CHAPTER ELEVEN

525 10 1
                                    

PAT'S POV

Eto yung araw na titingnan ko yung unit na sinasabi ni Agnes. Tinext ko siya at magkikita kami sa baba ng condo niya. Gusto niya kong sunduin sa cafè pero sabi ko ay kasama ko si Michael. Pinasama kasi siya nila mama para daw alam din niya kung san yung magiging condo ko. Gusto din sumama ni RJ pero sabi namin ay ivivideo call na lang namin siya at sumama na lang siya pag lilipat na ko.

Nasa cafè kami ngayon dahil after lunch pa ang usapan namin ni Agnes. Nandito na din si Michael at inaasikaso yung mga orders. Ako ay nandito sa office at kaharap ko ang paper works.

Maya-maya ay nakarinig ako ng katok at nakita kong pumasok si Michael, may dalang kape.

"Hi babe. Busy mo ata? Coffee?" Sabi ni Michael sabay abot ng kape.

"Hmm thanks. Hindi naman, tapos ko na din icheck tong mga orders natin sa supplier."

"Ohh e bakit parang ang lalim ng iniisip mo?"Michael

"Iniisip ko lang yung condo"

"And?" Michael

"Parang bigla akong kinabahan, hindi ko alam. Parang natakot akong lagi siya makita. Pano kung mahulog na naman ako?"

"Ano ba yan, ang dami mo na agad iniisip. Titira ka lang naman dun sa condo, magkahiwalay naman kayo ng unit, di naman kayo magkasama. Unless....." tiningnan naman ako ni Michael ng nakakaloko pagkasabi niya nun

"Hoy yung utak mo ha, syempre di naman talaga kami magkasama. Hindi ko din alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito"

"Kumalma ka lang, wag ka masyado mag-isip ng kung anu-ano. Ang isipin mo lang dun ka titira para malapit dito. Wag mo isipin yun dahil sa kanya. Saka mo na problemahin kung mahuhulog ka nga. Okay?" Michael

"Okay okay. Noted boss!" Sagot ko sa kanya habang nakangiti, sabay hingang malalim.

Nung tapos ko na lahat ng dapat gawin, nagtext na ko kay Agnes na pupunta na kami. Umokay naman siya at aabangan na lang daw niya kami sa lobby.

--

Pagpasok namin sa lobby ng condo ay nakita namin agad si Agnes. Kumaway siya samin at lumapit. Pagkalapit niya ay hindi namin alam kung bebeso ba kami sa isa't-isa o ano.

Awkward.

Ang ending ay ngumiti na lang din kaming dalawa. Pinakilala niya ko dun sa supervisor at sinamahan nila kami sa unit.

Pagpasok namin sa unit ay tinawagan ko naman si RJ para makita din niya dahil gusto din daw niyang makita. Habang nililibot namin yung unit ay si Agnes ang kausap ni RJ. Ilang sandali pa ay may tumatawag kay Agnes sa phone.

"Excuse lang ah, tumatawag si Gab, sagutin ko lang" Agnes

Paalam niya at lumabas ng unit. Bahagya naman akong napasimangot at napansin naman ni RJ.

"Mommy why are you sad? Maganda naman po yung bagong titirahan mo ah?" RJ

"Ayan selos agad napansin ka tuloy ni RJ" pabulong na sabi ni Michael at inirapan ko na lang siya.

"Hindi naman sad si mommy, baby. And yes, maganda. Pwede na to baby no?"

"Yes mommy, kelan ka po namin hahatid dyan pati mga gamit mo?" RJ

"Pag-uusapan pa namin baby. Sige na, bye baby. Love you"

"Bye mommy, bye daddy. Love you both" RJ

Nagpaalam na din si Michael sa kanya. Bumalik din naman si Agnes at parang good mood na siya, ganda ng ngiti e.

Ano naman pinag-usapan niyo at ang ganda ng ngiti mo? Samantalang kanina parang ang tamlay tamlay mo. Ano mo ba talaga yung Gab na yun?

Pinag-usapan na lang namin kung kailan ako pwede lumipat dito at napagdesisyunan naming sa Linggo na lang.

Pagkatapos namin mag-usap ay inaya namin si Agnes na sumama sa cafè para mag meryenda. Tumanggi naman siya at sinabing may lakad sila ni Gab. Napasimangot na lang ako.

Gab na naman.

"Wag ka masyado pahalata babe, nakasimangot ka na naman" Pabulong na sabi ni Michael at tumawa ng tumawa.

Napalingon naman samin si Agnes na parang nagtatanong. Nginitian ko na lang siya at sinabing wag pansinin si Michael dahil nababaliw na naman.

Paglabas namin ng condo ay nagpaalam na din ako kay Agnes.

"Sure ka ayaw mo mag meryenda muna bago kayo tumuloy sa lakad niyo?"

"Yes Pat, padating na din si Gab e. Oh sakto ayan na pala" Agnes

Napalingon naman kami sa entrance ng lobby at nakita namin si Gab na nakangiting palapit.

"Sige, mauna na kami. Maraming salamat Agnes, pasensya na sa abala"

"Ano ka ba wala yun, hindi ka din naman abala. Salamat din. Ingat kayo" Nakangiting sabi ni Agnes. Nilapitan ko siya at niyakap. Parang nanigas pa nga siya nung niyakap ko siya e.

Nagpasalamat lang ako ulit at umalis na din kami. Nagsabi na lang din ako kay Gab na mauna na kami, ganun din naman si Michael.

Nasa sasakyan na kami ay inaasar pa din ako ni Michael.

"Sino ba kasi siya sa buhay ni Agnes at bat lagi silang magkasama?"

"Bakit ka affected?" Michael

Bakit nga ba? Bakit ba ganito ako mag react?

--

Helloooo. Sorry sa errors. Busy sa work kaya ngayon lang nakapag update. Hehe. Sorry.

I'm Coming Home To You : PatNes AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon