CHAPTER THREE

503 9 0
                                    

PAT'S POV

Paglabas ko sa bar ay may nakita akong isang babaeng nakatalikod, isang babaeng napakapamilyar. Unti-unti ko siyang nilapitan at siya'y lumingon. Nagtama ang aming mga mata at kusang ngumiti ang aming mga labi.

Hinawakan ko siya sa mukha at unti-unting naglalapit ang aming mga mukha.

Pareho na kaming nakapikit ngayon.

Palapit nang palapit.

Ayan na, magdidikit na ang aming mga labi.

Ngunit bago pa man ito maglapat biglang...

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
*kring kring*

Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Pagdilat ko ay nakita ko si RJ na nakangiti.

"Good morning mommy! Gising ka na po, para mapatay mo na po yung alarm mo. Pinapagising ka na din po nila mamu baka daw po malate pa tayo sa opening ng Raf's Cafè" RJ

Panaginip lang pala. Napanaginipan ko na naman siya. Matagal tagal na din nung huli ko siyang napanaginipan. Bakit kaya?

"Mommy! Mommy! Di ka naman nakikinig sakin. Nakatulala ka lang" RJ

Di ko namalayan na napatulala na pala ako. Nagtatampo na itong boss ko na parang hindi 4 years old kung magsalita.

"Good morning baby! Sorry na, inaantok pa si mommy e. Nasan morning kiss ko?"

Agad naman niya akong niyakap at kiniss.

"Tara na mommy nagugutom na po ako. Kanina pa naghihintay sila mamu" RJ

"Let's go baby. Wawa naman baby ko gutom na"

Lumabas na din kami sa kwarto at nagpunta sa kusina para kumain. Pagkatapos ay naligo at nagbihis na din kami dahil pupunta pa kami sa cafè. Maya maya ay dumating na din si Michael para sunduin kami. Nagmano siya kay papa at bumeso kay mama.

"Good morning tito, good morning tita!" Michael

Pagkatapos ay lumapit sakin para bumeso.

"Hi babe, good morning. Are you ready?" Michael

"Yes babe, tara?"

"Ma, pa, mauna na po kami. Sabay niyo na po si RJ. May aayusin pa kami e. Sunod na lang din po kayo agad"

"Oo sige anak, susunod na din kami. Excited din si RJ e. O siya, magbibihis na din kami. Ingat kayo" Mama

"Bye baby, kita na lang tayo mamaya ha?"

"Yes po mommy, bye po" sabi ni RJ sabay yakap at kiss sakin

Agad na kaming nagpunta sa cafè para makapagprepare para sa opening.

*Raf's Cafè*

Pagdating namin ay naging abala kami. Hindi din naman nagtagal ay dumating na din sila mama. Nagsimula at natapos ang program para sa opening. Nakakatuwa na madami dami ding customer ang nagpunta.

Maya maya ay may narinig akong umiiyak na bata. Agad ko namang tinungo ang pinagmumulan ng iyak at nakita ko si RJ na umiiyak pero pinapatahan siya nung kausap niyang babae.

Habang palapit ako ay unti unti nang tumatahan si RJ at kinakausap yung babaeng nakatalikod.

Parang pamilyar yung babae.

"Rafael Joshua" tawag ko kay RJ.

"Hi mommy, may nakilala akong maganda. Sabi ko sa kanya hintayin niya ko lumaki tapos liligawan ko siya" RJ

Lumingon naman yung babaeng tinutukoy niya. Nakangiti ito ngunit pagkakita niya sakin ay biglang nawala ang ngiti niya. Pareho kaming natigilan nang magtama ang aming mga mata.

"Mommy ang ganda niya no? Ang bait pa niya, tinulungan niya ko nung nadapa ako"

______________________________________________

Sorry sa mga typo kung meron. Hehehe

I'm Coming Home To You : PatNes AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon