsabing

"Salamat, miss..."

"Agnes, I'm Agnes. Wala yun. Siguro kung iba din naman nakakita tutulungan din si RJ" sabi ko at ngumiti ng pilit

"Sige miss Agnes, salamat ulit. I'm Michael by the way. Pasensya na din sa abala. Order ka na lang kahit ano gusto mo, sagot ko na. Palitan ko lang ng damit tong batang to" Michael

"Ay Agnes na lang, pero hindi na, hinihintay ko pa din naman yung mga kaibigan ko"

"I insist, sige na, order na lang kayo pag nandyan na yung mga kaibigan mo. Balik kami mamaya" Sabi ni Michael at kinarga si RJ

"Tara na babe, balik tayo mamaya, palitan muna natin ng damit si baby" sabi ni Michael kay.....Pat at inakbayan niya saka sila nagpunta sa parang office ng cafè.

Yun na yon? Hindi siya nagsalita? Hindi niya ko pinansin. Galit pa kaya siya?

______________________________________________

Sorry sa typo ✌

I'm Coming Home To You : PatNes AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon