XIII

98 39 8
                                    


“We hope you enjoyed the in-flight entertainment. We are now preparing to land. The bar is closed and we will soon collect your headsets. May i remind you to complete your arrival and immigration documentation by the time we arrive.”

After a long tiring flight, finally narinig ko na rin ang gusto kong marinig.

“Ang ganda ng boses nung nagsasalita ‘no? Ang gwapo pakinggan. Lalaking-lalaki,” komento ni nethy ng marinig rin ang anunsyo.

Nakapikit ito ng lingunin ko kaya hindi na ako sumagot pa. Pero sang-ayon ako sa kanya ang ganda nga ng boses ng nagsasalita. Dating disc jockey siguro siya.

“Ladies and gentlemen, now We are now approaching Quebec where the local time is 1:47 am. At this stage you should be in your seat with your seat belt firmly, fastened. Personal television screens, footrests and seat tables must be stowed away and all hand luggage stored either in the overhead lockers or under the seat in front. Please ensure all electronic devices including laptop computers and computer games are turned off.”

After  26 hours na pagkakaupo we finally arrived safe at maple country! Hindi na nga namin alam ni nethy kung ano pa bang pwedeng gawin dahil one stop ang ticket na binili namin. Dalawang beses ko na nabasa ang libro na binili sa akin ni nethy. Nakatapos na rin kami ng dalawang set ng docuseries.

Nagtaxi na lang kami papunta sa hotel kung saan kami may reservation dahil ang bus service ng airport ay tuwing daytime lang. Saglit rin kaming dumaan sa convenience store para bumili ng pagkain at simcard. Binilin kasi ni mama na tumawag ako para malaman nila ang lagay namin rito. Para makapag-upload na rin kami ng photos kung sakali.

“Finally! Thanks God na hanap na rin ng katawan ko ang gusto niya,” ani nethy na pagkapasok sa hotel room ay hinanap niya na agad ang kwarto at pabatong inihiga ang sarili sa kama.

“Alam mo bang pakiramdam ko nawala na ‘yung pwet ko sa sobrang tagal nating nakaupo,” reklamo pa niya.  

Hindi ko na siya pinansin pa at ibinaba ko na lang gamit ko bago padapa na ring nahiga sa tabi niya. Hindi pa rin ako makapaniwala. Talaga bang nasa canada na ako ngayon? Pangarap ko lang talaga marating ‘to. Hindi ko alam kung bakit pero may kakaiba sa lugar na ‘to.

Unti-unti ng natutupad ang mga gusto ko. Oh my gosh! Una ‘yung pagkakagraduate ko. Sumunod ‘yung sa la union, noong tinuruan ako ni duke magsurf tapos ngayon naman nasa canada na ako. ‘yung tumulong na lang talaga sa akin ang kulang. Kumusta na kaya siya? Mas marami na kaya siyang natulungan?

“KLEA!”

Napabangon naman ako sa gulat dahil sa pagbigla niyang pagsigaw. Minabuti ko na lang na maupo sa sulok ng kama.

“Anong problema mo diyan? Magkalapit lang tayo ghorl hindi mo kailangan sumigaw.”

“Paanong hindi ako sisigaw hindi mo sinasagot ‘yun tanong ko tas nung tinignan naman kita nakamulat ka naman. Daydream pa sige! Lalo kang hindi magkakaboyfriend niyan!” iritato niyang sabi saka ako binato ng unan.

Hindi ko na namalayan na nagsasalita pala siya dahil sa kakaisip ko sa tumulong sa akin. Kasi naman gusto ko na talaga siya makilala. Loobin sana ako na kilala man lang siya.

“Eh ano ba ‘yung tanong mo ha?”

Bigla naman siyang bumangon at hinarap ako. Mukhang seryoso ‘yung itatanong niya kaya nagseryoso na rin ako. Diretso niya pang pinagkatitigan ang mata ko bago huminga ng malalim.

“Iniisip ko lang may umiihi rin kaya dito sa pader gaya sa atin. Ano sa tingin mo?” 

Putangina! Nakakabaliw talaga ang isang ‘to. Seryosong-seryoso na’ko! Ready na advice cells and tissues ko letche! Tapos ganito?

Glimpse on Celestial (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon