CHAPTER SIX

445 7 1
                                    

PAT'S POV

*time nung papalitan ng damit si RJ*

*Sa office ng Cafè*

Pagkatapos namin palitan ng damit si RJ ay pinapunta muna namin siya kila Mama. Pagkaalis niya ay biglang nagsalita si Michael

"Wow babe, siya na yung Agnes mo?" Michael

"Hay nako Michael, hindi ko siya Agnes. Pero yes siya yung Agnes na dati kong minahal"

"Dati? Ngayon ba hindi na?" Michael

"Hindi na no. Matagal na yon. It's all in the past"

"Nako Patricia Lasaten tigilan mo ko ha. Akala mo ba maniniwala ako sayo? Tayong dalawa na lang dito, di ka pa ba aamin?" Michael

Napayuko na lang ako sa sinabi niya.

"O hindi ka na nakasagot. Is that a yes? Umamin ka na, hindi naman ako magagalit" Michael

"Ewan ko Michael. Ang alam ko naka move on na ko. Ang alam ko hindi ko na siya mahal katulad ng dati. Pero nung nakita ko siya, nung nakita ko yung mga ngiti niya, di ko na maintindihan yung nararamdaman ko"

"Siguro kasi may feelings ka pa sa kanya. Hindi naman kasi basta basta mawawala yun lalo na minahal mo talaga siya. Pero Pat, hindi ka pwedeng lumabas ulit at magpakita sa kanya na ganyan ka, na naaapektuhan ka pa din sa kanya" Michael

"Pano gagawin ko? Hindi ko naman kasi inexpect na makikita ko agad siya"

"Act normal. Wag ka masyado pahalata. Oras na ba sa operation babe time?" Michael

Napangiti ako nung sinabi niya yon. Naalala ko naman nung ginagawa namin yun nung nasa Canada pa kami.

*Flashback 5 years ago*

Simula nung dumating ako ng Canada, gabi-gabi ako laman ng bar. Umiinom, naglalasing para makalimot sa sakit kahit papano. At sa kabutihang palad, nakakauwi pa naman ako sa apartment na tinutuluyan ko.

Madalas may lumalapit sakin na mga lalaki at ilang babae para landiin ako. Pero hindi ko sila pinapansin. Hanggang sa isang gabi may dalawang lalaking Pinoy na pilit akong pinapasama sa kanila. Hindi pa naman ako lasing kaya alam ko pa yung nangyayari.

"Miss tara na, sumama ka sakin, sisiguraduhin naming liligaya ka" Unknown 1

"Oo nga miss, wag ka na magpakipot dyan" Unknown 2

"Ano ba?! Bitawan niyo ko! Di ako sasama sa inyo! Mga panget kayo"

"Gusto ko yung ganito, palaban" Unknown 1

"Babe! Babe" Tawag ng kung sinong palapit samin

"Anong ginagawa niyo sa girlfriend ko? Bitawan niyo siya o ipapaban ko kayo dito sa bar na to" Unknown 3

"Boss sorry boss hindi na mauulit" Unknown 2

"Bakit sakin lang kayo nagsosorry? Magsorry kayo sa girlfriend ko" Unknown 3

"Miss sorry. Di namin alam na boyfriend mo si boss pogi. Di na mauulit. Pasensya na talaga" Unknown 1

Umalis naman na yung dalawa at lumapit sakin yung nagsabing boyfriend ko siya.

"Miss okay ka lang? Nasaktan ka ba?" Unknown 3

"Okay lang ako, salamat ah? Kahit bigla ako nagkaron ng boyfriend" Sabi ko at pareho kaming natawa.

"By the way I'm Michael. Michael Gutierrez" Inabot niya yung kamay niya para makipagkamay

"I'm Pat. Patricia Lasaten" nakipagkamay naman ako sa kanya.

"Nice to meet you Pat. Parang ngayon lang kita nakita dito ah?" Michael

"Nice to meet you too. Actually first time ko nga dito. Ikaw? Madalas ka dito? Parang takot sayo yung dalawang lalaki kanina e"

"Kaibigan ko kasi yung may-ari nitong bar. Siguro kilala nila ko kaya ganun. Takot siguro nilang di na makapasok dito. Ito na ata yung pinakamagandang bar sa lugar na to" Michael

"Wow ang humble mo sa part na yun ah. Pero totoo, sa lahat ng napuntahan kong bar, ito yung pinakamaganda"

"Oh see. Maganda talaga to. Oo nga pala, bakit ka mag-isa? Wala ka bang kasama? Nasan boyfriend mo?" Michael

"Wala akong boyfriend. Girlfriend siguro pwede pa. Pero wala e"

"You mean?" Michael

"Yes, di ako straight"

"Ow em gee kakosa" Michael

"Hindi ka din straight?!" Gulat kong tanong sa kanya

"Nope. Pero hindi pa ko out. Bukod sa kaibigan kong may-ari nito, ikaw pa lang nakakaalam" Michael

"Pero ang astig mo kanina, lalaking lalaki ka" Sabi ko at natawa kaming dalawa

"Oo nga babe e. HAHAHAHAHAHAHA. Pag kailangan mo ulit ng ganon, babe mo ko. Tawagin natin operation babe time pag ganon" Michael

"Sige, tutulungan din kita pag kailangan mo. Operation babe time"

Siya ang una kong naging kaibigan sa Canada. Naging close din kami simula nung gabing yon. Hindi ko alam kung gaan ng pakiramdam ko sa kanya pero ipinagpapasalamat ko na nagkaron ako ng kaibigan at pwede kong pagsabihan ng bigat na nararamdaman ko. Simula din nung gabi na yon, kapag may nangungulit sakin or sa kanya, magpapanggap kaming magjowa para tigilan kami nung nangungulit samin.

__________________________________________________

Sorry if may errors ✌

I'm Coming Home To You : PatNes AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon