CHAPTER TWO

578 6 1
                                    

AGNES' POV

Patapos na ang rehearsal namin nang dumating si Gab, isa sa pinaka malapit kong kaibigan. Naupo lang naman siya sa may sulok at nanuod samin hanggang matapos kami. Pagkatapos namin ay pumalakpak siya

"nice one guys, ang galing, wala pa din talagang kupas"

"Thanks Gab, ikaw naman, maliit na bagay" sabay tawang sabi ni Miguel, vocalist namin na kakambal ni Pao na vocalist din namin

"Ang hambog talaga ni Miguel, wag mo na lang pansinin yan Gab" sabi ni Poch na lead guitarist namin

"Hahaha ano ba kayo, ayos lang yun. Magaling naman talaga kayo. Kaya nga ang dami niyo na ngayong fans e" Gab

"So bakit ka nandito? Manlilibre ka ba ngayon Gab?" Tanong ni Keifer, ang violinist ng banda.

"Hindi, pero pwedeng 50%. G ba kayo?" Gab

"Okay tapos sagot ni Toni yung 50%" sabi ni Andrew na percussionist ng banda at nagtawanan lahat. Si Toni naman ay percussionist din.

"Okay tara na sagot pala ni Toni yung kalahati e" Sabi ni Jam na drummer namin.

"Hoy anong ako? Di pa naman ako pumapayag ah?" Toni

"Ano ba yan KKB na nga lang para matuloy na. Basta sagot daw ni Gab yung kalahati hahaha" sabi ko para makaalis na din kami at makakain

"Agnes sakin ka na sumabay. Hindi mo dala yung kotse mo diba?" Gab

"Oo, hindi ko dala. Coding e. Sige sayo na ko sasabay" Sabi ko at humarap sa banda "Guys, dun sa favorite Japanese restaurant natin ha. Kita kits na lang"

Kasya naman sila sa van, sumunod na lang sila.

Habang nasa byahe, nakaramdam ako ng kakaibang kaba na hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung bakit. Pagdating namin sa restaurant, nagpark na si Gab. Pag baba namin ay pumunta siya sa likod ng kotse dahil may titingnan lang daw siya. Napadako ang tingin ko sa isang babaeng kalalabas lang ng restaurant. Biglang bumilis tibok ng puso ko. Umalis siya nung nilapitan ako ni Gab.

"Are you okay? Bakit para kang nakakita ng multo dyan huy" Gab

"Nakita ko ata siya Gab. Pero hindi ako sure kasi may kasama siyang bata, parang anak niya? Pero hindi, baka namalikmata lang ako. Tara na gutom na ko"

Kasunod lang din naming pumasok ang banda. Pagpasok namin halos lahat ng nandun ay nakatingin. May narinig pa ko na

"uy yung Coffee Bens papicture tayo dali"

At nung nakaorder kami, isa isa na silang naglapitan para magpapicture. Game naman kaming nagpapicture sa kanila. Naudlot lang yun nung dumating yung order namin at sinabihan sila nung crew na hayaan muna kami kumain.

Habang kumakain napansin nila na tahimik lang ako. Nagtatanong sila kung anong problema ang sinasagot ko lang pagod ako. Alam ko namang hindi sila naniniwala. Pero hindi ko muna sasabihin yung totoong dahilan dahil hindi din naman ako sigurado. Sa amin na lang muna ni Gab yun.

Pagkatapos namin kumain ay nagsiuwian na din kami. Hinatid ako ni Gab sa condo na tinutuluyan ko. Habang nasa byahe ay tinanong niya ulit ako

"Okay ka lang ba? Wag mo na muna masyado isipin yun. Hindi naman tayo sigurado sa nakita mo" Gab

"Pero pano kung siya nga yon at may anak na nga siya? Huli na ba ko? Ang tagal ko siyang hinintay para masabi ko sa kanya yung totoong nararamdaman ko. Tapos malalaman ko na may anak na siya?"

"Hey, calm down. Malay natin hindi naman niya anak yon. Malay mo pamangkin lang ganon ikaw naman ang advance mo mag-isip" Gab

"Ewan ko Gab. Bahala na."

Tinigil din niya ang sasakyan pagtapat sa condo ko. Bago ako bumaba ay niyakap ko siya at nagbeso kami.

"Thanks for today, ingat ka"

"Thank you din, Agnes. Kumalma ka at magpahinga. Saka mo na problemahin yan, hindi pa naman tayo sigurado. Basta kung ano man mangyari, nandito lang ako" Gab

"Thank you ulit, sige na aakyat na ko. Uwi ka na. Text ka pag nakauwi ka na"

"Yes boss!" Sabi niya at umalis

Umakyat na ko sa condo at ginawa ang night rituals ko. Pagkatapos ay natanggap ko na ang text ni Gab na nasa bahay na siya. Sa sobrang pagod ko at sa dami ng iniisip, hindi na ko nakareply at nakatulog na.

_________________________________________________

Sorry sa mga typo. Heheh.

I'm Coming Home To You : PatNes AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon