CHAPTER EIGHTEEN

478 9 5
                                    

PAT'S POV

Naging ganun ang routine namin. Everyday hatid sundo ako ni Agnes. Every weekends naman ay nasa Laguna kami. Lagi na siyang kasama dun kasi lagi siyang hinahanap ni RJ. Nagulat nga ako isang beses tinanong niya si Agnes kung pwede din siya maging mommy. Natawa dun si Agnes sabay sabing "depende sa monmy mo, baby". Magkasundong magkasundo silang dalawa. Madalas trip nila akong dalawa.

It's been 8 months na pala. Ang tagal na din nanliligaw ni Agnes. Halos every Monday may pabulaklak siya. Lagi na din kami sabay pag pupunta sa rehearsals. In fairness, ang consistent niya ha. Ang tagal lang niya magtanong. Ready na ko sumagot e.

Ang landi self ha.

Natawa na lang din ako sa naisip ko. Nandito kami ngayon sa studio. Wala si Agnes ngayon dahil umuwi sa Baguio kaninang umaga. Pinauwi daw siya ng parents niya. I wonder why.

"So ayun guys, eto na nga. Alam kong biglaan pero sa isang araw, magchichill tayo sa Batangas. Kaya magready na kayo ng gamit niyo bukas." Miguel

"Pano yun wala si Agnes?" Tanong ko sa kanila. Ang lungkot naman nun kung kulang kami.

"Sabi niya tatry daw niya sumunod e. Wag mo masyado mamiss Pat, mahal ka nun" Pao

"Sira. Syempre mas masaya kung kumpleto tayo diba?"

"Bakit hindi mo ba miss?" Poch

"Bakit kayo ba hindi niyo miss?"

"Luhh ikaw tinatanong namin bakit mo binabalik samin?" Andrew

"Oo na, oo na miss na. Nakakainis kayo."

Aba tinawanan lang nila ako. Ako na naman trip nila ngayon.

"Alam naman namin na miss mo na talaga si Agnes. Don't worry secret lang natin Pat" Keifer

At tumawa na naman po silang lahat. Pagkatapos namin mag-usap ay nagdinner lang din kami. Hinatid din ako ni Poch sa condo dahil binilin daw yun ni Agnes.

Wow naman maalaga pa din kahit wala siya dito.

--

*fast forward sa araw na pupunta sila ng Batangas*

On the way na kami sa Batangas ngayon. Ang lungkot lang kasi wala si Agnes. Hindi pa daw siya makaalis sa kanila. Hihintayin na lang daw niya kami pagbalik. Mag enjoy na lang daw ako.

Sayang, mas masaya sana kung nandito ka.

Malapit na dumilim nung dumating kami sa kung saan kami magstay ngayong weekend. Nagprepare lang kami ng dinner at kumain. Pagkakain namin ay nagkaayaan sila mag bonfire. Pumwesto na kami sa malapit sa dagat at gumawa sila ng bonfire. Nagjamming lang kami. Jamming lang, hindi naman kami umiinom.

"Fall naman. Namiss ko lang tugtugin yung fall" Miguel

Nag agree naman kami lahat. Nagstart na kami tumugtog. At kumanta yung kambal.

Move a little closer
So I can breathe you in
Wrapped in this enclosure
How long has it been

Feels like we can stay forever
In each other's arms
So lay down on my shoulder
I'll keep you safe from harm

Hooh, you can lay down all your reasons
Hooh, but your eyes betray your secrets

Nagulat naman ako dahil nung chorus na ay walang kumanta.

"Ay teka teka sorry akin." Natawa naman kami nung sinabi nun ni Miguel

"Ulit ulit sa chorus na agad"

Tumugtog na lang din kami ulit. Pero bumilis tibok ng puso ko dahil hindi sila Miguel yung kumanta.

So why don't we fall in love tonight
'Cause everything else just feels so right
And now I just want to hold you tight
So why don't we just fall

Napatingin ako sa likod ko dahil dun nanggaling yung boses. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako pwedeng magkamali, kilalang kilala ko yung boses na yun.

Hearts are beating
The night is fleeting
There's no denying
Puhon, puhon

Nakangiti siyang lumapit sakin sabay abot ng bulaklak at cake. Sila Miguel na yung nagtuloy nung kanta habang pinabuksan niya sakin yung cake. Lalong bumilis yung tibok ng puso ko nung nabasa ko yung nakalagay sa cake. Naiiyak na din ako sa tuwa.

"Will you be my girlfriend?"

Yan yung nakalagay sa cake. Tumango ako sa kanya sabay sabi ng "yes" pinunasan niya yung luha ko at niyakap ako.

"I love you, Pat. Thank you" Agnes

"I love you too, Agnes"

Hinalikan niya ko sa noo at mahigpit na niyakap ulit.

Hay Maristella. Mahal na mahal na kita. Hindi ko akalain na dadating yung panahon na to kaya sobrang thankful ko. Ang sarap sa feeling.

Bago kami matulog ay inexplain niya na kanina pa siya nakarating dito. Umuwi daw siya sa Baguio para ipaalam sa family niya na tatanungin niya ko ngayon. Pagkatapos daw ay nagpunta siya sa bahay para sabihin naman sa family ko.

Napakasweet mo talaga Agnes. Ang swerte ko sayo.

Nagpahinga na lang din kami at natulog na.

--

Kinabukasan ay inenjoy lang namin yung araw namin. Foodtrip, swimming, pictures. Nag thank you din si Agnes sa kanila sa pagtulong sa kanya. Kasabwat pala sila, wala man lang akong napansin.

Nung gabi na ay naisipan kong magtweet ng picture ni Agnes. At nagulat ako nung nakita kong may tweet na din pala siya.

"I love you, Maristella

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I love you, Maristella."

"I love you too, Pat. Mahal na mahal kita." Agnes

Pagkasabi niya nun ay hinalikan niya ko sa noo, sumunod sa ilong at sa labi. Tapos ay niyakap niya ko at natulog na kami.

____________________________________________________

Surprise! 😁 Isa pang update for today. Sorry sa errors. Enjooooy! 😁😊

I'm Coming Home To You : PatNes AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon