Sa huling pagkakataon ay muling kong sinulyapan ang ganda ng Quebec. Papunta na kami ngayon sa airport sakay sa sasakyan kung saan si elysian ang nagmamaneho. Ako ang pinili niyang maupo sa passenger seat kaya bakas na bakas sa reaksyon ni nethy ang pagtataka.
“Napag-usapan niyo na ba kung kailan kayo babalik dito?” nilingon ako saglit ni elysian at saka ibinalik ang tingin sa daan.
Napaismid na lang ako. Nagpapatawa ba siya? Akala niya ba ay kung may dos kana o limang piso ay makakabalik kana agad dito?
Sinulyapan ko naman si nethy at gaya ko hindi makapaniwala ang mukha niyang sa tanong ni elysian.
“Seryoso ka? Hello, hindi biro ang gastos, elysian!” bulyaw na sagot ni nethy.
Tumango na lang ako bilang pag sang-ayon. Mabigat ang paggastos lalo na ngayon at pare-parehas kaming walang trabaho hindi gaya niya na nakakapag-ipon na siguro rito. Ibinalik ko ang atensyon sa bintana na bahagyang bukas dahil kumukuha ako ng litrato gamit ang DSLR na dala ni nethy. Iba talaga ang ganda nito.
“Kung gano’n ako na lang ang bibisita sa inyo. Hintayin mo ako, okay? Ingat kayo,” nakangiting ani ni elysian bago namin siya talikuran papasok ng airport.
Bukod sa bag na naglalaman ng gamit ko ay dala ko rin ang isang paper bag na pilit inilagay ni elysian sa kamay ko kanina. Paper bag ito ng sikat na restaurant sa Quebec. Hindi niya na raw kasi kami nagawang ipagluto dahil sa pagmamadali. Ipinaliwanag ko na hindi niya kami obligasyon pero ang lagi lamang niyang isinasagot sa akin ay bisita kami ng bansa kung saan sila pansamantalang naninirahan at bilang pilipino obligasyon nilang alagaan ang bisita. It was refreshing to be met with such hospitality after our long journey.
Simula ng lisanin namin ang YQB hanggang makarating dito sa bahay ay hindi mawala sa usapan namin ni nethy si elysian. Siya lang naman lagi ang nagsasali sa usapan.
Ang nangyari sa amin noong hindi sinasadyang makulong sa kwarto. Ang memorable araw naming lima sa Parc du Bastion-de-la-Reine kung saan kami nagpalipas ng isang buong huling araw namin sa Quebec. Kung paano namin naalala ang boses ni elysian sa sobrang nahawig na boses sa audio recording sa airport. Gusto niya pa nga ‘yong tanungin pag nagkita silang muli kung boses ba ‘yon ni elysian o hindi.
“Pero alam mo feel ko talaga siya ‘yun. Feel ko talaga,” ani nethy habang nakataas ang paa sa center table na nandito sa salas ng apartment niya.
Binisita ko lang siya dahil aniya nagtatampo na raw si edzel the cat sa akin dahil hindi na daw ako pumupunta. Inabisuhan ko rin si duke na pupunta ako para kung sakali ay makasaglit man lang siya rito. We're back in the usual, seems nothing happened between us. Mas maayos na rin siguro ‘yon. Masaya naman siya at ganoon rin naman ako.
“Eh ano naman kung siya ‘yun? Alam mo mahigit isang buwan na natin siyang pinag-uusapan. Mahigit isang buwan na rin siguro siyang oras-oras nasasamid. Kawawa naman.”
Kinuha ko ang fruit shake niyang ginawa at sumimsim roon. Pinagpatuloy ko ang panonood habang hinihimas-himas si edzel na ngayo’y nasa kandungan ko.
“Maiba tayo hindi ka ba niya kino-contact?” tanong ni nethy na ikinalingon ko.
Paano niya naman ako maco-contact kung hindi ko talaga binigay ang phone number ko noong kinukuha niya nung nakulong kami sa kwarto. Hello! ayoko maging thirteen month ‘no! Masaya na ako para sa kanila nila april, may and june at naaawa ako para sa siyam na hindi pa siya kino-contact.
“He follow me in Twitter and Instagram. Contact na ba tawag doon?”
Mabilis niya naman akong binatukan na ikinagulat ko kaya matalim ang mata kong tinignan siya.
BINABASA MO ANG
Glimpse on Celestial (Under Revision)
RomantikKleasyn Villegas have three (3) goal to accomplish in her life. First, to become an official flight attendant of ACH airline. Second, to visit the one of Canada's great City, Quebec City. Lastly, to find the man who has a birthmark in his chest. Th...