XXIII

46 8 0
                                    

Chapter 23

"Seryoso ako. Kung ayaw niyong maniwala ay tawagan niyo si officer jin at tanungin kung anong naging pasya ko," paliwanag ko kay duke at nethy na kausap ko ngayon sa cellphone.

Isinikreto ko na sa sarili ang naging pagkakakilanlan ng nakausap kong ParadisCéleste. Hindi ko na rin sinabi ang mga naging pag-uusap namin. Ang tangi nilang alam ay iniurong ko na nga ang kaso laban sa kanya.

Ang dalawang kausap ko ay hindi makapaniwala. Kung anu-ano ang iniisip nila kung bakit ko 'yon ginawa. Baka kung ano na raw ang ipinainom sa akin dahil coffee shop ang meeting place namin. Na baka na gayuma na raw ako. Sa tingin ba nila tatalab ang gayuma para lamang iatras ang kaso? Tsaka hello nag-eexist ba talaga ang mga love potion na 'yan?

"Kung gano'n let's celebrate! Mall tayo!" masiglang sambit ni nethy sa kabilang linya.

Agad naman akong napalingon sa bintana nang marinig ang sinabi ni nethy.

"Doon na lang tayo magkita. Malapit na lang rin naman ako-- manong d'yan na lang po," turo ko sa mall na puno ng taong nagsisipasukan at labasan.

Dahil nga medyo malayo pa ang mall na ito sa apartment nila ay naglibot na muna ako at tumingin ng puwede kong mairegalo sa kanila. Bisperas na bukas at wala pa rin akong nabibiling regalo ni isa.

I roam free around the mall. Tatlompung minuto na ang nakalipas at nagawa ko ng bilhin lahat maliban na lang sa regalo ko kay jaydy. Medyo hassle kasi kung babalik na naman ako sa kabilang dulo ng mall para ibili siya ng libro at laruan.

Nakatanggap ako ng message kay nethy na papunta na sila at tinatanong nito kung nasaan ako.

Nanatili akong nakaupo sa tabi ng fountain habang naghihintay sa kanila. Nilantakan ko na ang binili kong shawarma.

"Si ate klea ba 'yun?"

Nangibabaw ang matamis na boses na 'yon sa pandinig ko kahit na sobrang ingay sa loob ng mall na 'to.

Mabilis akong napatayo at agad inilibot ang mata sa magkabilang panig ng mall hanggang sa napangiti na lamang ako ng makita ang triplets at si.. Ely. Akala ko ba ay nasa farmhouse siya?

Nakangiti ang dalawa sa triplets na iniisip kong si avril at junia. Habang iritado naman si maia at seryosong nakatingin sa akin si Ely.

Naglalakad sila palapit sa akin kaya dinampot ko ang mga paperbags na naglalaman ng lahat ng pinamili ko upang salubungin na sila.

"Hello ate!" sabay na bati sa akin ni avril at junia.

I waved at them and smile. "Hello!"

Lumapit ako kay Ely. I tiptoe to reach his red lips. I kissed him quickly.

"Akala ko ba maghapon ka sa airline? Anong ginagawa mo rito?" he said coldly.

"Liar," bulong ng isa sa triplets, si maia siguro.

Nanuyo ang lalamunan ko. Walang maiprosesong salita ang utak ko. Nabigla ako sa naging tanong niya.

"Uh a-akala ko rin--"

Natigil ako sa pagsasalita ng may umakbay sa akin. Namilog ang mata ko nang makitang si duke 'yon.

"Nandito ka lang pala! Nasa Fountain AB si nethy-- oh! I'm sorry. Hi!"  bati niya sa apat taong nasa harap at gulat na nakatingin sa amin.

Ely's jaw suddenly clenched. Gulat ang mukha niya at nakaawang ng bahagya ang bibig.

"Cheater.." maia whispered.

Mabilis kong tinanggal ang pagkakaakbay niya at tumingin kay duke saka kay Ely.

"Ah,  y-yes!. By the way, this--" Natigil ang gagawin ko sanang pagpapakilala sa kanila ng magsalita si Ely.

Glimpse on Celestial (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon