IV

143 55 31
                                    

Hindi pa sumisikat ang araw ay nakamulat na ang aking mata. It was my 13th birthday and according to mama, luluwas si auntie stella para makidalo sa birthday ko.

Tumunog na ang alarm clock na siyang dapat gigising sa akin at kasunod naman noon ang pagkatok ni mama.

“Kleasyn, hija. Kumilos kana at magsisimba na tayo. Unang misa ang dadaluhan natin kaya bilisan mo,” sigaw ni mama sa likod ng nakasaradong pinto.

Napabalikwas naman ako ng bangon dahil 5:30 na at ang sinasabi ni mama na unang misa ay nagsisimula ng 6:15.

Bago pumasok ng banyo ay hinanda ko na ang lahat ng susuotin ko. Mula sa palamuti sa buhok, kwintas na regalo ni mama noong nakaraang tao, ang pulang saya at ang simpleng putting sandalyas.

Saglit akong naupo sa harap ng salamin habang nagsusuklay. Naagaw ng atensyon ko ang mga larawan na nakadisplay sa ibabaw ng salamin. Labindalawang larawan ang naroon at ang lahat ng iyon ay kuha tuwing birthday ko. Sa mga larawang iyon ay puro kulay pulang damit ang sinusuot ko maging hanggang sa kasalukuyan.

Nang marinig ko pa muli ang pagsigaw ni mama muli sa baba ay tumayo na ako at nagtungo sa banyo. Pagkatapos kong maligo ay umaharap na agad ako sa salamin. Una kong inilagay ang palamuti sa buhok bago ang kwintas na may pendant na eroplano.

“Birthday mo na naman, may pagkakataon ka na namang humiling. Ngayong taon ba’y hahayaan mo pa rin sila ma diktahan ang kinabukasan mo? Bakit kasi wala kang lakas ng loob na sabihin kung ano talaga ‘yung gusto mo! Gusto mo maging chief ‘di ba? Speak for yourself klea!,” wika ko sa repleksyon ko sa salamin at sunod sunod napabuntong hininga.

“Klea! Pasado ala sais na. Mahuhuli na tayo, bilisan mo!”

“Pababa na po ako,” tugon ko bago muling sinuklay ang buhok saka umalis sa harap ng salamin.

Pagbaba ko ay naabutan ko si mama naghihiwa ng ilang gulay. Nang makita ako nito ay sinabihan ako na mauna na kila kuya ricky dahil maghuhugas muna siya ng kamay.

Kapitbahay lang namin si kuya ricky at kada linggo siya na rin ang nagseservice sa amin papuntang simbahan. Binata pa si kuya ricky, may matipuno itong katawan na binabagayan ng maamo niyang mukha. Matunog ang pangalan ni kuya ricky sa kababaihan dahil bukod sa pisikal nitong anyo at ang pagiging maginoo nito ay nabiyayaan rin siya ng magandang boses.

Nakita ko siya sa bakuran nila at kasalukuyang nagpupunas ng kanyang tricycle. Nang makita niya ako ay tumigil ito sa pagpupunas at saka nagsimulang pumalakpak at kumanta na naging dahilan ng pag ngiti ko.

“Birthday na ni klea! Birthday na ni klea!," kanta niya habang bahagyang napapasayaw.

“Kuya naman, Simpleng Happy birthday lang po ay ayos na. Tingnan niyo po, dahil sa ginawa niyong pagkanta maraming dumaraan na mahuhuli sa unang misa dahil pinanood pa kayo,” pabulong kong wika kay kuya ricky habang bahagyang sinisilip ang ilang taong napatigil sa paglalakad.

“Okay lang ‘yan klea. Magsisimba naman sila ibig sabihin malilinis pa mata at tenga nila,” he joked.

Nang dumating si mama ay naghulasan na ang nanood kay kuya at nagpatuloy na sa paglalakad. Sumenyas naman si mama kay kuya ricky na tila nagtatanong tungkol sa naabutan niya at sinagot lang siya ng tawa ni kuya.

Mabilis kaming nakarating sa simbahan dahil maaga pa naman, wala pang gaanong sasakyan na nagiging dahilan ng traffic. Nang maiparada ni kuya ricky ang tricycle ay sabay-sabay na rin kaming pumasok at naghanap ng mauupuan.

Naging mabilis ang misa, sapat na rin para makapagpasalamat ako sa panibagong taon.  Pagkatapos ng misa ay nagyaya kumain si kuya ricky ng agahan bilang treat niya na rin daw sa akin habang namimili si mama. Hinayaan akong pumili ni kuya ng kakainan namin. Una kong pinili ang tapsihan ngunit ayaw ni kuya. Ramen ang pangalawa at ayaw niya pa rin dahil espesyal na araw ‘to sa akin kaya’t hanggat maaaari ay sa espeyal na kainan, kaya ang ending ay ang isang sikat na fast food chain kami kumain na hindi namin madalas makainan.

Glimpse on Celestial (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon