AGNES' POV
(Continuation nung flashback)
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Di ko maintindihan nararamdaman ko, sobrang kinakabahan ako sa magiging reaction nila dad. Pero inayos ko na din sarili ko at lumabas na ng kwarto. Sakto naman yung dating ko at kakain na sila.
"Oh Agnes gising ka na pala, halika sumabay ka na kumain." Mom
Pagkasabi nun ni Mom ay umupo na din ako. Di ko alam kung pano ko sisimulan. Bahala na nga.
"Hmm mom, dad busy po ba kayo? Pwede po ba kayo makausap after kumain?"
"Wala naman ako gagawin. Tungkol saan ba yan?" Dad
"Mamaya dad, pagkakain natin." Pagkasabi ko nun ay ngumiti na lang ako sa kanila kahit kinakabahan talaga ako.
"Okay, sige. Kumain na muna tayo at pag-usapan natin yan pagkakain." Mom
Habang kumakain ay kung anu-ano lang pinag-usapan namin. Medyo narelax naman ako kahit konti. Pagkatapos namin kumain ay nagprisinta na ako magligpit ng pinagkainan. Pagkatapos ay pinuntahan ko sila sa may sala.
"Mom, dad."
"Ano yung gusto mong pag-usapan natin? Parang ang seryoso naman ata nyan?" Dad
"Di na po ako magpapaligoy-ligoy pa. Mom, dad I like Pat"
"Pat? O Gab? Diba si Gab yung nanliligaw sayo? Yung kasama mo kagabi?" Mom
"Pat, mom. Si Gab pinatigil ko na siya kagabi. Alam niyang si Pat ang gusto ko. Nagkaintindihan naman kami. Sana maintindihan niyo din ako."
"Pat? Patricia na bestfriend mo?! Nahihibang ka na ba? Pareho kayong babae, Agnes!" Nagulat ako sa pagsigaw ni dad. Naiiyak na ko sa takot at kaba.
Parang alam ko na kung san papunta tong usapan na to. Mukhang hindi nila tanggap.
"Yes, dad. Si Patricia na bestfriend ko. Ano naman po problema dun? Wala naman kaming inaapakan na tao. Nagmahal lang naman po kami."
"Ano na lang sasabihin ng ibang tao ha? Masisira pangalan natin dyan, alam mo ba yon?" Dad
"Dad akala ko kayo yung unang makakaintindi sakin kasi magulang ko kayo. Pero bakit naman ganito? Masama ba akong anak? Lahat naman ng gusto niyo sinunod ko mula nung pagkabata ko ah? Ngayon lang naman ako nagmahal dad. Ngayon ko lang susundin yung gusto ko, at kailangan ko ng suporta niyo." Umiiyak na ko habang sinasabi ko yun. Si mom hindi nagsasalita, nasa gilid lang siya. Hindi ko siya mabasa.
"Alam na ba niya? Sinabi mo na ba sa kanya?" Dad
"Hindi pa, dad. Balak kong sabihin sa kanya pagkatapos ko sabihin sa inyo dahil inakala ko na maiintindihan niyo, na matatanggap niyo ko. Pero nagkamali pala ako."
"Nagkamali ka talaga sa inakala mo. Hindi mo na inisip yung sasabihin satin ng ibang tao? Wag na wag mong sasabihin sa kanya yung nararamdaman mo. Iwasan mo siya." Dad
"Bakit dad? Kayo ba inisip niyo mararamdaman ko? Anak niyo ko pero yung iisipin pa ng ibang tao yung iisipin mo?
Hindi ko na napigilan sumagot. Hindi ko inaasahan to. Sobrang sama na ng loob mo.
"Mamaya kausapin mo siya, sabihin mong layuan ka niya kasi may iba kang gusto." Dad
"Pano kung hindi ko gawin yung gusto mo?"
"Pasensyahan tayo Maristella pero baka yang mahal mo ang masaktan, literal. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin. Papasundan kita sa mga security mamaya para bantayan ka. Siguraduhin mo lang na huling pagkikita niyo na mamaya." Dad
BINABASA MO ANG
I'm Coming Home To You : PatNes AU
FanfictionThe lead me back to you, I keep coming back to you.