CHAPTER SEVENTEEN

463 7 0
                                    

PAT'S POV

Uuwi ako ngayon sa Laguna at ihahatid daw ako ni Agnes. Sinabi ko naman sa kanya na wag na dahil baka gabihin siya pero mapilit kaya hinayaan ko na lang.

Nag-aayos lang ako ngayon dahil katatapos ko lang maligo. Maya-maya ay may narinig akong kumatok sa kwarto ko.

"Pat? Ready ka na?" Agnes

"Hindi pa, wait lang matatapos na ko."

"Mauuna na ko sa kotse, may ipapadala ka?" Agnes

"Wala naman. Sige sunod na lang ako."

"Okay, ingat ka. Papakasalanan pa kita" Agnes

Hala bakit naman may paganyan ka Agnes. Di naman ako prepared"

"Sira" Natawa na lang kami pareho nung sinabi ko yun at narinig ko na umalis na siya.

Nagmadali na din ako para makasunod na sa kanya sa kotse. Nakita ko siya nakatayo sa gilid ng kotse niya habang nakangiti sakin. Pinagbuksan niya ako ng pinto at nung papasok na ko ay may nakita akong nakalagay sa upuan ng kotse.

Tatlong tulips na gawa sa papel. May nakasulat sa bawat stem nung tulips na "I", "love" at "you". Napangiti naman ako at saka kinuha yung tulips at sumakay na.

Pagkasakay ni Agnes ay nagsalita siya.

"Sorry wala akong time bumili ng bulaklak, hindi ko kasi alam kung ano sasabihin ko sayo na hindi ka magtataka kaya eto na lang" ngumiti siya pero alam kong nahihiya siya.

"Ano ka ba okay lang, ang cute nga e. Atleast may effort pa din. Thank you"

Nagkwentuhan lang kami habang nasa byahe. Nung malapit na kami sa bahay ay nagsalita ako.

"Dito ka na daw magdinner sabi nila mama at papa" nakita ko naman na para siyang natigilan nung sinabi ko yun.

"Ahh e ano...alam nilang hinatid kita?" Agnes

"Oo sinabi ko. Alam kasi nila na hindi ako ihahatid ni Michael kaya sinabi kong ikaw maghahatid sakin"

"Ahh ehhh...kasi anooo" Agnes

Medyo natawa naman ako kasi halatang kinakabahan siya.

Napakacute mo naman Maristella.

"Wag kang kabahan, okay? Di naman sila nangangain. Para namang di ka pa nakapunta sa bahay"

Tumango na lang siya at ngumiti. Nung nasa tapat na kami ng bahay ay bumaba na kami. Pagpasok pa lang namin ng bahay ay tumakbo na papalapit si RJ at yumakap.

"Mommy I miss you po!" Pagkasabi niya nun ay kiniss niya ako sa pisngi at humarap kay Agnes.

"Hi tita Agnes, i miss you din po" Niyakap at kiniss din niya si Agnes. Nakita ko naman na napangiti din si Agnes.

"Hi baby, namiss din kita" Agnes

Pinuntahan na din namin sila mama at papa after nun. Di naman nagtagal ay kumain na din kami. Nung una ay napapansin ko pang kinakabahan si Agnes pero unti-unti din siyang kumalma at masaya na din siya nakipagkwentuhan sa kanila.

Pagkatapos kumain ay ako na ang nagligpit ng pinagkainan habang si Agnes naman ay kalaro si RJ. Sinabihan din kasi siya nila mama na dito na lang matulog. Pagkatapos ko magligpit ay inaya ko muna si RJ para palitan ng damit dahil pawis na pawis na siya. Naiwan si Agnes sa sala kasama sila mama.

Pagkatapos ko palitan si RJ ay pinatulog ko na siya at saka ako bumalik sa sala. Inabutan ko sila na parang seryosong nag-uusap.

"Ang seryoso niyo naman. Ano ba pinag-uusapan niyo?" Pero tiningnan lang nila ako tapos ay nagpaalam na sila mama na matutulog na daw sila.

"Maraming salamat po ulit tito at tita" Nakangiting sabi ni Agnes kaya lalo tuloy akong nacurious kung ano pinag-usapan nila.

Pagkaalis nila mama ay tinanong ko si Agnes kung ano yun pero ayaw niya sabihin.

Ah ganon ha. Sige tingnan natin kung di mo pa sasabihin.

"Di ka nga sigurado kung sasagutin kita tapos ayaw mo pa sabihin sakin yun? E kung wag kaya kita sagutin?" Tinatakot ko lang naman siya pero parang kinabahan siya sa sinabi ko. Lihim naman akong natawa.

"Eto na nga, eto na. Nagsorry lang ako sa kanila sa nangyari 5 years ago. Nagsorry ako kasi nasaktan kita at napalayo ka sa kanila dahil dun. Tapos sinabi nila na inexplain mo na nga din daw sa kanila para di sila mabigla. Sinabi ko na din sa kanila na nililigawan kita" Agnes

Hay nako Agnes bakit naman ganyan ka kacute. Ang sarap mo ibulsa.

"Alam mo ikaw ang sarap mo ibulsa. Tara na nga matulog na din tayo" sumunod na lang din naman siya sa kwarto.

--

Papasok na ako ngayon sa cafè. Ihahatid ako ni Agnes. Dito na din siya nagstay buong weekend dahil ayaw siya paalisin ni RJ. Masyado silang nag enjoy maglaro. Buti na lang ay laging may dalang extrang damit sa sasakyan si Agnes.

Medyo tahimik lang kami sa byahe pero hindi naman awkward. Pagdating namin sa cafè ay di na bumaba si Agnes dahil uuwi na din daw siya sa condo at inaantok pa siya. Hindi talaga siya morning person.

Pagpasok ko naman ay halos lahat sila nakatingin at nakangiti sakin. Tinanong ko naman sa kanila kung may dumi ako sa mukha, wala naman daw.

"Yung paa niyo tingnan niyo baka natapakan niyo buhok ni boss Pat, ang haba e" Natawa naman sila pero hindi ko gets?

"Okay? Hindi ko gets? Anong nangyayari?"

"May naghatid sayo boss, tapos may delivery pa. Eto oh" Sabi nung isa sa staff namin sabay abot ng bulaklak.

"Kanino to galing?"

"Hindi namin alam boss, pero may note ata dyan" Pagkasabi nila nun ay nakita ko naman yung note.

Good morning Pat,

Flowers for you, to brighten up your day. Smile. Labyu =)

♡,
MAR

Napangiti naman ako nung nabasa ko yun. Ang sweet naman talaga. Pano akong hindi mahuhulog sayo lalo nito.

_____________________________________________________

Sorry sa errors. Enjoooy!! 😁

I'm Coming Home To You : PatNes AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon