AGNES' POV
Hindi nagtagal ay dumating na din ang banda. Pagkaupo nila ay napansin nila na tahimik at tulala lang ako.
"Huy anyare bat ka tulala? Nainip ka ba?" Keif
"Si Pat...."
"Sinong Pat? Yung Pat ba yan na kilala din namin?" Migs
Hindi ako nagsalita pero marahan akong tumango.
"Pat? As in Patricia Lasaten?" Halos pasigaw na tanong ni Andrew dahil ang lakas.
"Oh tawag mo ko? Alam mo na agad na nandito ako?" Sabi ng papalapit samin na nagpabilis na naman ng tibok ng puso ko.
"Uy Pat! Kelan ka pa dumating?" Toni
"Long time no see, shorty" Poch
"Pat namiss ka namin" Jam
"Patricia Lasaten, ikaw nga" Migs
At sabay sabay silang lumapit kay Pat para yakapin.
"Relax guys, ako lang to" Pat
"Ikaw, buti naman at nagparamdam ka samin" Pao
"Haha it's been a while guys. Namiss ko din kayo. Pero meron atang hindi nakamiss sakin" Sabay tingin sakin ni Pat
"Ano ka ba ang tagal ka kaya niyang hinintay, siya nga ata pinaka nakamiss sayo" Andrew
Sinamaan ko siya ng tingin saka tumayo para lumapit kay Pat.
"Syempre namiss kita. Sobrang namiss ko bestfriend ko" Sabi ko at niyakap siya sandali.
Bestfriend. Bakit ba sinabi kong bestfriend? Hay. Ang tagal kitang hinintay. Sobrang namiss kita, hindi lang bilang bestfriend. Pagkatapos ng limang taon, ngayon ko na lang siya ulit nayakap. Ang sarap talaga sa pakiramdam ng mga yakap mo. Kung pwede ko lang sabihin sayo to.
"Alam ko naman na yung bestfriend ko ang pinaka nakamiss sakin hahaha sige na ano bang mga order niyo? Ako na bahala" Pat
Ouch. Bestfriend na lang ang tingin niya sakin. Ayan kasi self, sinimulan mo.
"Wow Pat, ikaw ba yan? Manlilibre ka?!" Jam
"Hindi, sasabihin ko lang sa may-ari na wag na kayo pagbayarin, kuripot kayo e" Pat
"Wow close kayo agad nung may-ari? Grabe Pat iba ka" Keif
"Diba ikaw may-ari nito?" Tanong ko dahil alam ko sinabi ni RJ kanina yun.
"Pano mo nalaman?" Pat
"Sinabi kaya nung anak mo kanina hahaha sa kanya mo nga daw pinangalan to e"
"Anak? May anak ka na?!" Sabay-sabay nilang tanong. As if on cue biglang may tumawag sa kanya at lumapit.
"Mommy! Mommy!" RJ
"Yes baby?" Pat
"Wala lang po, namiss ko lang po kayo. Pati po si tita Agnes" RJ
Nagulat naman ako sa sinabi nung bata. At pinagdududahan nila akong tiningnan.
"Magkakilala kayo?" Tanong nila
"Oo, kanina lang. Nadapa kasi siya tinulungan ko lang" Pagkasabi ko nun ay may tumawag na naman at lumapit.
"Babe, ano umorder na ba sila?" Michael
"Babe? Anong babe?!" Pasigaw na tanong nilang lahat na naging dahilan para pagtinginan kami ng mga tao sa paligid namin. Agad naman silang nag peace sign sa mga ito.
"Hahaha ayan na yung isa pang may-ari, ibigay niyo na mga order niyo bago pa magbago isip ko" Pat
Agad naman naming sinabi ang mga order namin. Mahirap na, baka libre na maging bato pa.
"Mommy, daddy dito muna po ako kay tita Agnes, pwede po?" RJ
"Naku anak baka makaistorbo ka kay tita Agnes mo, wag na" Pat
"No, it's okay. Baka busy din kayo, daming customers oh. Dito muna si baby"
"Okay sige, ipreprare lang namin yung orders niyo. We'll be back" Michael
Pagkaalis nung dalawa ay nakatingin silang lahat sakin na parang ang daming gustong itanong. Binulungan ko na lang sila na magkwento ako pagkaalis namin dito.
"Pero okay ka lang?" Jam
"Ewan ko din. Parang oo na hindi. Oo kasi nakita ko siya ulit at nayakap. Hindi kasi huli na ko at may pamilya na siya"
Pagkasabi ko nun ay napabuntong-hininga na lang ako.
Kung naging matapang lang ako noon, kung hindi lang ako naging duwag sa nararamdaman ko, siguro tayo ang may pamilya ngayon. Hay.
______________________________________________
Sorry sa errors. ✌
BINABASA MO ANG
I'm Coming Home To You : PatNes AU
FanficThe lead me back to you, I keep coming back to you.