III

151 56 32
                                    

Kalmado na ako ng makarating kami sa parking. Pinagbuksan niya muli ako at saktong pagpasok namin ay tumunog ang cellphone ni vien. May tumatawag roon. Sumenyas ako na sagutin niya iyon at tumango naman ito saka tinapos ang pag aayos ng pinamili sa backseat bago kinuha ang cellphone. Saglit nitong tinignan ang screen ng cellphone at ng mabasa kung sino ang tumawag ay binuksan nito ang pinto saka humakbang palabas. Hindi niya na sinarado pa ang pinto kaya hindi ko pa rin sinasadyang marinig ang sinasabi nito.

"Bakit aina?," nababakasan ng pag aalala ang boses niya. Naiwan nanan akong nagtataka sa loob ng sasakyan niya. Wala akong kilala na aina sa pamilya nila. Maybe friend or classmate.

Nilibang ko nalang muna ang sarili ko habang nasa labas pa siya. Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan si mama upang kumustahin kaso unattended pa rin ito. I check my inbox at may nakita akong mensahe roon galing kay duke at nethy.

Nethy:

Saan na kayo? Nakauwi kana ba? If yes, 'yung susi nasa isang sapatos sa shoe rack sa labas. Hanapin mo na lang 'yung may medyas do'n. Have a good luck! Btw pauwi na rin naman kami ng supladong si duke.

Mag aalas dose ng itext niya 'yon kaya posibleng nakauwi na sila. Nireplyan ko iyon at sinabi ang plano namin ni vien na pagpunta sa kanila. Agad naman itong nagreply na tila naghihintay talaga sa reply ko.

Nethy:

Nagluto si supladong duke ng lasagna at carbonara, ghorl. Masarap kahit walang itlog swear!

Natawa naman ako habang binabasa ang mensahe ni nethy. Magtitipa pa lang ako ng reply ng nagmamadaling pumasok si vien. Magtatanong pa lang sana ako ng magsalita ito.

"Ihahatid na kita sa apartment ni neth ngayon,kle. May emergency lang akong kailangang puntahan," kabado at natataranta niyang wika ng hindi man lang ako nililingon.

Gusto ko siyang pakalmahin kaya inabot ko ang kamao niyang mahigpit na nakahawak sa manibela. Hindi ko pa tuluyang nahahawakan ang kamay niya ay iniiwas niya na iyon sa akin at nilingon ako habang nanlilisik ang mata.

"What the hell klea! Can't you see nagmamadali ako at I'm driving!" He shouted.

Wala sa sariling inilapag ko ang kamay ko sa kandungan at mahigpit na hinawakan ang cellphone ko. "Ano bang nangyayari, vien? Kumalma ka--"

"Kumalma? Seriously klea! Paano ako kakalma kung nasa peligro ngayon si aina? Sige nga! Tell me."

Mabilis akong umiyak at isa sa kahinaan ko ang pagsigaw sa akin kaya, hindi ko na rin maiwasan na hindi maluha sa ginawa niyang pagsigaw sa akin ngayon. Ngunit sa sitwasyong 'to hindi ko hinayaan na makita niya akong mahina. Itinaas ko rin ang boses ko gaya ng sa kanya. "Sino ba 'yang letcheng aina na 'yan--- damn! Kumalma ka nga!" nabigla ako sa ginawa niyang mabilis na pagliko at itong daan na tinatahak namin ay papunta na sa apartment nila nethy.

"Damn! Kotse ang minamaneho mo hindi eroplano vien..," napakapit na ako ng mahigpit dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya. Patuloy siya sa mabilis na pagpapatakbo kaya pasigaw ko na siyang tinawag. "Vien! Ano ba!."

Nagulat naman ako sa biglang pagtigil nito galing sa mabilis na pagpapatakbo. Laking pasasalamat ko sa seatbelt dahil kung hindi ko iyon naisuot ay paniguradong nauntog na ako. Lumingon ako sa bintana at bahagyang nagulat ng nasa tapat na pala kami ng apartment. Akmang bababa na ako ng i lock niya ang pinto at marahas akong hinila. Iniharap niya ako sa kanya habang hawak ng madiin ang braso ko. "Ano ba vien! Bitawan mo'ko!," pag alma ko sa ginawa niya.

"Will you shut the fuck up? you're so loud! Ang ingay-ingay mo--"

"Bitawan mo kasi ak-- v-vien.. bi-bitawa--." Ang mga kamay niya na nasa braso ko ay mabilis niyang inilipat sa leeg ko ng nagsimula akong magsalita. Diniinan niya pa iyon sa pangalawang pagkakataon na lalong nagpahirap sa aking huminga. Naramdaman ko rin ang paghapdi ng leeg ko. Maaaring dahil iyon sa pagkakabaon ng kuko niya habang sakal sakal ako. 

Glimpse on Celestial (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon