PAT'S POV
Pagbaba pa lang ng eroplano, nanibago na agad ako sa paligid. Limang taon ba naman akong nawala sa Pilipinas, sinong hindi maninibago diba? Inikot ko ang paningin sa paligid hanggang may biglang humawak sa kamay ko.
"Mommy, dito na ba tayo titira? Makakasama na ba ulit natin sila dada at mamu?" Tanong ng isang batang lalaking napakacute na ang sarap panggigilan.
"Yes baby, dito na tayo titira. Happy ka ba?" Balik tanong ko sa kanya.
"Yes mommy, happy po ako. Excited na ko makasama ulit sila dada" Tuwang tuwang sambit niya.
"Babe! Babe!"
May narinig akong familiar na boses na sumisigaw palapit sa amin. Paglingon ko ay nakita kong tumakbo na ang baby ko papunta dun sa taong tumatawag sabay sigaw niya na "daddy!" at nagpakarga pa.
Pinagmasdan ko silang dalawa na masayang nag-uusap at lumapit na din sa kanila.
"Kayong dalawa, pag magkasama talaga kayo nakakalimutan niyo ako" kunwaring pagtatampo kong sabi sa kanila.
Ngumiti naman silang dalawa sa akin at sabay silang nagsabi na
"babe hindi ah, namiss ko lang tong bata na to"
"Mommy hindi po ah, hindi kaya kita nakakalimutan" sabay peace sign
Bumeso naman si Michael, ang taong bumuhat sa baby ko. "Kanina pa kayo dumating?"
"Hindi naman, halos kadadating lang namin, nag CR lang ako"
"Tara na, alam kong nagugutom na kayo. Kumain muna tayo bago ko kayo ihatid sa inyo" -Michael
*Japanese Restaurant*
Habang kumakain kami, di ko maiwasang kabahan dahil napag usapan namin ang panibagong buhay na kakaharapin ko ngayon dito.
"Pwede ba tayong dumaan sa coffee shop bago tayo umuwi?"
"Okay lang, excited ka na ba? Magbubukas na tayo sa Sunday, tatlong araw mula ngayon" Michael
"Excited ako na kinakabahan babe. Hehehe"
Yung coffee shop na yun ay pinapatayo na namin nung nasa Canada pa ako. Matagal naming plano yon at sa wakas ay natuloy din. At magbubukas na sa Linggo.
Pagkatapos naming kumain ay umalis na din kami sa Restaurant. Nung palabas na kami, may nakita akong isang pamilyar na babae na kabababa lang ng kotse. Nagtama ang mga mata namin hanggang sa may lumapit sa kanyang isang lalaki na galing sa likod ng kotse. Dali dali akong umalis at sumakay sa kotse ni Michael.
"Babe uwi na pala tayo. Nararamdaman ko yung pagod. Sa susunod na lang tayo pumunta sa coffee shop"
"Bakit babe? Parang biglaan naman ata? May nangyari ba?" Michael
"Nakita ko siya. Akala ko okay na ko. Akala ko naka move on na ko. Pero bakit ganun nung nakita ko siya? Hindi pa ata ako ready"
"Okay sige, magpahinga ka na lang muna din. Basta nandito lang ako ha?" Michael
*pagdating sa bahay*
Isang mahigpit na yakap ang sinalubong sa amin nina mama at papa pagkakita sa amin.
"Pat, baby RJ, welcome home" Papa
"Michael, anak, salamat sa pasundo sa kanila sa airport at paghatid dito ha?" Mama
"Wala po yun, tito at tita. Mauna na din po ako para makapagpahinga na din sila. Pat, una na ko. See you on Sunday, sunduin na lang kita dito." Michael
"Salamat ulit Michael ha. Ingat ka pauwi. Text ka pag nakauwi ka na"
"Bye daddy! See you when I see you" RJ
Hinatid ko na si RJ sa kwarto niya at binihisan. Alam kong napagod din siya sa byahe.
"Good night baby! Alam kong pagod ka din, tulog ka na para makabawi ng lakas"
Good night mommy! Ikaw din po pahinga ka na po pagpunta mo sa kwarto mo" sabi niya at niyakap ako ni kiniss.
Lumabas na ko sa kwarto niya at pumasok sa kwarto ko at nagpahinga. Pagkatapos ko gawin ang night rituals ko, tiningnan ko ang phone ko at may text si Michael na nakauwi na siya. Agad ko naman siyang nireplyan.
To: Babe
"Babe, thanks for today! Sorry di tayo natuloy sa coffee shop. Bawi ako sa susunod. Good night! Lab u"
Pagkahiga ko ay tumunog ang phone ko. Nagreply pala si Michael.
From: Babe
"No worries, babe. Alam kong nagulat ka sa nakita mo, pero alam mo naman na kahit ano mangyari nandito lang ako. Good night babe! Lab kita"
Pagkabasa ko nun ay pumikit na ko at nakatulog.
______________________________________________
Sorry na agad sa mga typo. Hehehe. Sana may magbasa nito. 😂 At kung may magbasa man sana magustuhan niyo. First time ko to. Huhuhu
BINABASA MO ANG
I'm Coming Home To You : PatNes AU
أدب الهواةThe lead me back to you, I keep coming back to you.