V

121 53 21
                                    

Maaga akong nagising dahil muli na namang sumali sa munti kong panaginip ang pangyayaring ayaw ko na maalala pa. Kahit naman ganoon ay gusto ko pa rin makilala ang lalaki sa likod ng natatandaan kong birthmark sa kanyang kanang dibdib na tanging pagkakakilanlan ko sa kanya.

Pagkatapos kong gawin ang aking morning routine ay bumaba na rin ako upang maghanda ng agahan naming tatlo. Bahagya akong nagulat ng maabutang malinis ang lababo. Siguro ay talagang tinapos pa ni duke ang lahat ng iyon. Kung ganon, anong oras na siya nakapagpahinga?—Teka bakit nga ba iniisip ko pa iyon?

Naghanap ako ng maaaring iluto ngayong agahan at maagang dumikit sa akin ang swerte ng makakita ako ng dalawang kahon ng pancake mixture. Iniluto ko iyon at ngayon ay naghahanda naman ako ng syrup. Wala akong nakitang maple syrup sa ref kaya nagtunaw nalang ako ng tsokolate since napakarami naman noon sa ref ni nethy.

“Hey, good morning. Ang aga mo,” bati ni nethy na kabababa lamang. “Wow pancake! I’m glad nakita mo iyan sa cabinet.” She yawned. Naglakad na ito papunta sa dining table at naupo.

Natawa ako. “Pinilit ko talagang maghanap. Ayokong mag breakfast ng ice cream at chocolate bars.” Inilapag ko sa dining table ang chocolate syrup na ginawa ko at naupo. Tumayo naman si nethy  at kumuha ng pinggan.

“Wala pa si duke, klea?,” aniya at ibinaba ang dalang pinggan. “Sabagay maaga pa naman, magcoffee ako, ikaw?”

“Acidic tummy is waving.”

Nang marinig ang sagot ko ay agad itong lumapit sa landline na nasa tabi ng tv sa sala. Maya maya pa ay sinigawan na nito ang kausap.

“Come here! Nagluto si klea ng pancake for us, in exchange bring her some drinks. Hindi siya pwede ng coffee, acidic tiyan niya.—”

Nang marinig iyon ay kumuha na rin ako ng pinggan ni duke.

“Catsup ka ang sakit ng ulo ko! Bilisan mo na.”

Pagkatapos niya iyong sabihin ay patakbo siyang bumalik ng dining table. Naglagay siya ng pancake sa pinggan niya at saglit na tinignan ang chocolate syrup. Umiling ito at tumayo.

Bumalik ito dala ang jar of peanut butter. What? Para saan? Nalinawan ako ng nagsimula na itong kumain at instead na chocolate syrup, she used peanut butter as her syrup. Seriously? Anong lasa noon?

“Stop staring, klea. Baka madagdagan yang chocolate syrup natin ng nethy syrup dahil diyan sa kakatitig mo,” at muling nagsubo ng pancake na may peanut butter.

Maya-may pa ay dumating na rin si duke dala ang lahat ng itinawag ni nethy. Inilapag niya sa tabi ng pinggan ko ang baso ng gatas at pabatong iniabot kay nethy ang can of sprite.

“Inumin mo yan, nang mawala ang hangover mo. Lakas kasing uminom kababaeng tao.” At naupo na ito sa tabi ko.

“How can you be so sure? Pagsumakit tiyan ko tatamaan—”

“Sprite can breakdown acetaldehyde, a metabolite of ethanol, making it an effective hangover curing drink.” Seryosong sabi ni duke bago nagsubo ng pancake.

Literal kaming napanganga sa sinabing iyon ni duke. Paano niya nalaman iyon? Gosh!

“Woah! You’re not just a love expert, duke! Genius ka rin! What the hell!” namamanghang sambit ni nethy sa patuloy na kumakain na si duke.

Glimpse on Celestial (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon